Jacob MAY TAMPUHAN kami ni Oceane kahapon at hindi niya ako pinapansin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ilang araw na, hindi ako komportable na bukambibig niya ay ang lalaking ‘yon. Isa pa, isang lingo lang kami hindi nagka-usap, nagbago na siya, na para bang hindi na niya ako kailangan pa. "Jacob di ka pa tutulog?" tanong ni Alyssa sa akin. Sa sala ng dorm, nakaupo ako sa sofa habang nakapatong sa lap ko ang paboritong libro. Nakasandal ang aking ulo sa backrest ng sofa habang nakatitig sa chandelier sa kisame. Umupo ako ng maayos saka ngumiti. "Tatapusin ko lang ang binabasa ko.." sabi ko “Wala naman mga letra sa kisame” sabi niya sabay tingin sa kisame. “ Unless gumamit ka ng illusion spell..” Napangiti lang ako sa sinabi niya. “Well, sa part na ‘yan may bigla lang pumas