KUMAKABOG ng matindi ang dibdib ni Jhanine. Naroon sa harap niya ang pinto ng pribadong opisina ng Boss niya. Ayon kay Mrs. Bartolome, nasa loob daw ng silid na iyon si Senator Ben Rivera, at kausap ang Manager niya. Parang bigla ay gusto niyang pagsisihan ang panununtok niya kay Daryl. Paano na lang kung ipakulong siya ng mga ito? Kahit na sabihin niyang siya ang dehado sa mga pangyayari, sa lakas ng impluwensiya ng mga ito. Kayang-kaya nitong baliktarin ang lahat.
Kung bakit ba naman kasi ang dali mag-init ng ulo niya. Hindi na niya naisip ang maaaring kahinatnan ng mga ginawa niyang aksiyon. Ngayon, heto siya. Pakiramdam niya ay katapusan na ng mga masasayang araw niya. Mukhang guguho na lang ng ganoon na lang ang mga pangarap niya.
"Susmaryosep, Lord. Ano ba itong nagawa ko?" bulong pa niya habang naglalakad sa loob.
Kumatok muna ito, bago binuksan ang pinto. Halos sabay na napalingon ang Boss niya at ang Senador. Agad na tumayo ang huli nang makita siya.
"Jhanine, come in." Anang Boss niya. "Senator Ben, says he wants to talk to you." Pagpasok niya sa loob ng opisinang ay naroon din apat na bodyguards nito.
"Sige po."
Pumasok siya sa silid. "Maupo ka hija," yaya ng Senator sa kanya. Naupo naman siya sa katapat na silyang inuupuan din nito.
Go Jhanine! Kaya mo 'yan! Pagpapalakas pa niya ng loob sa sarili.
Pagpasok niya sa loob, isang nakangiting Presidente ang sumalubong sa kanya. Gumanti siya ng ngiti dito kahit na sobra ang nararamdaman niyang kaba.
"Magandang Umaga po, Sir." Bati niya.
"Magandang Umaga din."
Naupo siya sa silya na nasa harap ng mesa nito.
"Marahil ay alam mo na kung bakit kita pinatawag dito." Anang Senador.
"Opo. At gusto ko pong humingi ng –"
"I want to apologize to you about the behavior of my son." Sansala nito sa sinasabi niya.
Natulala siya. Hindi niya mahagilap ang tamang salita na dapat sabihin dito. Hinangaan niya ng husto ang ginawang iyon nito. Isa ito sa may pinakamataas na opisyal ng bansa, at siya ay isang ordinaryong mamamayan lamang. Kaya, sino nga ba siya para humingi ito ng tawad sa kanya?
"Sir, ba-bakit po kayo nag-a-apologize sa akin? Ito po ba ang dahilan kung bakit ninyo ako pinatawag?"
Tumango ito. "Yes. Nahihiya ako sa ginawa ng anak ko. Pati ikaw ay nadamay niya sa kalokohan niya. I'm very sorry, Jhanine."
"Wala po iyon. Kung tutuusin, hindi nga po kayo ang dapat na gumagawa n'yan. Si Daryl. Pasensiya na rin po pala kayo kung napagbuhatan ko ng kamay ang anak ninyo. Aaminin ko, talagang nagdilim ang paningin ko." Paliwanag niya.
"I understand. At inutusan ko na si Daryl para pumunta dito at mag-apologize sa'yo. I asked him to apologize to you in front of your officemates. Mas mabuti iyon para may witness. Nakakahiya rin kasi ang mga pangyayari sa mga magulang mo. Na-drag ang pangalan mo sa publiko. Mabait kang bata, you don't deserve this."
Natigil ang pag-uusap nila ng pumasok doon ang seketarya nito. "Excuse me, Mr. Senator. Dumating na po si Sir Daryl." Ani Mrs. Bartolome.
"Okay, thank you."
"Let's go." Yaya sa kanya ng Ama ni Daryl. Bumalik sila sa working stations nila. Pagdating doon ay naroon na si Daryl. Prente itong nakaupo sa isang silya doon at tahimik, habang ang mga babaeng officemates naman niya ay halos himatayin sa sobrang kilig. Sabagay, sino nga bang babae ang hindi kikiligin dito. He looks so dashing and handsome on his black officesuit. Maging siya ay halos matulala ng umangat ang tingin nito at tumayo. Mas mukha itong Greek God kaysa anak ng Senador at businessman. No wonder kaya kabi-kabila ang endorsement nito sa telebisyon at maraming babaeng nahuhumaling dito.
Nang magtama ang paningin nila, bigla ay bumilis ang t***k ng puso niya.
"Hi," bati nito sa kanya.
"Hi..."
Pansin niya ang kalungkutan sa itim na mga mata nito, bukod doon ay tila ba may nakikitang siyang anong emosyon dito na hindi niya maipaliwanag.
"I'm here to apologize to you. Para klaruhin ang balita na lumabas nitong mga nakaraang araw sa mga kasamahan mo dito sa trabaho. Ang nangyari sa pagitan namin ni Jhanine ay hindi sinasadya. Hindi namin inaasahan pareho na mangyayari iyon. Ang nakalagay sa mga diyaryo ay isang napakalaking pagkakamali. Hindi na kasi namin control ang media. Jhanine, I'm really sorry. I swear to God, hindi ko rin alam na may lalabas sa diyaryo na ganyang balita." Paliwanag ni Daryl.
Bumuntong hininga siya. Pinag-aralan niya ang bawat salitang sinasabi nito. Hindi man nawala ng tuluyan ang galit niya dito, ay aaminin niya na ramdam niya ang sinseridad nito sa paghingi ng tawad sa kanya. Isang bagay na bago sa kanya. Hindi niya ramdam na napilitan lang ito dahil iyon ang inutos ng Daddy nito. Kung hindi, alam niyang galing sa puso nito iyon.
"At sa harap ng mga kasamahan mo sa trabaho, gusto kong sabihin ulit sa'yo na I'm sorry Jhanine. I don't have the intention to drag your name in my life or ashamed you or anything. At kung kinakailangan ko din mag-apologize sa mga magulang mo or sa harap mismo ng media. Gagawin ko, patawarin mo lang ako. Gagawin ko ang lahat basta, mawala lang ang galit mo sa akin." Tila nagsusumamong wika nito.
May kung anong mainit na pakiramdam ang humaplos sa puso ni Jhanine. Hindi niya inaasahan na mag-e-effort ng ganoon ito at ang mga magulang nito, makahingi lang ng tawad sa kanya.
"No. Hindi na, hindi mo na kailangan humarap sa media. Okay na sa akin na nag-sorry ka." Aniya. "Pasensiya ka na rin kung napagbuhatan kita ng kamay." Hinging-paumanhin din niya dito.
Gumuhit ang magandang ngiti nito, isang bagay na muling nagpabilis sa pintig ng puso niya.
"I understand," sagot nito.
"Pero, may isa lang akong itatanong sa'yo. And please, sumagot ka ng maayos at ng totoo."
"What is it?" tanong nito. Bahagya siyang nakaramdam ng pagkailang dito dahil titig na titig ito sa kanya.
"Pa-paano na ng nangyari na nahalikan mo ako? Sinadya mo ba iyon?" kabadong tanong niya. Hindi alam ni Jhanine kung bakit niya kailangan tanungin iyon. Parang gusto na nga niyang bawiin ang tanong niya.
"Yes," mabilis na sagot nito.
Muli ay nagngingit siya sa inis. Ano naman kaya ang gusting palabasin ng lalaking ito? Okay n asana kanina dahil nag-apologize ito sa kanya. Ang inaasahan niya kasing sagot nito sa kanya ay bonggang 'No'.
"What?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Ayan ka na naman Daryl eh, kasasabi ko lang sa'yo sumagot ka ng maayos eh."
"You asked me. At sinabi mong sumagot ako ng totoo. So, sinabi ko lang ang totoong sagot ko."
"Pero bakit?" naguguluhang tanong niya.
"Because I'm in love with you." Walang gatol na sagot nito.
Daig pa niya ang sinipa ng kabayo sa dibdib, kasunod ng matinding pagkabog ng dibdib niya. Tila isang bomba iyon na sumabog sa harapan niya. narinig na lang niya ang mga kasamahan niya sa trabaho na naghiyawan at kinikilig sa tuwa. Wala sa sariling napalingon siya sa Daddy nito, na mukhang pati ito ay waring nagulat din sa sinagot ng anak nito.
"I don't know." Sabi nito, saka nagkibit-balikat.
Muli niyang binalik ang paningin sa lalaking nasa harap niya. May kung anong emosyon siyang naaninag sa mga mata nito. Dapat sa mga sandaling iyon, ay daig pa niya ang bulkan sa sobrang galit. Sa mga sandaling iyon, dapat ay nagmartsa na siya palabas, o kaya naman ay bigyan ito ulit ng isang uppercut. Pero bakit tila ba hinipan lahat ng hangin ang galit niya para dito. Sa halip, mabilis na tumitibok ang puso niya.
Ano ba talaga ang gusto mong palabasin, Daryl?
"WHAT is it this time, Daryl?" galit na tanong ng Daddy niya. Naroon silang mag-anak sa silid niya. Nakatayo ito sa may bintana, hinarap siya nito. "I told you to apologize to Jhanine. Kaibigan namin ng Mommy mo ang Parents niya at siya mismo ay kababata mo. Pero sa ginawa mo, baka lalong magalit sa'yo si Jhanine."
"Anak, bakit mo sinabing in love ka kay Jhanine?" tanong naman ng Mommy niya.
"At sa sinabi mo iyon sa harap pa ng mga kasamahan niya sa trabaho." Sabi pa ng Daddy niya.
"Mom, Dad. Please, trust me on this." Sa wakas ay sagot din niya.
"Trust you? Ilang beses ka na ba namin binigay sa'yo ang tiwala namin. Pero look what did you do? You keep on messing up around." Sabi pa ng Daddy niya.
"If this is just your way to get back to her, dahil sa ginawa niyang pagsuntok sa'yo. Tigilan mo na lang, anak. Please." Pakiusap pa ng Mommy niya.
"Mom, hindi ako gumaganti sa kanya. Besides, nagpakatotoo lang ako." Paliwanag niya. "I really have this feelings for her." Pag-amin niya.
"You have to make it sure this time. Si Jhanine ay hindi gaya ng mga babaeng madalas mong nakikilala sa mga Bar na pinupuntahan mo. Kung talagang mahal mo siya, walang kaming tutol ng Mommy mo. Pero kung gumaganti ka lang sa kanya. Anak, pag-isipan mong mabuti. Huwag mong paglaruan ang damdamin niya." Mahabang paliwanag ng Daddy niya, pagkatapos ay lumabas na ito ng silid kasunod ang Mommy niya.
Huminga siya ng malalim, saka niya binagsak ang katawan sa malambot na kama. Hindi pa siya naging ganito ka-sigurado sa buhay niya, alam niyang maaaring ikagalit na naman ni Jhanine ang pag-amin niyang iyon. Pero handa siyang panindigan ang lahat ng iyon.
ISANG malaking pasasalamat ni Jhanine dahil day off niya ng sumunod na araw. Pansamantala muna siyang matatahimik sa bahay. Hindi na niya kailangan pang isipin ang pagbiyahe niya, kung may makakakilala ba sa kanya o wala.
Bumuntong-hininga siya. Wala lang siya talaga sa mood mag-amok ng araw na iyon. Dahil kung nagkataon na may topak siya, kahapon pa lang ng mag-usap sila ni Daryl, nakatikim na naman ng upak iyon galing sa kamao niya.
"Ang lalim no'n ah," puna ng Mama niya.
Lumingon siya dito. "Wala lang po." Aniya.
"Hay naku, Jhanine. Alam ko na ang tumatakbo sa isip mo. Mabuti at hindi napapagod si Daryl." Anang Mama niya.
Napangiti siya sa sinabi nito, agad niyang nakuha ang segue na joke nito.
"Si Mama talaga, nagiging corny." Sabi pa niya, saka umiling. Pinatong niya ng isang siko sa bukas na sliding window nila saka doon nagpangalumbaba.
Naroon siya sa sala ng bahay niya, samantalang ang Mama naman niya ay abala sa paghihiwa ng mga sahog sa iluluto nitong ulam para sa pananghalian.
"Iniisip mo ba ang sinabi ni Daryl sa'yo?" tanong nito.
Tumango siya. "Hindi ko lang po maintindihan kung bakit kailangan niyang sabihin iyon." Sagot naman niya.
"Baka naman totoo ang sinabi Daryl, na talagang mahal ka niya." anang Mama niya.
"Hay naku, Mama. Baka nga gumaganti lang iyan dahil sa panununtok ko sa kanya."
"Oy Jhanine, ikaw nga iyang pagbubuhat mo ng kamay sa kapwa mo ay tigilan mo." Sermon sa kanya nito. "Hindi ka siga o amazona na basta na lang mang-uupak. Saka iyang pagiging mainitin ng ulo mo, baguhin mo iyan. Hindi kita pinalaking ganyan."
Para siyang bata na lumabi. "Nagkakaintindihan ba tayo, Jhanine?"
"Opo, Ma." Sagot naman niya.
Lumaki siyang disiplinado ng kanyang mga magulang. Silang magkakapatid. Palibahasa'y bunso sa tatlong magkakapatid, ang Ate at Kuya niya ay pawang mga ay asawa na. Siya na lang natitira sa piling ng mga magulang nila. Hindi uso sa mga ito ang mga kagaspangan ng ugali. Kagaya na lang noong araw na sinuntok niya si Daryl, nang mabalitaan iyon ng Mama at Papa niya. Nag-shower siya ng sermon mula sa dalawa. Aminado naman siya na mali ang ginawa niya, masyado kasi siyang nadala sa sobrang galit.
"Kapag pumunta si Daryl dito, mag-usap kayong dalawang mabuti. Malalaki na kayo, alam na ninyo dapat ang gagawin." Sabad ng Papa niya, kanina pa ito tahimik na nagbabasa ng diyaryo. Sumulyap siya sa front page ng diyaryong hawak ng Papa niya. Nakalagay doon ang mga katagang: "The Kissing Senator's Son."
Muli na naman siyang napabuntong-hininga saka umiling siya. Ayaw niyang pinagtititingin ang mga balita ngayon. Baka mainis na naman kasi siya, at makalimot. Kaka-sermon lang ng Mama niya tungkol sa temper niya.
"Hindi n'yo man lang ba siya kakausapin, Pa?" tanong niya.
"Hindi na, nag-usap na kami ni Pareng Ben." Sagot naman nito.
"Wow naman, Pa. Pare lang tawag n'yo kay Senator Ben Rivera?" biro pa niya.
"Anak, bago pa pumasok sa pulitika si Ben. Magkaibigan na kami n'yan."
Naputol ang pag-uusap nila ng tawagin siya ni Kim at Sam. Agad siyang lumabas.
"Anong ginagawa mo?" tanong ni Kim sa kanya.
"Wala naman," Sagot niya.
"Nabasa mo na ba ang balita ngayon sa newspaper?" tanong ni Sam.
"Oo naman. May bago pa ba doon? Kailan ba mamamatay ang balitang 'yan? Nakakairita na! Ang sarap na naman mang-giyera." Sagot ulit niya.
"Oy Jhan, ayos ah! Sikat ka na talaga ngayon!" sigaw pa ni Marvin, nasa loob ito ng bakuran ng bahay ng Lolo nito at naghuhugas ng kotse.
"Tse! Parang gusto mo pang magpasalamat ako." Pambabara pa niya.
"Naks! In-love sa kanya si Daryl oh." Tudyo pa ni Wesley sa kanya.
"Tigilan n'yo akong magpi-pinsan! Teka nga, paano n'yo nalaman ang sinabi nya sa akin sa opisina?" tanong niya.
Hindi naman sumagot ito. Napabuntong-hininga siya, panigurado na tsismis na ni Daryl ang mga sinabi nito sa pag-uusap nila. Ilublob kaya niya ang magpi-pinsan na ito sa isang drum ng tubig na may sabon. Hindi naman siguro magagalit si Lolo Badong.
"Ayiii! Really? In love sa'yo si Daryl?" tudyo pa sa kanya ni Kim.
"Uso pa pala ang fairytale ngayon?" sabad pa ni Karl.
"Gosh! Oo nga no? Parang fairytale nga ang nangyayari." Kinikilig na wika ni Kim, sabay kaway ng makita nito si Jester. "Hi Jester!" Nag-flying kiss pa ito sa lalaki.
"Right. Si Daryl ang prince charming, tapos ikaw si Cinderella!" dagdag pa ni Sam.
"At kayong dalawa ang gagawin kong wicked stepsisters ko kapag hindi kayo tumigil," sagot pa niya.
"Ang bitter nitong babaeng ito!" ani Kim.
"Tama, if I know. May gusto ka rin kay Daryl eh." Tudyo pa ni Sam.
Pabirong inambaan niya ito ng suntok. "Tumahimik ka nga diyan, Samantha. Wala akong gusto sa kanya!" mariin niyang tanggi.
"Weh! Talaga?" paniniguro pa nito.
"Oo nga!"
"Ibig sabihin, wala kang naramdaman na kahit ano after ka n'yang halikan?" patuloy pa ni Sam. Tinuro pa siya nito ng isang daliri nito. "Hmm? Huwag kang mag-deny diyan! Hindi ka manhid! Aminin mo!"
Bumuka ang bibig ni Jhanine, ngunit walang lumabas na tinig doon. Maging ang utak niya ay naghahagilap ng maisasagot, ngunit nanatiling blangko iyon. Tumikihim siya ng malakas, para kahit paano ay umayos ang takbo ng utak niya. Isang dahilan kung bakit ayaw niyang pinag-uusapan ang tagpo nilang dalawa ni Daryl, naging malaki ang epekto ng halik na iyon sa kanya.
"Wala! Wala akong alam sa sinasabi mo!" tanggi niya.
Matapos ang aksidenteng halik na iyon. Hindi na siya nakatulog ng maayos sa gabi. Sa tuwing pumipikit siya, tanging ang guwapong mukha ni Daryl ang nakikita. Maging sa panaginip ay sinusundan siya nito. Madalas mag-replay sa panaginip niya ang halik na iyon.
At hanggang sa mga oras na iyon, ramdam pa rin ni Jhanine ang kuryenteng tila nanulay sa katawan niya ng magkalapit sila ni Daryl. Maging ang kakaibang pagkabog ng dibdib niya sa tuwing nakikita niya ang binata, sa telebisyon o kahit na may magbanggit sa pangalan nito ay isang malaking palaisipan sa kanya. Kagaya na lang ngayon.
Naputol ang tuksuhan nila ng makita nila ang paparating na isang itim na SUV at ang itim na Maserati Sports car ni Daryl. Lalong bumilis ang t***k ng puso niya. Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi naman siya ganoon kay Daryl dati.
Lord, ano po bang nangyayari sa akin? Grabe! Hindi ako sanay na ganito ang nararamdaman ko! Piping panalangin niya.
Pagbaba ni Daryl ng sasakyan. Parang nag-slow motion ang lahat sa paligid niya. Tama si Sam, para nga itong Prince Charming sa kaguwapuhan. Bagay dito ang pangalan nitong Prince Daryl. Kahit sa malayo ito, unang tingin pa lang ay mukha na itong mabango. Napatunayan niya iyon ng sa wakas ay makalapit na ito sa kanya. Pinigilan niya ang sariling mapapikit.
"Hi Jhanine," bati nito. "Puwede ba tayong mag-usap?" tanong nito.
Tumango siya, saka binaling sa iba ang paningin. Oh no! Bakit ba ako natataranta?
Sandali itong nagpaalam, nagmano ito sa Lolo at Lola nito. Hindi niya maintindihan ang mga sinasabi ng dalawang matanda dahil kapampangan ang salita ng mga ito. Maging si Daryl ay iyon din ang lenggwaheng ginagamit.
Ilang sandali pa ay bumalik na ito sa kinaroroonan nila.
"Doon tayo mag-usap sa garden sa likod. Para hindi masyadong maingay." Ani Daryl. Maingay kasi ang makina na ginagamit sa carwash.
"Okay," pagpayag niya.
"Hoy Daryl, pakalasan mo muna ang kaibigan ko!" Biro pa ni Sam sa kanila.
"Paalala mo sa akin mamaya, ilulublob kita sa drum!" sabi pa niya. Tumawa lang ito at si Kim.
"Hoy Daryl, alam ko in love ka kay Jhanine. Pero pagkatapos mong manligaw. Maghugas ka ng kotse dito!" pahabol pa ni Jefti.
"Oo na!" sagot naman nito.
Pagdating sa garden, naupo siya sa swing na matatagpuan doon. "Ano bang sasabihin mo?" tanong niya.
"About iyong pag-uusap natin sa opisina n'yo pati iyong mga nasa diyaryo." Pagsisimula nito.
"Alin doon?" tanong niya. "Iyong paghalik sa akin o iyong sinabi mong dahilan kung bakit mo nagawa iyon?"
"Jhanine, sinabi ko iyon dahil iyon ang totoo." Sagot naman nito.
"Naku, tigilan mo nga ako Daryl. Hindi ako naniniwala sa'yo na in love ka sa akin. Pagkatapos ng mga pang-aaway ko sa'yo. Imposibleng magkagusto ka pa rin sa akin."
"Fine! Sige, hindi kita pipiliting maniwala." Anito. "Pero hayaan mong protektahan kita sa mga taong nagsasalita ng hindi maganda tungkol sa'yo. Gusto kong protektahan ka."
Napangiti siya sa sinabi nito. For the first time, na-appreciate niya ang sinabi nito. Natuwa siya dito. Kung noon pa sana ito naging ganito, malamang matagal na silang nagkabati.
At sa buong sandaling iyon, mabilis pa rin ang pintig ng puso niya, na kahit anong pagpapakalma ang gawin niya. Ayaw pa rin maging normal.
"Ang dami naman puwede mong gawin dahilan diyan. Bakit ang in-love ka sa akin ang sinabi mo?" Sabi pa niya. "Siraulo ka talaga kahit kailan."
Narinig niya itong tumawa ng mahina. "Bakit ka naman tumawa diyan?"
Umiling ito. "Wala naman. I'm just happy." Sagot nito.
"Upakan ulit kita, gusto mo? Happy ka pa? pinagpi-piyestahan ako ng buong Pilipinas, happy ka pa?"
"Hindi, hindi tungkol doon. Natutuwa lang kasi, for the longest time. Ngayon ka lang ulit nakipag-usap sa akin ng maayos. Iyong hindi nakasigaw, hindi galit, hindi mo ako hinahabol ng floor mop." Paliwanag nito.
Pati siya ay natawa. Oo nga naman. "Pasalamat ka, wala ako sa mood tumalak." Pagdadahilan na lang niya.
Hindi na lang niya sinabi na maging siya ay nawi-weirduhan sa sarili niya. Sa pagkakataong iyon, dapat ay nag-aamok na naman siya sa galit. Ngunit wala siyang makapang galit sa dibdib niya.
Hindi kaya ako inorasyunan ng lalaking ito habang hinahalikan ako?
Kung ano man ang mayroon sa pagitan nila ni Daryl ngayon. Hindi niya alam. Ayaw niyang alamin. To be with Daryl is way too complicated for a simple girl like her. Maloloka yata siya kapag pumasok siya sa mundo ng isang Senator's Son.