KABANATA 4

1659 Words
KABANATA 4 Fiona Serenity’s POV UMAKYAT ako sa ikaapat na palapag dahil pinapapunta ako ni Zarkuz hindi ko alam kung bakit dahil wala naman siyang sinabi. Inutusan din ako ni Zemetrius na sundin ko si Zarkuz dahil baka raw pag-u-usapan namin ang tungkol sa mis’yon ko kaya wala naman akong magagawa. Na’ng maakyat na ako, nakita ko ang apat na pintuan. Magkalayo sa isa’t-isa siguro ito na ang mga kwarto ng apat na bampirang yun. Pero, nabigla ako na’ng bumukas kusa ang pinto ng ikalawang k’warto. Kumawala naman ako ng malalim na hininga, mabuti na lang at hindi ako sumisigaw basta-basta sa tuwing may nakikita akong naka-ka-bigla sa paningin ko. Ang creepy ng bahay na ‘to, mapabampira o mapabahay. Siguro ito na ang kwarto ni Zarkuz kaya pumasok na lang ako sa loob. Kaagad na bumungad sa ‘kin si Zarkuz na naka-higa sa kama. Pero parang natutulog yata s’ya dahil naka-pikit ang mga mata n’ya pag tintignan ko ng maigi. Napasin ko naman na halos lahat, kulay itim ang mga bagay na nakikita ko dito sa loob, hindi kagaya sa k’warto ko maaliwalas tignan. Ang silid na ‘to, itim yata lahat ng gamit pati muwebles. Umagaw naman sa atensiyon ko sa isang malaking bintana ng kwarto niya dito sa kanang bahagi ng pader. Kaagad akong naglakad papunta ‘ron at sumilip. Walang harang na kristal o ano kaya makikita ko kung ano ang nasa ibaba. Namangha naman ako sa natanaw ko na puro prutas at gulay ang nakatanim sa garden nila. Pero, kalagitnaan ng pagmamasid ko, may naramdaman akong may gumapang na kamay papunta sa bewang ko. Napasinghap na lang ako na’ng naamoy akong mabangong hiningang dumampi sa leeg ko. Kaagad kong lumingon. “Z-Zarkuz bitawan mo ako?” “Tapos kana ba magmasid at uumpisahan ko na ang gagawin ko sayo?” Napag-tanto ko na lang binuhat niya ako papuntang kama niya. “T-teka! Anong gagawin mo? ‘Di ba’t pag-u-usapan natin ang tungkol sa mis’yon ko kung bakit ako nandito!” bulyaw ko pero sa halip na sagutin, bigla akong binagsak sa kama at kaagad na pumatong sa ‘kin. Nanlamig nanaman ako na’ng makikita ko nanaman ang mga mata n’yang parang umiigting ang pag-nanasa. “20,000 na ako at sapung libong taon na nu’ng huli ako nakatikim ng dugo ng mortal.” A-ano daw? 20,000 taong gulang siya?! Naalala ko bigla ang sinabi ng lolo ko na, matagal tumanda ang isang bampira lalo na pag umiinom ito ng dugo ng tao. “Hindi ako h-handa sa mga g-ganitong bagay Zarkuz, ayokong makagat ng bampira. Nandito ako para punan ang sinabi sa ‘kin ng lolo ko!” sigaw ko at akmang bumangon pero hinawakan n’ya ang mag-kabilang pulsuhan ko. “Gawain mong bigyan kami ng iyong dugo mortal, ayaw mo man o gusto mo,” madiing saad n’ya sabay nilapit ang mukha sa leeg ko at naramdaman ko na lang ang dila niya sa balat ko. Napa-pikit ako na’ng madiin dahil hindi nanaman normal ang t***k ng puso ko. “Mas masasarapan ako pag nakikita kitang natatakot, mortal... kay gandang pagmasdan lalo na’t kamukha ko ang prinsesa ko...” bulong niya sa namamaos na boses sabay binitawan ang pulsuhan ko. Dahil hinawakan n’ya ang panga ko sabay pinakagilid. “W-Wag... Z-Zarkuz...” Napaigtad na lang ako sa sakit na’ng maramdaman kong may dalawang pangil na bumaon sa balat ko. Halos umawang ang mga labi ko na’ng inumpisahan n’ya ng sipsipin ang lumalabas na dugo mula sa ‘kin. “Z-Zarkuz...ang sakit tama na...” bulong ko habang tinutulak siya papalayo, pero bigla niyang hinawakan ang dalawa kong kamay at sinandal sa kama. “Z-Zarkuz... t-tama na!” Naramdaman kong kumawala siya at tinignan niya ako sa mata. “Hindi ako makapaniwalang ganito ka tamis ang dugo mo, ang dami kong natikmang mortal pero ikaw ang kakaiba,” wika niya sabay tingin sa katawan ko. “Gusto ko pa, akin lang ang dugo mo.” Nagulat akong bigla niya akong hinubaran at naramdaman kong wala na akong saplot na pang-itaas. Bigla kong tinakpan ang dibdib ko dahil tinitignan niya ito. “Wag! Wala to sa mis’yon pakiusap wag mong gawin to! ZEMETRIUS! TULUNGAN MO AKO!” “Paumanhin pero hindi ko na mapipigilan sarili ko. Mortal ka at nandito ka sa lugar ng mga bampira kaya ‘wag na’ wag ka mag reklamo. Isa ka lamang na mortal.” Kinuha niya ang dalawa kong kamay sa pagkakatakip sa dibdib ko. Pumiglas ako ng pumiglas pero wala sa kalingkingan n’ya ang p’wersa ko at hanggang sa binaba n’ya ang kan’yang ulo sa dibdib ko. Naramdaman ko nanaman ang dalawa niyang pangil sa kaliwa kong dibdib at sumisip nanaman siya ng dugo. “Napakabango pala ng dugo mo...” ulong ni Zarkuz habang patuloy pa rin sa ginagawa niya. Napa-pa-aray na lang ako sa isip ko sobrang sakit makagat ng pangil ng isang bampira. “Zarkuz papasok na tayo!” Tinig yun ni Zemetrius at na’ng lumuwag ang pag-ka-ka-dikit n’ya sa ‘kin, kaagad ko s’yang tinulak sa pag-ka-ka-patong sa ‘kin at mabilis na inayos ang sarili ko. Ang ang sakit ng mga kinagatan n’ya pero mas binilisan ko ang kilos ko. Aalis na sana ako pero nagsalita pa siya. “Sandali,” inis na wika niya, tumayo siya at may kinuha sa mesa sa tabi ng kama. Isang pulang mansanas. “Kainin mo to para humilom ang mga sugat at babalik ang dugo mo.” Hinagis n’ya sa kama ang mansanas at mabilis kong dinampot iyon. Dahil ang sakit ng mga kinagatan n’ya, kinain ko agad nag mansanas at nagulat akong agad na humilom ang sugat ko sa leeg at dibdib. Napa-pikit na lang ako ng madiin dahil muntikan nanaman ako. “’Wag na ‘wag mong pag-isipang tumakas dahil mas lalo ka lang mapapahamak. Isa pa, hindi ka naman maka-ka-balik sa mundo n’yo kaya mananatili ka rito.” Pag-katapos n’yang banggitin ang mga salitang ‘yun, lumaho na s’ya paningin ko. “Lolo... gabayan n’yo ako... sana matapos ko na ng mis’yon na sinasabi n’yo...” bulong ko sa sarili. Ilang sandali pa ay narinig ko na sumigaw ulit si Zemetrius kaya napilitan akong bumaba at nakita ko naman s’ya kaagad na may dalang damit. “Nand’yan ka pala, suotin mo tong uniporme na to,” sabi n’ya sabay inabot sa ‘kin ang damit na kapit-kapit n’ya. “Paki bilisan kasi aalis na tayo, Fiona.” Tumango nalang ako at nag-pasalamat sabay pumasok sa kwarto ko. Ito na siguro ang paghihirap para sakin na sinasabi ni lolo. Parang gagawin nila akong supplier ng dugo. Sinuot ko na lang ang uniform at humarap sa salamin. Maganda rin ang uniform nila, white na long sleeve at itim na blazer. May pulang ribbon sa gitna ang leeg ko, ang skirt naman kuhay itim rin kaso naiiklian ako. Sinuklay ko ang buhok ko, pero naalala ko yung ginagawa sakin kanina ni Zarkuz. Tinignan ko ang leeg ko na kinagatan niya kanina, nag-laho lang agad na’ng kinain ko ang pulang mansanas na binigay niya sa ‘kin. Nagbuntong hininga nalang ako at lumabas. “Sabay na tayong lumabas Fiona!” Masayang bati sakin ni Zemetrius. Parang siya lang yata magiging close ko dito. Bumaba na kami hanggang sa gate nila at nakita kong may naghihintay na sasakyan na van. Pumasok na ako sa loob at nandun sina Zarkuz, Joziah at Izaiah sa back-seat. Magkatabi sina Zarkuz at joziah sa likod ng driver seat. Sunod naman ay si Izaiah na mag-isa sa likuran nila at pumuwesto naman ako sa kabila kasama si Zemetrius. “Ah... Zemetrius, magkakapatid ba kayo?” tanong ko bigla. “Hindi, magkakaibigan ang mga magulang namin kaya sumunod kami sa landas nila,” tugon ni Zemetrius habang naka-tingin sa bintana. “Fiona, magiingat sa Akademiang papasukan natin dahil malalaman nilang isa kang mortal sa isang tinginan lang.” Nagbuntong hininga na lang ako sa narinig ko. Mas’yadong delikado pala pag papasok ako. “Ano pala ang pangalan ng pinapasukan nyo?” “Black Crow Academy,” malamig na saad ni Joziah. “Gumagamit din pala kayo ng Ingles.” “Oo pero pag importante lang Fiona,” tugon naman sa ‘kin ni Zemetrius. Makalipas ang sampung minuto huminto na ang sasakyan. Lumabas kaming lahat at naglakad na. Napatingin ako sa paaralan nila. May logo nanaman akong nakita sa sa tuktok ng Akademia nila kagaya ng nakita ko sa mans’yon. Kulay itim rin ang motif at may nakikita akong mga naglalakad sa hallway ng unang palapag hanggang ikaanim na palapag dahil sa kristal na salamin ang pader ng hallway. “Bakit parehas ang nakita kong simbolo sa Academy na ‘to sa Mansion niyo?” tanong ko habang umaakyat sa malawak na hagdan papasok sa entrance. “Ang ama ni Joziah ang may ari ng Academia na ‘to. Ang mans’yon naman pagmamayari ni Zarkuz,” tugon sakin ni Zemetrius. Nabaling naman ang tingin ko kay Izaiah na naka-side view. Bakit ganyan na lang lagi ang mukha niya. Mukhang papatay ng tao kaya kinikilabutan ako pag hinahawakan niya ako. Si Joziah naman laging tahimik at may laging kapit na libro. Na’ng makarating kami ng entrance, pumasok na kami at bumungad sakin ang mga estudyanteng ang sama ng tingin nila sakin. Bigla nanaman ako nanlamig na’ng nakita ko ang mga pangil nila. ©cherryypink
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD