KABANATA 12 Fiona Serenity's POV Inutusan ako ni Zemetrius na kumuha ng bulaklak sa hardin para ilagay sa vase ni Prinsesa Izabella sa ikalimang palapag dahil nandoon ang k’warto n’ya. Pumitas ako ng limang lavender, sampung red tulips at apat na yellow rose. Umakyat na sa ikalimang palapag ng mansion at tinungo ang isang kwarto. Pinihit ko na ang door knob pero may narinig akong may naguusap. "Mahal ko, tila nahulog na ang iyong loob sa mortal na babaeng iyon?" Sinilip ko sa bintana kung sino ang nasa loob ng kwarto ng Prinsesa. Si Zarkuz at naka-upo sila sa kama. "Nagkakamali ka, ganoon lamang ang trato ko sa kaniya dahil kailangan ko ang kaniyang sagradong dugo. Ginagamit ko lang s’ya dahil wala naman s’yang silbi, dugo lang ang kabol ko sa kan’ya." Saad ni Zarkuz habang hinahawa