Episode 6- The kiss

2626 Words
“Kayong tatlo maiwan kayo dito wag nyong papalabasin ng annex yung dalagita. Wag nyo din kakausapin. Ako na muna at si Norma ang bahala kay Sir Brent. Make sure na di makakapasok ang mga magulang nya.” utos nya sa 3 kila Kath, Jeda at Amara. Na sumunod naman agad hinanap ng mata nya ang kurimaw na si Brent na bilis na nakatakbo after syang mahalikan. Napakalampa talaga nito buti nalang di pumutok ang labi nya kundi may pag lalagyan talaga ito sa kanya. Akala nya sa mga teleserye at mga drama sa tv nangyayari yung mga ganun aksidente posible palang mangyari sa totoong buhay. Para kasi sa kanya madaling iwasan ang ganun eksena sinubukan naman talaga nya kanina ewan ba nya bakit sa nguso pa rin nya nag landing ang malambot na labi ng amo. Pakiramdam tuloy nya punong puno na ng bacteria ang labi nya. Sa dami dami ng puwede nyang maging 1st kiss ang kurimaw na ito pa kung puwede lang sana putulan ito ng isang daliri ginawa na nya kaso lagot naman sya sa chief nila. Nakita nya ang binatang naka sakay na sa back seat ng kotse ibig sabihin lang isang sasakyan lang ulit sasakyan nila. Agad na nyang niyaya si Norma sa kotse. Agad syang pumuwesto sa driverseat masama ang tingin na ipinukol nya rito. Umiwas naman ito ng tingin habang nag susuot ng seatbelt. Nasa daan na sila ng mag ring ang phone ni Misty ang ina ni Brent ang tumatawag. Kaya agad nyang sinagot. “Hello! Ano itong sinasabi ni Jessa na nag papasok ka daw ng babae sa pamamahay ko anong karapatan mo. Hindi porket ikaw ang gusto kong maging ina ng apo ko. Lalapastanganin mo ang———- “Maam please come down. There is situations going on. You have to trust me hindi ko po ipapaahamak ang anak nyo.” matagal na hindi umimik ang matanda sa kabilang linya. “Matatagalan ako dito misty! Siguraduhin mo lang na walang mabubuntis na babaeng iba yang si Harvey at walang babaeng iuuwi sa bahay ko.” “Yes maam ako ba po ang bahala. Sagot ko po ang batang babae na nasa bahay. Pinababantayan ko pa sya kila Jeda, Amara at Kat.” “So ikaw at si Norma lang ang kasama ng anak ko? Paano kung bigla dumumog ang mga lintik na babae ng anak ko at nag sabay sabay na ———- “I can handle the situation maam. Don’t worry i will risk my life for you son.” ani Misty habang di nya itinago ang pag tarak ng mata nya kay Brent na nakatingin sa rear mirror na agad na umiwas ng tingin ng makita syang nakatingin. “Okay! im giving you all my trust na babantayan mo mabuti ang anak ko Amethyst. Sya nalang ang meron ako na iintindihan mo ba.” “Maam yes maam.” ani Helen saka ito nawala sa kabilang linya. “Hindi ko itataya ang buhay ko sa isang gagong tulad mo.” anggil bigla ni Misty. Napakapit naman sa braso nya si Norma na halatang nagulat sa biglang pag anggil nya pero tinabig nya ang kamay ni Norma. Kumukulo na talaga ang dugo nya sa lalaking to. “Akala mo absuwelto ka na sa akin sa pang bubugbog mo sa asawa ko. Ulitin mo pa ang pag sunod sunod sa akin. Hindi ka na mamakauwing buhay sa nanay mo. Im excellent doing my job kaya wag mong hintayin na ikaw ang unang client ko na tataniman ko ng bala sa ulo.” “Ams.” saway ni Norma na alanganin na nilingon ang amo na apologetic ang tingin. “Kung maka react ka parang first kiss mo ah.” inis naman anggil din ni Brent ng di na nakatiis sa paninigaw nito sa harapan ng ibang tao. Never pang may nanigaw sa kanya maliban syempre sa mommy nya. “Kahit mag supsupan pa tayo ng dila wala akong pakialam.” napangiwi si Brent sa salitang ginamit nito parang nakakadiring pakinggan pero di nya maiwasan ma imagine kung ano nga kaya pakiramdam kung mag supsupan sila ng dila ang lambot ng labi nito. Dapat sa pisngi lang nito mag lalanding ang labi nya ng madapa nya pero nakita nyang umiwas ito kay nag kunwaring umiwas din sya kaya ang ending sapol din ang labi nito. Hindi nya maintindihan ang pinag uusapan ng dalawa kanina sa annex kasama yung minor na dalagita dahil nag sisign language ang mga ito habang nag sasalita. Sa hitsura ni Misty galit na galit ito kaya ng puntahan na nya ang mga ito bahagya pa syang nagulat ng makita ang dalagita na naka hubad at puno ng pasa ang katawan. “Hindi ako mag papabuntis sayo kahit ilang million pa ang i offer sa akin ng mama mo. Kaya umayos ka.” natuptop naman ni Norma ang bibig pero hindi ito nag comment. Di na nya kailangan ilihim pa rito dahil dinig na dinig na rin naman nito kanina ang sinabi ng ina ni Brent. “Your husband is cheating on you at okay lang sayo yun?” “It’s my problem at wala ka ng pakialam.” “Tanga ka.” inis naman wika ni Brent. “E ano naman sayo ngayon. Sadyang marami ng tangang babae sa mundo. Sayo palang sobrang sobra na ang mga katangahan ng mga babae para patulan ka. At least ako sa asawa ko lang ako nag papakatanga.” “Di mo ba naisip na posibleng makabuntis ng ibang babae ang asawa mo.” inis na wika ni Brent wala na silang pakialam sa presenya ni Norma na nanahimik nalang habang nag babangayan silang dalawa. “Na sasakanya yun. Lalaki lang sya may pangangailangan na di ko kayang ibigay sa ngayon dahil nag tatrabaho ako.” “Ikaw bilang babae may pangangailangang ka din physical wag kang ipokrita.” anggil pa ni Brent. “Hindi ako malib** na babae gaya ng mga babae mo. Kaya tantanan mo na ako mas mabuti pang kamayin ko nalang tong petsay ko hanggang sa mapanis kesa malanta tong petsay ko kung ipapaararo ko sayo.” Gustong matawa ni Brent sa mga lenguahe na sinasabi ni Misty na labas na ang litid sa leeg sa pang sasalita. “Sinasabi mo lang yan dahil di mo pa ako na titikman wag kang mag salita ng tapos Nene.” “Gusto mo ihatid na kita sa impiyerno?” “No thanks sa ibang araw nalang may meeting pa ako by 9am.” anito na tumingin pa sa rilo. “Ate Norma pakigising nalang ako kapag nasa company na tayo at pakibantayan na rin ang kamay ni Nene baka kasi hawakan ang TAGURO ko.” ngisi pa ni Brent. “I like the endearment of Taguro. mamaya kapag di na ako busy isip ako ng mas magandang endearment ko sayo kesa sa nene. Di kasi bagay sayo init lagi ng ulo mo.” ani Brent saka pumikit nalang saka humalukipkip. Napapikit naman sandali si Misty para kalmahin ang sarili na wag bumutin ang baril at iputok rito. ******* Nakasandal sa gilid ng kotse si Misty habang iniintay nila ang amo na nag auaudit ngayon sa mga hardware na pag aari ng mga ito. Ilang branch na ang napuntahan nila at ayon dito last na ang branch na iyon at aalis na sila dahil meron daw itong dinner date. “Sakuragi!” malakas na sigaw ng amo di na nya kailangan lumingon kung amo ba nya ang nasigaw dahil kilalang kilala na nya ang boses nito. Panay ang tawag nito ng sakuragi at di nya alam kung sino ba ang tinatawag nito. “Ams. Ikaw yata tinatawag ni Sir na sakuragi.” hagikgik ni Norma. “Mukhang may crush sayo si Sir Ams.” “May asawa ako Norma.” “Crush lang naman pero kung totoo yung narinig ko kanina na niloloko ka ng asawa mo na daks. Ayan na si Sir o nilalandi ka na ganti ganti din pag may time. Supers daks din.” pakindat na wika ni Norma. “Sakuragi ano ba tinatawag kita.” ani Brent ng makalapit ito sa kotse nila. “Tigilan mo ako Rukawa.” abot tenga naman ang ngiti ni Brent. “Mas guwapo ako kay Rukawa pero puwede na din.” “No! Mas bagay sayo ang taguro. Malaki katawan maliit ang ulo. Aalis na po ba tayo sir.” “Maliit ba ang ulo ate Norma?”ngisi ni Brent. “Hindi po sir. Malaki din po.” sinamaan nya ng tingin si Norma na agad na nauna ng pumasok sa kotse. “Sakay na o mag tataxi ka.” tanong ni Misty na pinag bukas pa ito ng Backseat. “Parang in love na ako sayo sakuragi.” “Tigang ka lang sir mamaya palabasin mo yan dun sa ka date mo mawawala din yan.” malakas naman tumawa si Brent na pumasok na ng backseat saktong nag ring ang phone nito. Na sinagot naman ng binata ng na andar na sila na talagang ini loundspeaker pa ng kurimaw na ito. Babaeng na unggol ang nasa kabilang linya. Na parang hinihika at di maintindihan. Inalis ni Brent ang pag kakaloud speaker saka idinikit ang phone sa tenga. “What do you want Akagi!” “Asshole.” “Kung ipaparinig mo lang sa aking kung paano umunggol ang babaeng kasama mo. Ibaba ko na ituloy mo na yang ginagawa mo.” “Jidosia said na may date daw kayo later. Tinikman ko muna bago mo tikman dude.” ngumisi si Brent. Ibang klase talaga ang Diamond nito. Di nya alam kung ano bang gusto nitong mangyari. Lahat nalang ng babaeng dumaan sa buhay nya dumadaan rin dito. “May Aids ka ba Akagi bakit parang gusto mo akong hawahan.” “Paano kung meron takot ka ba?” mahinang tumawa si Brent saka tumingin kay Misty na nanahimik lang na nag mamaneho. “Meron akong bagong gustong tikman na putahe. Iniisip ko palang kung kelan ko kaya mababaak ang kabibe nya. Lasa bang Oyster or tahong lang sa tubig tabang. Kasing liwanag sya ng diamond na hindi pa ———- “Putan***a mo. Harvey! Papatayin kita kapag pinakialaman mo ang kapatid kong hayop ka.” sigaw ni Diamond. “Relax pinag iisipan ko palang naman unless lang kung gusto mo rin syang tikman. Kaya mo ba dude.” hamon nya kay Diamond na sunod sunod na mura ang pinakawalan nito habang sumisigaw na ang babae. Dinig na dinig pa ni Brent ng labasan at umungol ng malakas ang dating kaibigan bago ulit sya minura. “Subukan mong lawayan ang kapatid ko. di ko sasantuhin ang nanay mo hayop ka. Laman tiyan din ang matrona mong nanay na nasa Switzerland diba Dude.” “Putan*** mong hayop ka! Wag mo akong subukan. Alam ko ang baho mo. mag kakaubusan tayo ng lahi bago mo magalaw ang nanay kong putang*** mo.” Mariin na wika ni Brent saka matalim na tumingin kay Misty na saktong napatingin din sa kanya. “Kung demonyo ang tingin mo sa sarili mo. Wag mong gising ang pinaka demonyong nag tatago sa katauhan ko gunggong.” ani Brent saka ini off ang phone. “Sa bahay na tayo.” napatingin si Misty kay Brent na halatang naging badmood bigla. Nawala ang maloko nitong ngiti kanina. Sino kaya ang kausap nito at pinag bantaan pa ang buhay. Mag uubusan ang lahi mukhang may kaaway si Brent at ina nito ang pupuntiryahin. “Wag mo akong titigan sakuragi baka di ko na pigilan ang sarili ko halikan kita at bago mo pamaiputok sa akin ang baril mo buntis ka na sa akin.” Matalim naman na inirapan ni Misty ang binata na di na nya pinatulan ang init ng ulo dahil baka maaksidente pa sila. ****** “Kamusta yung bata?” tanong ni Misty ng makauwi sila. Dumeretso na sa loob ng mansion si Brent sya naman ay sa annex. “Inaapoy na sya ng lagnat. Humihingi sya ng gamot yung itinuturok daw. Gusto nyang umalis kanina at hihingi daw sya ng gamot sa kuya nya. Pinainom nalang muna namin ng pang patulog para kumalma nag hyhysterical na kasi sya kanina.” “And look what we got?” ipinakita sa kanya ni Jeda ang mic na naka lagay kanina sa katawan ng dalagita kanina. “Mukhang spy sya Ams. kaya sinira ko na yan.” napatango naman si Misty. “Kailangan nya ng doctor.” tumalikod na muna ako at mag paalam. Kailangan ko ng tulong ni Brent. pinuntahan nya ito sa silid nito. Nakailang katok na sya bago ito nag bukas ng pinto at ang kurimaw naka tapis lang ng tuwalyang puti at bakat na bakat pa ang malaki nitong taguro. “What? Gusto mo bang hawakan. Go ahead di kita pipigilan. Wala pang hugas yan pero malinis naman matagal tagal ng walang pinapasok na butas… Aray naman!” anggil nito ng tamaan ang noo nito ng gilid ng pinto ng bahagya nyang sinipa. “May family doctor kayo. Kailangan ko ng babaeng doctor.” “Bakit buntis ka?” salubong ang kilay nito. Tumarak naman ang mata ni Misty. “Babaeng doctor lang buntis na agad. Hindi ba puwedeng babaeng doctor lang dahil babae din ang mag papatingin.” “bakit kailangan mo ng babaeng doctor?” “Yung batang babae. Inaapoy ng lagnat and she’s in pain. Kailangan kong malaman kung safe ba sya dito o kailangan ko syang dalahin sa hospital.” “Bakit feeling close ka? close ba tayo sakuragi?” “Tatawag ka ba o hindi?” “Tatawag unless tatawagin mo rin akong taguro mula ngayon.” “Hindi ako nakikipag lokohan sayo Sir Harvey.” “Dalhin mo nalang sya sa hospital at wala din naman akong pakialam sa batang iyon. Ikaw ang nag papasok sa kanya kaya bahala ka sa—— “Taguro please kailangan ko ng babaeng doctor sa annex.” nakapikit na wika ni Misty. “Wag kang pumukit sakuragi para kasing gusto mong halikan kita.” ngisi ni Brent. “Ano ba?” “Galit ka nanaman saglit lang baka biglang pumula ang buhok mo.” ani Brent na tumalikod na iniwan bukas ang pinto para tumawag ng doctor na hinihingi ni Misty. Pag balik nya wala na ang dalaga. Napailing nalang si Brent na idinial ang doctor na pinsan. “baby!” bungad nya sa kabilang linya. “Puwede ba Brent. Kinikilabutan ako kapag baby tinatawag mo sa akin. Babylyn nalang puwede kaya pati asawa na bubuwisit na sayo.” tumawa naman si Brent at di na pinansin ang reklamo. “Puwede ka bang sumaglit dito sa bahay. Meron lang babae pasyente na gustong mag patingin sayo.” “Nag uwi ka nanaman ng babae dyan. Isusumbong kita kay tita.” “Wag kang OA. Basta pumunta ka nalang inaapoy ng lagnat daw yung pasyente at she’s in totally pain. Tingin ko kailangan mong mgdala ng matinding pain reliver. Suggestion lang naman para sure.” ibinaba na nya ang phone at pumasok na sa banyo para maligo. Na alala nanaman nya ang usapan nila ni Diamond kanina saka bumuga ng hangin. Wala syang panahon na banggain o makipag away rito. Tahimik ang buhay nya habang magulo naman ang buhay ni Diamond na isang druglord. Lahat ng klase ng illegal na gawain pinasok nito. Kung tutuusin kayang kaya nya itong isumbong sa pulis pero natitiyak nyang mahirap din itong kalabanin. Marami itong galamay baka magulo pa ang tahimik nilang mundo ng mommy nya. Tama na ang gulong ginawa ng papa nya nakakapag taka lang hindi man lang ba na lalaman ng pamilya nito lalong lalo na si Misty na dating pulis din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD