Ten Kyla... Halla siya... Paano siya ngayon lalabas ng eskwelahan niya na hindi siya nakikita ni Marco. Ngayon ang araw ng usapan nila ni Marco na kakain sila sa labas nito pero hindi niya alam kung paano niya ito tatanggihan ngayon. Naiisip kasi niya na baka talagang magkakasakit na siya sa puso ng tuluyan kapag nakipagkita pa siya kay Marco. Kaya naman nagcutting class siya para mas maaga siyang makauwe ngayong araw para naman hindi na siya nito makita pa sa school nila. "Masakit ba talaga ang tyan mo?"tanong sa kanya ni Carla. Gaya niya nagcutting class na din ito para naman daw may mag-aalaga sa kanya. "Oo girl"alanganin na sagot niya. Nasa boarding house na sila ngayon, nakahiga siya sa kama samantalang hindi naman alam ni Carla ang gagawin nito sa kanya. Hindi naman totoo