Twelve Kyla... Magpakipot... Nakakunot ang noo niya habang nasa biyahe siya pauwe sa kanila. Si Marco pa din naman ang naghatid sa kanya. kahit pa kasi pinapaalis ito ni Mang Ador hindi pa din umalis ang binata at hinintay siya nito sa labas ng boarding house nila. Sumasakit ang ulo niya ngayon sa lahat ng sinabi ng kaibigan niya kanina. Ang naintindihan lang niya sa lahat ng sinabi nito ay ang 'magpakipot' at 'magpahabol'. Paano ko gagawin iyon? Tanong niya sa sarili niya. "Hey, Kyla are you okay?"tanong sa kanya ni Marco. Nilingon lang niya ito pero hindi niya ito sinagot. Iyon kasi ang bilin sa kanya ni Carla, sumama siya sa binata para ihatid siya nito pero wag naman daw niyang kakausapin kahit na anong word daw hindi niya pwedeng sabihin. Kapag nasa bahay na siya, bumababa l