KABANATA 11 Fiona Serenity's POV Nauna na pala si Zemetrius nagising, hinintay niya na lang daw ako kasi ayaw niya maistorbo ang tulog ko. Nagsimula na kaming maglakbay at makalipas ang isang oras, may nakita kaming maliit na kweba na kasya lang ang tatlong tao sa loob. Pero madilim ito at hindi mo makikita ang mga bagay sa loob ng kweba. "May itim na rosas na nakatanim sa ibabaw ng kweba, marahil ito na nga. Pero lanta na ito." Pumasok na kami ni Zemertrius at nagsindi ito ng posporo. Dahan-dahan kong naaninag at agad kong inikot ang mga paningin ko. Pero nadismaya akong wala kaming lakitang kawatan ng tao o ng prinsesa. Isang patag na lupa lang na nakaumbok sa kweba na nakapalibot ang mga itim na bulaklak. "Hindi ko maintindihan, ito ang nakapinta sa libro ng kamatayan pero wala ak