bc

Ang Nobya kong Astig!

book_age18+
9.4K
FOLLOW
41.8K
READ
sex
playboy
kickass heroine
boss
comedy
bxg
sniper
city
enimies to lovers
bodyguard
like
intro-logo
Blurb

Being the General’s daughter sya si Amethyst Da Silva ang laki ng expectations sa kanya. Kailangan ma meet nya ang high standards ng Retired General nyang ama. Dahil suwail at pasaway ang kuya nyang may anger issue sa buhay napilitan sya ang sumunod sa yapak ng ama pero dahil babae sya wala tiwala sa kanya ang papa nya. Lagi nito sinasabi tsamba lang kaya sya na popromote. Pakiramdam nya she will never reach her father expectations dahil ang kuya nya ang favorite nito sa kabila ng mga sakit sa ulong binibigay nito sa pamilya nila.

Due her work calls kailangan nyang bantayan at mag apply bilang bodyguard ng isang kilalang personalidad. Si Brent Harvey Daxton anak ng kilala sikat na Drug lord na napatay 2 dekada na ang nakakaraan sa isang shoot out operation. pinag hihinalaan na itinuloy ni Harvey ang yapak ng ama kaya pinabantayan ito ngayon sa kanya ng ahensya nila. Itinanim syang spy para malaman nya lahat ng galaw ng binata. Ngunit puro kahalayan lang ang na didiskubre nya. Ito na yata ang pinakaguwapong lalaki na nakilala nya sa buong buhay nya pero ito na rin ang pinakamahalay na nilalang na nakita sa buong talang buhay nya. Masyado itong maloko sa babae araw araw iba ibang babae ang ginagawa nitong parausan. Hindi pa daw ito playboy sa lagay na iyon.

Mukhang pati sya kinukursunada nito hindi lang ito maka diga dahil minsan na nyang naturuan nito ng leksyon na talaga naman ikinaratay nito ng 1 linggo sa hospital. Hindi sya nito magawang ma sesante dahil meron itong panata. Kailangan daw muna sya nitong tikman bago sya pulutin sa kangkungan.

“You will end up in my bed Raul bare that in mind.”

“Yes boss! Pero bago mo yan maiputok sa akin titiyakin kong puputok muna tong Baril ko sa baya* nyo.” At ito lang din ang lalaki wala ng ginawa kundi mag mura sa tuwing makikipag s*x. Kala mo e sa impiyerno lumaki.

chap-preview
Free preview
Episode 1- The bodyguard
“Why would i need a bodyguard? I can protect my self ma.” inis na wika ni harvey habang papasok sa loob ng mansion nila. He’s so tired managing their own business. Katulong naman nya ang mommy nya sa pag mamanage ng business nilang hindi pinakialaman ng gobyerno ng mahuli at mapatay ang papa nya na isang Drug lord na di nya akalain. He was only 17 years old back then ng pumutok ang balita na isang drug lord ang papa nya. Akala nya kaya lang sila biglang yumaman agad iyon ay dahil sa marami silang negosyo. Iyon pala ang dami nitong illegal na negosyong ginagawa. Kinailangan pa syang ilayo ng lola at lolo nya papuntang ibang bansa para iiwas sya sa gulo ng papa nya. Wala na din naman kasing may gustong tumanggap sa kanyang university kaya sa Us na sya nag aral ng college. Kasisimula palang ng taon nya sa us ng mapatay naman ang papa nya. Iniyakan nya ang ama syempre dahil sa totoo lang hindi naman masamang tao ang ama. Masyado lang itong nag hangad ng sobra para na rin sa kanila ng mommy nya. Halos 2 taon na naging laman ng balita ang ama nya hanggang sa namatay na ito sa isang shoot out. Kita naman sa news na talagang nakipag palitan ng putok ang papa nya pero ang ikinagalit nya hindi naging makatarungan ang pagkakapatay rito. Mag isa nalang itong nakatayo pero pinaulanan pa rin ito ng bala ng isang batalyong pulis na parang wala talagang planong buhayin ang papa nya. Gustong mag sampa sana ng kaso ng mommy nya noon na kasama na nya sa Us pero pinigilan ito ng magulang para na rin daw sa kanya para sa ikatatahimik ng buhay nila. Marami sa mga ari arian nila ang kinumpiska ng government maliban sa mga asset ng ama na napatunayan na malinis. Gaya ng Excavations Heavy metal Inc. at mga hardware store na ang mommy nya mismo ang nag mamanage. Sila ang pinakamalaking excavations company sa pilipinas kaya karaniwan sila ang may hawak ng malalaking constructions company na nangangailangan ng mga heavy equipments or mga malalaking truck gaya ng bulldozer at mga backhoe etc. They provide excavation services also construction materials. Kanina nag kulang sya ng tauhan na mag ooperate ng bulldozer kaya napilitan sya ang sumalang dahil walang available sa mga driver nya. Kaya no choice kaya pagod sya ngayon. Tapos bubungaran nanaman sya ng ina tungkol nanaman sa mga death threats nyang natatanggap. Na pawang mga galing lang sa mga pamilyang nasira ng papa nya na puro lang naman ngasngas kulang sa gawa. 20 years na ang lumipas pero marami pa rin ang di makalimot at galit sa papa nya lalo na yung mga pamilyang dumanas ng lupit sa ama nya. “Hindi lang naman sa mga death threats kita pinag iingat maging dyan sa mga babaeng pinaparada mo araw araw. My god! Harvey di ka ba natatakot na baka makakuha ka ng sakit or makabuntis ka o mapikot sa ginagawa mo.” tumarak ang mata ni Harvey. “Mommy im an expert for a safety s*x. Kaya rest assure na di kayo mag kaka apo ng biglaan at wala pa rin naman akong plano.” tamad na sagot ni Harvey. “At kailan pa ha? 5 buwan nalang mag 38 ka na kung kelan ka tumanda saka ka naging mahilig sa iba’t ibang babae. Manang mana ka talaga sa ama mo. Kaya whether you like it or not may darating ditong bodyguard mo 4 sila puro babae.” Ngumisi si Harvey. “Bakit puro babae.” “Para wala ng sumubok pang lumandi sayong babae. Madali ko silang mapapasunod sa mga gusto ko at lahat sila puro may asawa na kaya umayos ka Harvey.” napasimangot si Harvey at bumuga nalang ng hangin na umakyat na. “kayo na nga lang bahala Mommy… make sure na sila ang poprotekta sa akin baka ako pa ang maging taga alaga sa kanila. You know me im also a perfect gentleman.” ani Harvey. “They are all from highly recommended agency kaya im sure ikaw ang wag paloko loko sa kanila.” habol pa ng ina. Kumaway nalang si Harvey habang papalayo. “Your mission is to guard him 24/7. Make sure na di sya mawawala sa paningin mo kung kelangan wag kang matulog gawin mo. It’s either na itinuloy nya ang yapak ng ama nya o kilala nya kung sino ang pumalit sa puwesto ng papa nya. Kaya kailangan mabantayan mo sya ng maayos. Do you understand Agent X47.” “Sir! Yes sir.” Deretsong nakatayo si Amethyst habang nakasaludo kasama ang iba pa nyang ka team na may kanya kanyang mission. Sya ang napatoka kay Brent Harvey Daxton nag iisang anak ng dating notorious drug lord ng pilipinas. Na ngayon ay under surveillance dahil talamak nanaman ang bentahan ng drugs at ecstasy sa mga bar, Disco at sa mga outdoor concert. Kamakailan lang 3 kadalagahan ang na over dose at namatay dahil sa gang rape. Humihingi ng hustisya ang mga pamilya ng mga nasawi sa gobyerno. Na agad na sinang ayunan ng gobyerno. Agad na nag pa deploy ng mga agent na maaring gumawa ng assigment at sya ang malas na napili. Dahil sa pasaway nyang kuya pumalpak ang plano nila at maraming civillian ang nadamay at lahat iyon ay sa kanya isinisi ng commander nila. Kaya ang ending natanggal sya sa pagiging Swat na labis na ikinagalit ng papa nya. At ito ang 1st assigment nya after matanggal sya sa posisyon. All she wanted is to please her father at maipagmalaki sya nito sa mga kaibigan at buong angkan nila ngunit mukhang hindi sapat ang napakarami na ng achievements para mangyari iyon. Napakahirap na maging isang anak ng Retired General Hermemoso Da Silva. Masyadong mataas ang standard. ang hirap abutin ng expectation nito. Samantalang ang kuya nya na dapat na syang sumunod sa yapak ng ama. Hayon masyadong happy go Lucky isang dakilang tambay. Nagtataka nga sya kung saan nito nakukuha ang pera para lustayin. Hindi naman sila mayaman sapat lang para mabuhay ng marangya. Dalawa lang silang magkapatid Matanda na ang mama at papa nila pareho ng retired. Sa edad nyang 28 dapat may nobyo na sya pero wala ni isang nagtangkang manligaw sa kanya. Hindi naman strikto ang ama in fact wala itong pakialam sa kanya kung baga bahala sya sa buhay nya. Sya lang naman itong kating kating i please ang ama kahit nagkakandaiyak na ang mama nya sa pakiusap na umalis na sya sa trabho nya. May ilang beses na rin naman kasi syang nalagay sa alanganin dahil sa uri ng trabaho nya. Noon pumasok sya sa pag pupulis para mag pa impress sa ama. Ngunit deadma lang ito kaya sumubok syang mag try out bilang swat at dahil sa galing nya sa baril at sa kombat agad syang naka pasa bilang Sniper swat. Mas naging exciting at mainit ang buhay nya ng mapasok sya sa swat team mas maraming trouble at ganap pero ni minsan wala syang narinig na kahit anong papuri sa papa nya. She keep on achieving awards sa loob ng maraming taon pero mukhang walang pag asa. Ang kuya lang nya ang madalas nitong nakikita. Nagalit pa ito ng ma hospital ang kuya nya. nasabihan pa sya na di nya ginagawa ang trabaho nya. Well technically hindi nya talaga nagawa ang trabaho nya ng gabing iyon dahil sa lasing na lasing na kapatid na bigla nalang sumulpot sa bar na ni raid nila. Nagkapalitan ng putok sila at ang mga ilang armadong lalaki. Natamaan ng ligaw na bala ang kuya nya na agad nyang isinakay sa likod nya at itinakbo palabas ng bar. Di nya lam kung saan sya humugot ng lakas ng katawan at nagawa nyang mabuhat ang malaking taong kuya nya. Iniwan nya ang missiom para sa kapatid nya at itinakbo sa hospital. 1st offense palang naman nya kaya warning pa nga lang ngunit inalis agad sya sa Swat Team na 5 taon din nyang nakasama ang mga ka team nya. WalNg magagawa rules is rules kailangan tanggapin. Kanina pa pinag aaralan ni Amethyst ang buong files ni Brent Harvey Daxton. Wala naman syang nakitang kahinahinala sa mga business nito at sa mga itinerary. Isa lang ang malinaw sa kanya certified playboy. Araw araw iba iba ang kasama nitong babae. Single at walang girlfriend. He don’t do girlfriend thing. He just fu*ked up and go simple as that. Marami itong death threats galing sa mga babae at sa mga pamilyang galit sa pamilya nito na kahit 20 years na ang lumipas binabatikos pa rin ang pamilya ni Brent Daxton. Nagkahinala ang mga pulis na posibleng kaya madami pa rin galit sa pamilya ng mga ito dahil pinagpatuloy ng anak ang yapak ng ama. Hindi nga daw mag bubunga ang santol ng mangga. Bagay na lihim na hindi sya sangayon. Base na din sa experience nya sa pamilya nila santol silang lahat maliban sa kuya nyang mangga pero pinipilit ng daddy nyang maging santol ang kuya nya. Isa lang ang umagaw ng atensyon nya dating magka klase at mag kaibigan si Harvey at ang kuya nya way back in high school days. Ang mas lalong nag pa curious sa kanya ay ang mga babaeng dumaan sa kamay ni Harvey ay iisa din sa mga babaeng ikinakama din ng kuya nya. Ano yun pasahan ng babae ang dalawa pero wala naman contact ang mga ito wala files or ebidensya na nag tuturo na nag kikita ang dalawa. nagkataon lang ba yun pero almost lahat ng babae. Mukhang kailangan nyang maghalukay pa. - - - - - - - - - - Nakatayo silang lima sa gitna ng sala ng mga Daxton habang ineistima ng ina ng lalaking babantayan nila. Isa isa silang tinatanong ng ginang. Ang 4 nyang kasama lihitimong mga bodyguard at walang idea ang mga ito na isa syang dating taga swat at ngayon ay kasama sa isang special task force. Kanina pinag bubulungan pa sya ng mga ito dahil mukha daw syang barbie doll baka daw pabigat lang sya kapag nag karoon ng trouble. Hindi nalang nya pinansin ang mga ito. Sign of aging na kasi ang pagiging mahadera ng mga kasama. Puro may asawa pero wala pang mga anak ang 4 na bodyguard. Habang sya naman ay pinalabas rin ganun ng commander and chief na nila ang nakipag negotiate sa may ari ng security agency para maipasok syang bodyguard. “Una sa lahat sa akin kayo derektang mag rereport. Ayokong makikitang nakikipag usap kayo sa anak ko. Mag sasalita lang kayo kung kailangan.” Inabot nito sa kanila ang tig iisang facemask na itim tulad ng mga suot nilang itim lahat dahil iyon ang gusto nito mula sa longsleeve polo hanggang sa leather combat shoes. May kanya kanya din silang mga radio at earpiece. Mukha silang mga alagad ng impiyerno. “At higit sa lahat ayoko ng malandi.” matigas na turan nito ng nasa tapat na nya ito at inabot sa kanya ang facemask. “May asawa ka na?” tanong bigla ng ginang. Iniwasan nyang makipag eye contact rito. Rules yun sa Agency nila wag titigan ang kausap kung di kailangan. “Yes Maam.” “I want proof.” tumaas ang tingin nya rito sandali. Mula sa bulsa dinukot nya ang cellphone na nakahanda. Inaasahan na nila na mag dodoubt ito sa kanya dahil masyado syang maganda para maging bodyguard. “Hmmmm! Guwapo din ng asawa mo bagay kayo.” anito na muling ibinalik sa kanya ang cellphone after nitong mag scroll sa gallery nya na karamihan photoshop lang sila ni Diego ang pinag panggap na asawa. Si Diego ay ang team captain ng Swat. May girlfriend na ito pero nasa ibang bansa dahil nag aaral pa ng medicine pero maayos muna silang nag paalam rito upang walang maging problema And beside Diego is a 2nd degree cousin nya kaya wala din problema if ever out of respect lang kaya nag paalam rin sila. “Sayang bagay din sana kayo ng anak ko.” bulong nito pero narinig naman nya. Magpapabaril nalang ako sa luneta kesa pumatol sa anak nyo maam. bulong nya sa isip. “kapag nahuli ko kayo na nakikipag harutan sa anak ko kahit may mga asawa na kayo titiyakin kong ito na ang huling trabaho nyo sa mundo. Wala ng agency pang tatanggap sa inyo. Do you understand.” sabay sabay naman silang sumagot ng Yes maam. “Sa Annex 2 kayo titira na mag kakasama by 6am kailangan gising na kayong lahat kailangn 24/7 alisto kayo sa mga itinerary ng anak ko. Wag na wag kayong aalis sa tabi nya hanggat maari. Wag nyong sasayangin ang bawat sentimo na ibabayad ko sa inyo.” muli silang sumagot ng sabay sabay. “Jessa. Samahan mo silang lahat sa annex para maayos nila ang mga gamit nila. Samahan mo na rin sila para ipa familiarise nila ang pasikot sikot ng mansion ng di sila mawala.” Utos nito sa babaeng nasa likuran nito na agad na tumalima. May isa pang bilin ang ginang. Aalisin lang nila ang suot na facemask kung iinom at kakain. halos 2 hrs nilang nilibot ang buong mansion. Bagay na pinag pasalamat nya pinadali ng mga ito ang trabaho nya. Bawat sulok ngayon ng buong mansion hanggang sa kuwarto ni Brent Harvey ay nalagyan na nya ng Bug. Malaya nyang maririnig lahat ng pag uusap sa loob at labas ng mansion ng walang sagabal. Nag lalagay sya ng mga gamit nya sa closet na naka laan sa kanya. Malaki ang kuwarto maluwag pa sa kanilang lima. Para silang nasa isang Army camp. May mga double deck na syang magiging higaan nila. Nang bigla syang batuhin ng isang kasamahan. Kita nya ito sa peripheral view nya kaya naiwasan nya ang stress ball na hawak nito kanina. Nagtawanan ang 4 na babae ng masama syang tumingin sa mga ito. “Nice reflex! mukhang may ibubuga ka naman. Baguhan ka lang pero ikaw agad ang isinalang mukhang malakas ka kay Chief.” wika ng isa na lumapit sa pa kanya saka syang tiningnan mula paa hanggang ulo. “Alam mo bang nakaka tibo ang ganda mo.” akmang hahawakan nito ang pisngi nya ng mabilis na tabihin ang kamay nito. Kaya lalong nagtawanan ang mga ito. “Don’t mess up with me.” umungol ang mga ito habang nag tatawanan. “Spokening dollar pala si Miss Ganda.” “Baka naman kapag nag karoon ng trouble na ngunguna ka pa sa pag yakap sa amo natin. Save me romeo.” biro pa ng isa saka nag tawanan ang mga ito. Inilabas ng babaeng nasa tabi nya ang baril nitong nasa likuran. Napangisi naman si Amethyst saka napailing. “Nakakita ka na ba ng baril. Hindi puwedeng ganda lang meron ka dahil kapag pumutok ito sayang ang ganda mo.” wika nito na itinutok sa sintido nya. Napapikit naman si Amethyst. hanggat maaari sana gusto nyang mag timpi at wag ng patulan ang mga ito pero ibang usapan na kapag may tutukan na ng baril. Mahirap na baka itulak pa ito ng kapwa nitong demonyo. In split of second nakuha nya sa kamay nito ang baril at ikinasa gamit ang hita nya sabay kalabit ng gantilyo ng maitutok nya sa sintido nito. Malakas na tilian at sigaw ang nakulong sa buong kuwarto nito. napangiwi pa syang napa atras ng makita ang tubig na umaagos sa sahig. hay! Buwisit.” inis na hinuyag nya isa isa ang parte ng baril maging ang magazine na alis na nya bago pa nya ikinasa kanina sa hita nya. Isa isang nalaglag sa sahig ang bala. “Next time na itutuk mo ang baril make sure na ipuputok mo. Iba din kasi ang kamay ko kapag masyado akong na excited.” ani Amethyst sabay abot rito ng mga gutay gutay na baril. Halatang nabigla at takot ang nakabalatay sa mukha ng 4. Ngumisi naman sya. “Let’s work together. harmless naman ako basta harmless din kayo.” aniya habang pinag patuloy ang pag aayos ng gamit nya. Wala pa rin nakibo sa apat. “Pikaboo.” muli ay nagtilian ang 4 na babae na ikinatawa nalang ni Amethyst.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
80.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
118.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
166.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
73.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
23.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook