Inayos ni Misty ang suot na sumbrero at hoody jacket. Nalaman nya kay Diego na may sakit daw ang kambal at naka confine daw sa hospital. Hindi rin alam ni Diego kung ano sakit ng mga bata basta alam lang ni Diego. Isinugod daw ang mga ito kaninang umaga. Hindi nya magawang nakapunta kanina dahil meron mga bodyguard na kinuha talaga si Brent para di sya makalapit sa kambal. Ngayon lang sya naka tyempo iisa ang bantay. Nakita nyang nag paalam ang isa at pumasok ng banyo. Kalalampas lang nya ng isang pinto ng bigla iyon bukas at hinila sya papasok. Mabilis naman nya nahila ang kamay ng humila sa kanya at walang kahirap hirap na napilipit ang kamay at isinandal sa pader. “Damn it! Da Silva.. pasalamat ka babae ka at di ako napatol sa babae.” angil ni Brent saka lang binitawan ni Amethyst an