KABANATA 3
Fiona Serenity’s POV
"Tumigil ka Izaiah, ituring mong bisita ang mortal na ‘yan. Importante siya sa atin kaya ‘wag na h’uwag mo siyang galawin." Napatigil si Izaiah dahil kakagatin na niya sana ako at parang boses iyon ni Zarkuz.
"TSK! Istorbo ka sa plano ko Zarkuz." Kaagad s’yang umalis sa pagkakapatong sa ‘kin at umalis. Parang naka-hinga ako ng maluwag kaya umupo na ako sabay inayos ko ang sarili ko.
"Magingat ka sa amin Fiona dahil bampira ang lahat ng nakatira dito. Maging ako ay uhaw sa dugo ng isang mortal na kagaya mo pero ang pinagtataka ko, wala akong naamoy na dugo kahit lansa wala."
Napatingin ako dahil sa sinabi ni Joziah. Siguro hindi nila naamoy dahil sa sagradong abo na nasa pendant ng k’wintas ko. Salamat lolo...
Pero, dapat hindi nila 'to malaman. "Ihahatid na kita sa magiging kwarto mo,” dahan-dahan akong tumango.
Umakyat pa kami sa itaas, pang tatlong palapag na 'to. Napa-hinto ako sa pag-la-lakad dahi naalala ko naiwan ko ang mga gamit ko sa labas ng mansion. "’Yung gamit ko pala nasa labas ng mansion n’yo. Kukunin ko lang sandali."
"Hindi na kailangan, nasa k’warto mo na ang mga gamit mo,” tugon n’ya sa ‘kin.
Binalingan ko s’ya ng tingin dito sa gilid ko. "Ha? paano nangyari 'yun?" "’Wag kana mag tanong. Sumunod ka na lang,” malamig n’yang tugon.
Hindi na lang ako nag-salita at nag-patuloy sa pag-la-lakad. ‘Yung uwak pala sa balikat niya nawala siguro lumipad kanina. Ibon lang naman ‘yun pero parang ang suplado.
Na’ng marating na namin ang magiging kwarto ko, pumasok na ako at nakita kong umakyat naman siya sa ikaapat na palapag ng mansion.
Nilibot ko ang silid, kulay asul ang motif ng kwarto. Napansin ko agad na may malaking kama na parang kwarto ng Prinsesa sobrang ganda. Kung titignan ng maigi, parang kumikinang pa ang mga bed sheet at mga unan.
Napansin ko naman ang maleta ko na naka-sandal sa kanilang gilid ng pader. Hahakbang na sana ako sa kinaroroonan ng gamit ko pero may marahas na humila sakin pahiga ng kama.
Nagulat akong si Izaiah nanaman ang pumatong sa ibabaw ko. "A-Ano ba! ‘Wag mo akong hahawakan! Wala kang modo!" suway ko habang pilit na inaalis ang malamig n’yang palad na naka-kapit sa kaliwang pulsuhan ko.
"Wag kang maingay dahil kanina pa ako natatakam sayo," madiing saad n’ya.
Mag-sa-salita pa sana ako pero bigla-bigla niya akong hinalikan sa labi. Parang napa-tulala na lang ako sa itim na kisame dahil ito ang pinaka-unang pag-ka-kataon na may humalik sa bibig ko.
Hindi ako naka-galaw kaagad pero hanggang sa maramdman ko na lang ang mainit na silang pumasok sa bibig ko. Awtomatikong gumagaw ang kanan kong kamay at dumapo iyon sa maputi n’yang pisngi.
Rinig na rinig sa buong k’warto ang tunog ng pag-ka-ka-sampal ko. “B-Bakit mo ako hinalikan—“ Nanlamig akong masilayan ang mga mata n’yang parang namumula sa galit.
"Ikaw lang ang pinaka-unang babaeng sinampal ako ng ganu’n ganu’n lang.” Lumunok muna ako ng sariling laway para may p’wersa akong sagutin ang manyak na bampirang ito!
"I-Ikaw ang pinaka-unang lalakeng humalik sakin ng ganun-ganun din lang!" pabalik kong sigaw sa mukha n’ya.
Pero, bigla ko nanaman natanaw ang matutulis n’yang mga pangil dahil ngumisi nanaman s’ya. "Mas mabuti kung ganu’n. Ibig sabihin Birhen ka pala, mortal."
“A-Anong ginagawa mo!!” Bigla-bigla n’ya lang kasing hinuhubad ang suot-suot n’yang sando. Wala na akong inaksayang pag-ka-kataon kaya bigla ko s’yang tinulak sabay bumangon at bumaba ng kama.
Kaagad akong tumakbo na’ng maka-apak na ako sa sahig. "’San ka pupunta? Sisiguraduhin kong ako ang maka-ka-una sayo bago ang iba.”
Bigla akong napa-atras na’ng makita ko s’yang naka-sandal na sa pinto habang naka-mulsa pero wala s’yang suot-suot na pang-itaas.
Pero, kinuyom ko ang mga kamao ko sabay humugot ng hangin. "Hindi ako babeng bayaran! May mis’yon akong tatapusin kaya wag mo akong pakealamanan!" singhal ko sa kan’ya.
"Tama siya Izaiah, ‘wag mo siyang papakealamanan. Importante sa ‘kin ang mortal na 'yan." Parang nahinto bahagya ang pag-hinga ko dahil narinig ko nanaman ang boses ng Zarkuz sa likuran ko.
"Sa susunod, ‘wag mo na akong pigilan Zarkuz. Matagal na rin ang panahon na hindi tayo naka-tikim kahit isang patak ng dugo ng mortal,” naka-ngising saad ni Izaiah sabay tumalikod na sa ‘kin.
"Nakahanda na ang pagkain sa kusina bumaba na kayo,” utos pa ni Zarkuz.
Salamat dumating s’ya kung hindi malamang na rape na ako dito wala sa oras. Pero, alam kong hindi ako pababayaan ng lolo ko. Gagabayan n’ya ako at ngayon nalaman kong dinala ako dito ng lagusan at sigurado na’ng iyon ang tinutukoy n’ya sa ‘kin.
Kung iisipin ko ng mabuti, ang hirap ng sitwasyon ko pala dito, marami akong pagdadaanan. Pero, tatapusin ko ang misyon na to para sa lolo ko. Hindi ko s’ya bibiguin.
Bumaba na ako sa kusina at nandito silang lahat. Hindi ko sila magawang titigan isa-isa dahil pare-parehas silang naka-ka-takot pagmasdan. Huminga na lang ako ng malalim at tahimik na umupo sa bakanteng upuan. "Ikaw ba si Fiona?"
Napatigin ako sa nagsalita sa harap ko. "Ako nga pala si Zemetrius Cairo,” saad niya habang nakangiti.
Teka, hindi ko s’ya nakita kanina pero... ito siguro ang sinasabi ni Joziah na abala at ngayon lang dumating.
Ngumiti nalang ako sa kaniya ng pabalik at yumuko. Sobrang ang aamo ng mukha ng nakatira sa mansion na to, hiyang hiya tuloy ako sa sarili ko.
"Tama ka nga Joziah, kamukha nga niya si Prinsesa Izabella, maganda rin siya.” Napa-tingin naman ako bigla kay Zemetrius dahil parang compliment ‘yung narinig ko.
‘Yun nga lang, pansin ko ay kanina ko pa naririnig na kamukha ko raw ang prinsesa na sinasabi nila. Napaisip na lang ako kung saan ko hahanapin ang labi ng prinsesa na ‘yun.
"Mukhang abalang-abala ka ngayon Zemetrius, pinapahap ka sakin ni Panginoong Joziah, natatanggalan ako ng isang pakpak sa ginagawa mo!" Nagulat akong nagsalita ang uwak at pumatong sa sandalan ng upuan ni Zemetrius.
Liningon naman s’ya nito kaagad. "Tss wag mo akong pakealamanan na uwak ka lagi mo nalang ako binabantayan."
"Kung saan-saan ka kasi pumupunta!" pabalik na sigaw ng uwak habang binubuka-buka ang kan’yang magkabilang pakpak.
"Tumahimik ka diyan kung ayaw mong gagawin kitang sinabawan,” pagbabanta n’ya.
Natawa na lang ako ng pabulong dahil magkaaway yata ang dalawang to. "Lagi nalang kayo nagtatalong dalawa. Hindi kayo magkasundo," saad ni Joziah na nasa tabi lang n’ya si Zemetrius.
"Kaya hindi na ako nag-alaga ng uwak dahil ang ingay nila,” tugon naman n’ya.
"Kumain na tayo,” wika bigla ni Zarkuz na sa kabilang upuan. Sa tabi s’ya ni Joziah.
Inalis ko ang atens’yon sa kanila at napatingin ako sa pagkain. Beef steak yata ‘to at malaking sweet corn. Mukang masarap.
Nagsimula na kaming kumain at tumahimik bigla ang paligid. Tanging tunog lang ng mga kubyertos ang naririnig namin dito sa kusina nila.
Pero, agaw pansin ang tatlong lalakeng nakatayo sa likod nina Zarkuz at Zemetrius. "Sino po... ang mga yan?" tanong ko habang nakatitig sa naka-tayong mga lalake.
"Sila ang nagaasikaso sa loob ng bahay,” sagot sakin ni Joziah.
"Wala ba kayong kahinaan bilang bampira?" tanong ko nanaman bigla. Parang hobby ko na mag-tanong kung anong mga bagay.
"Wag mo ng alamin." Malamig na wika ni Zarkuz. Parang ang susuplado nila pero mukhang may kaniyang kan’ya silang katangian.
Si Joziah, parang maasikaso pero mukhang walang pakealam.
Si Zarkuz, sobrang lamig ng boses niya at hindi mo mabasa ang emosyon sa mukha niya.
Si Izaiah naman manyak tapos ang agresibo.
Si Zemetrius naman mukang mabait.
Sana.
Napatingin ako sa old style na wall clock sa harapan ko, 6:38 pm na pala. "7:00 ng gabi mamaya papasok tayong lahat sa Akademia.” Napahinto sa pagkakain ko dahil sa sinabi ni Joziah.
"May Akademia dito?" tanong ko parang may halong pagmamangha.
"Paano ka matututo pag walang Akademiang papasukan at isa pa, mas may alam sa siyens’ya ang mga immortal kaysa sa mga walang k’wentang mga mortal," walang ganang sagot n’ya pa. Naka-ka-offend naman ang sinabi n’ya.
"Bakit gabi ng pasok?"
"Mundo 'to ng mga bampira wag kana mag-taka,” tugon sakin ni Zemetrius habang nakangiti.
"’Di ba takot ang mga bampira sa sinag ng araw? Bakit kayo nakakalabas?" Hindi ko maiwasang matanong dahil sa nalalaman ko, napapaso ang mga bampira sa sinag ng araw. Pero kanina na nasa labas ako na kahit mainit, hindi manlang napano ‘tong si Joziah.
"Kagaya ng sinabi ko, mundo 'to ng mga bampira. Pag nasa lugar kami ng mga mortal ‘dun lang kami napapaso,” paliwanag ni Zemetrius. Kaya naman pala...
“S’ya nga pala, simula ngayon... dito kana titira dahil nasabi na siguro sa ‘yo ang tungkol sa propesiya, kung tutuosin... inaasahan namin na balang araw ay may mortal na makaka-lusot sa mundo namin at ikaw ‘yun, Fiona,” sabi pa n’ya.
Sa totoo lang, gusto ko na’ng tapusin ang mis’yon para maka-uwi na ako. "Tss. Wag kang makipag usap sa ibang lalake Fiona." Napatingin ako kay Izaiah.
"Izaiah, hindi naman ‘yun maiiwasan,” suway ni Zemetrius. Sa pakiramdam ko... s’ya lang ang mabait dito.
"Pumunta ka sa kwarto ko mamaya mortal.” Nabaling ang atens’yon ko kay Zarkuz habang papaalis na pala siya at umakyat sa taas.
Ano nanaman ang gagawin ko sa silid niya?
©cherryypinks