✨Chapter 1

3099 Words
"Viana, nakikinig ka pa ba?" Nanumbalik ang kaniyang ulirat nang marinig niya ang boses ng kaibigan, si Jezelle. Agad niya itong binalingan. Nakatitig ito sa kaniya, animo'y naghihintay sa sasabihin niya. Tumikhim siya. "Pasensya na, hindi ko na nasundan ang pagkukwento mo. Marami akong naiisip." Kumawala ito ng malalim na buntong-hininga. "Tungkol ba 'yan sa bahay ninyo?" Inilapat niya ang mga labi at dahan-dahang tumango. "Pasensya na." ang tangi niyang sagot. Sinandal nito ang likuran sa hagdang-upuan. "Ayos lang 'yan, lahat naman ng tao dumadaan sa pmga problema. Hindi kita masisisi kung bakit nalipad na naman ang isipan mo." Pinili niyang manahimik. Ibinaling nalang niya ang kaniyang tingin sa kawalan. Sa kabila ng problema na kinahaharap niya ngayon, kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya dahil kasalukuyan silang nakatambay sa bleachers . Nasa harap nila ang oval. Nagiging presko ang pakiramdam niya sa tuwing naririto siya. Minsan pa ay dito siya kumakain, magpahinga o dumiretso pagkagaling niya sa Library. "Oh sheez!" biglang bulalas ng katabi niya. Agad niyang ibinalik ang tingin niya dito. Umukit ang pagtataka sa kaniyang mukha. "Male-late na pala ako. Ayos ka lang ba dito?" Agad siyang tumango. Nang nakuha na ni Jezelle ang kaniyang sagot ay agad nang iniligpit ang mga gamit. Tumayo na't isinabit ang body bag. "See you around nalang, ha? Alam mo naman ang schedule ko, gabi pa ang uwian ko. Mag-iingat ka mamaya sa pag-uwi. Babalitaan nalang kita." Ginawaran niya ito ng maliit na ngiti. "Oo naman, mas lalo ka na... Mag-iingat ka sa pag-uwi." Hinatid pa niya ito ng tingin habang papalayo na ang kaibigan. Nanatili pa rin siya sa kaniyang kinauupuan. Doon na siya kumawala ng malalim na buntong-hininga. Marahan niyang ipinikit ang mga mata saka tumingala. Dinadama niya ang sariwang hangin na dumadapo sa kaniyang balat. Kahit na maraming estudyante na nakatambay sa gilid ng oval at sa gitna nito ay ayos lang sa kaniya. Ilang minuto lang siyang ganoon. Pinili niyang umalis na rin sa lugar na 'yon dahil baka makatulog pa siya nang wala sa oras. Good thing na rin at uwian na rin niya. Sa ngayon ay kinakailangan na niyang pumunta sa trabaho. Ayaw niyang ma-late. ** "Maaga ka yata?" iyon ang bungad sa kaniya ang may-ari ng restobar kung saan siya nagtatrabaho, si Elvira. "Absent po ang proctor namin sa last subject." sagot niya habang inaayos niya ang kaniyang buhok. Kapag oras ng trabaho ay palaging nakapusod ang kaniyang itim at maalon niyang buhok. Nilulugay lamang niya ito kapag nasa Unibersidad siya. "Pupwede ka namang magpahinga muna, Viana. Pagod pa utak mo mula sa mga klase mo ngayong araw. Pwede ka namang umidlip muna dito." may halong pag-aalala sa boses nito. Tipid siyang ngumiti nang binalingan niya ang amo. "Sayang po ang oras. At saka, hindi pa naman po ako pagod kaya ayos lang." Nagbuntong-hininga ito. "Masyado kang masipag, iha. Pero kailangan mo din ng pahinga." "Ayos lang po talaga ako." Umiiling-iling ito saka umalis na sa kaniyang harap para mag-asikaso sa pagbubukas pati na din sa mga nagsidatingan na mga costumer. Kinakailangan na din niyang maghanda dahil biyernes ngayon kaya paniguradong maraming costumer ang dadagsa sa restobar. Kahit na masyadong nakakapagod ang trabahong ito ay hinding hindi siya iinda, iyon ang ipinangako niya sa kaniyang sarili. Lalo na't kailangan niya ng pera para pambayad sa gastusin sa bahay pati na din para sa kaniya. Kailangan din niyang mag-ipon. Mabuti nalang ay nagawan niya ng paraan ang schedule niya sa trabaho pati na rin sa pag-aaral. Siya mismo ang nagpumilit na magtrabaho para kumita ng sariling pera, para na din makatulong sa kaniyang pamilya. "Oh, narito ka na pala!" nakangiting salubong sa kaniya ni Adrian nang lumabas na siya mula sa locker room. Katrabaho at tulad niya, isa rin itong part time student. Nasa kolehiyo na rin ito. "Tamang-tama, madaming tao ngayon sa labas. Marami ding orders." Tipid siyang ngumiti saka tumango. Agad siyang dumiretso sa counter upang kunin na ang gagamitin niya sa pagkuha ng mga order. Tiningnan din niya ang mga order sheets na nakasabit sa kitchen counter sa gayon ay alam niya kung anong table ang wala pang order. Nang makuha na niya ay mabilis na rin siyang lumabas para mag-umpisa na. Iginala niya ang kaniyang paningin sa paligid. Nahagip ng kaniyang mata ang isang grupo ng mga kalalakihan na kakarating lang. Sinundan niya 'yon ng tingin kung saan uupo ang mga ito. Nang makita niyang isa-isa na nagsiupo ay mabilis na rin siyang lumapit sa naturang table. Inilabas na rin niya ang order sheets at ballpen. "Ano pong order nila?" nakangiti niyang bati sa mga bagong dating. Hindi agad nagsalita ang mga lalaki. Nakatuon ang atensyon nila sa menu na nakapatong lang sa mesa. Nagtatanungan muna kung anong oorder ng bawat isa. When everything's settle, sinabi na rin ng isa sa mga lalaki ang order nila. Agad niya itong isinulat. Nag-order din ito ng mga beer. "Sige po, sir. Pahintay nalang po." huli niyang sinabi bago niya tinalikuran ang grupo. Diretso siya sa kitchen counter para isabit ang order sheets doon. Bumalik siya sa mga mesa para kunin ang order ng mga susunod na costumer. Pero dahil kasama sa menu nila ang alak ay nakaka-encounter din siya ng lasing o hindi kaya away. Sanay na din siya. So far, wala pang nagtatangkang mambastos sa kaniya, malaki na rin ang pasalamat niya sa amo niyang si Elvira dahil itinuro sa kaniya kung papaano maghandle ng ganoong senaryo. Mayroon din namang naghingi ng kaniyang number but she politely declined, mabuti nalang ay nirerespeto o hindi kaya nakaramdam ng hiya ang mga 'yon. Habang tumatagal ay nasasanay siya sa mga ganoong klase na mga tao na nakakasalamuha niya. "Heto na po ang order ninyo...." wika niya nang ipinatong niya ang dalawang litro ng beer, may kasama na rin itong ice tube. Bumaling sa kaniya ang costumer. Namumungay na ang mga mata nito. Titig na titig ito sa kaniya. Mukhang alam na niya kung ano ang ibig sabihin nito kaya hinahanda na niya ang kaniyang sarili sa magiging sitwasyon. Inilapat niya ang mga labi at bahagyang sa tumango para talikuran na. Pero nanigas siya sa kaniyang kinakatayuan nang bigla niyang naramdaman na may humawak sa kaniyang palapulsuhan. Bigla siya nakaramdam na pagtindig ng balahibo. Mabilis niyang nilingunan ang humawak sa kaniya. Nakaawang nang bahagya ang kaniyang bibig. "S-sir...?" Halatang lasing na ito dahil namumula na halos ang buong mukha. Inilpat niya ang mga mata sa mesa. Napalunok siya nang makita niya na marami na pala ang nainom nito. At doon ay ginapangan na siya ng pinaghalong takot at kaba. "Single ka ba, miss? Kung oo, baka naman pupwede kong makuha ang number mo? llang araw na akong pabalik-balik dito dahil sa iyo..." Mas lalo tumindi ang takot na kaniyang nararamdaman. Dahil d'yan ay hind siya agad makapagreact. Ni hindi niya magalaw ang kaniyang daliri. Tumayo na ito para mas lalo ito makalapit sa kaniya. "Miss...." Bago man ito tuluyang makalapit sa kaniya ay nakawala siya mula sa pagkahawak ng lalaking lasing. Biglang may pumagitna sa kanila. Tumingala siya dahil matangkad ito. Tumambad sa kaniya ang malapad na likod ng isang lalaki. He's wearing gray shirt. "You're drunk, man. Tinatakot mo na ang babae." kalmado nitong wika. Pero base sa boses nito, kahit kalmado, hindi nakikita ang mukha ng lalaking humarang, ang tono nito ay may bahid pa rin na iritasyon. "Sino ka ba...? Can you just stay away from my business?" naiinis na wika ng lasing sa nagligtas sa kaniya. Wala siyang narinig mula na nasa harap niya pero nanatili pa rin itong nakaharang. "Viana," nag-aalalang tawag sa kaniya ni Elvira. Agad itong tumabi sa kaniya. Hinawakan ang kaniyang pulsuhan. Pinalipat siya sa likuran nito, itinatago at hindi malapitan nang tuluyan ng lalaking lasing. Kusang sumunod ang kaniyang katawan. "Vin," tawag naman sa kaniya ni Adrian, katulad ni Elvira ay bakas din sa mukha nito ang pag-aalala. "Ano bang problema mo?!" the drunk man burst out. "Huwag ka nga humarang!" kumilos ito. Nilagpasan niya ang lalaking nagligtas sa kaniya para lapitan siya lalo pero bigla itong hinawakan sa braso at walang sabi na pwersahang hinila hanggang sa malakas na idinikit nito sa mesa habang ang kamay nito ay nasa likuran na at ang isa naman ay nasa mesa. "What the f**k?!" "Call the police." malamig niyang utos sa amin. "Now." "A-ah, oo!" natatarantang sagot ni Adrian saka umalis sa kaniyang tabi. Nanatili pa rin siyang nakatingin sa dalawang lalaki. Hindi niya magawang kumilos dahil sa sobrang pakabigla. Gustuhin man niyang tumakbo palayo, para naman makaiwas sa kaguluhan na ito ay hindi niya magawa. Tila may ugat ang mga paa niya. "Pakilayo na rin ang babae." sunod niyang utos kay Elvira. Humarap sa kaniya si Elvira. "H-halika na, Elvira." inakay siya habang papalayo sila sa pinangyarihan. Natagpuan nalang niya ang sarili sa locker room. Inaalalayan siyang umupo sa isang bakanteng silya. Nagbabaka sakaling makatulong ito upang mahimasmasan siya sa nangyari. "Ayos ka lang ba?" hindi mawala ang pag-alala nang tanungin siya. Tumingin siya at dahan-dahan na tumango. Hindi pa rin mabura sa kaniyang mukha ang pagkabigka. "M-medyo..." amin niya. Napahilamos ng mukha si Elvira nang tinalikuran siya nito dahil sa frustration. "Pasensya ka na, Viana. Kanina pa kasi talaga siya narito, napapansin ko din na ilang araw na rin siyang bumabalik dito. Hindi ko lang inaasahan na ikaw pala ang sadya niya." Lumapat ang tingin niya sa sahig. "Hindi naman natin inaasahan ang lahat ng bagay, Ma'm Elvira." ang tanging nasabi niya. Kumawala ito ng malalim na buntong-hininga. "Gusto mo bang umuwi ka na muna? Huwag ka mag-alala, hindi ko naman ikakaltas ang sweldo mo dahil sa nangyari ngayon." Sa huli ay wala na rin siya magawa. Tingin niya ay tama ito. Kung magpapatuloy pa siya't tatapusin ngayon ay paniguradong maaapektuhan ang trabaho at ayaw niya 'yon. Kaya tinanggap nalang niya ang suhesyon nito. ** Doon niya naramdaman ang labis na pagod at antok nang dumating na siya sa bahay. Pumasok siya sa naturang bungalow house. Nanatili siyang nakatayo nang tuluyan na siyang nakapasok sa loob. Nakapatay ang ilaw salas pero nakabukas naman ang ilaw sa bandang kusina. Sa mga oras na ito, tulog na ang kaniyang ina at ang dalawang kapatid, habang ang isa naman ay nasa trabaho pa. Lumaylay ang magkabilang balikat niya saka nilapitan ang mesa para tingnan kung may naiwan bang pagkain para sa kaniya. Isang kanin at isang pritong isda ang naitabi. Nang makita niya 'yon ay doon na niya naramdaman ang pagkalam ng sikmura. Napagtanto niya na hindi siya gaano nakakain buong araw dahil sa pagiging abala niya sa Unibersidad at trabaho. Pinilit niyang kainin na 'yon kahit na hinihila na siya ng antok at pagod. Pagkatapos niyang kumain ay hinugasan na niya ang pinagkainan. Naligo na rin siya saka pumasok na siya sa kuwarto. Naabutan niyang mahimbing na natutulog ang mga kapatid sa double deck. Kinuha naman niya sa gilid ang single foam mattress. Nilatag na niya iyon. Kinuha ang cellphone mula sa kaniyang bag saka humiga na. Sinilip niya ang kaniya kung may text message si Jezelle dahil nagsabi ito na magtetext ito sa kaniya. Hindi nga siya nagkakamali, meron nga itong mensahe para sa kaniya. From Jezelle: Nakauwi na ako. Ano na balita sa iyo? Nang mabasa niya 'yon ay sumagi sa isip niya ang nangyari sa kaniya kanina. Imbis na sabihin niya 'yon sa kaibigan, ay pinili nalang niyang itago 'yon. Paniguradong babahain siya ng sermon o hindi kaya magiging oa na sa pag-aalala kaya huwag nalang. Sa halip ay ibang sagot nalang ang ipinadala niya. To Jezelle : Kakauwi ko lang. Nang tinipa niya ang send button ay binuksan naman niya ang i********: application. Tulad ng nakagawian, sumisilip lang siya sa feeds. Sa mga stories---ng mga kaibigan niya---mga dating kaibigan. Nadungaw niya ang isang litrato doon. Isang babaeng na nakahiga sa sahig ng yate. Nakalugay ang mahaba at tuwid nitong buhok, suot ng floral printed two piece na hindi maitangigi ang makurba nitong katawan. Suot niya din ang mamahaling branded na sunglasses. Nasa tabi naman nito ang isang cocktail. Hindi niya namamalayan na umukit na ang kalungkutan sa kaniyang mukha. Hanggang ngayon tila nasa isang masamang panaginip pa rin siya. Hindi makaalis, walang kasiguraduhan kung kailan titigil. Marahan niyang ipinikit ang mga mata. She clearly remember what happend years ago. Kung ano ang buhay na mayroon siya noon, kung bakit sa isang iglap lang ay napunta silang mag-iina sa sitwasyon na ito. Kailangan din nilang tumira sa lugar na ito dahil sa tingin nila ay walang makakakilala sa kanila lalo na mga taong 'yon. Kailangan nilanv lumayo para sa ikakatahimik ng lahat. Idinilat niya ang kaniyang mga mata. Muli itinuon ang mga mata sa screen ng cellphone. Nagpatuloy siya sa pagscroll. Natigilan siya nang makita niya na may notification ng mismong application. Nakatanggap na naman siya ng mensahe. May ideya na siya kung sinu-sino ang mga 'yon. Tila kinurot ang puso kahit na hindi pa niya nasisilip ang nilalaman ng mensahe. Kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi para pigilan ang sarili sa lahat, ang napaiyak at ng sarili na mabasa kung anuman ang ipaparating ng mensahe. Humigpit ang pagkahawak niya sa cellphone. Sa huli ay nagawa na niya itong ilapag sa isang tabi. Tumitig siya sa kisame. Huminga siya ng malalim saka muli pumikit. "Please, stop... Please leave me in peace..." mahina niyang sambit. Sinisiguro na siya lang ang makakarinig ng mga katagang 'yon. ** Alas kuwatro palang ng madaling araw ay gising na siya. Nag-ayos ng mga kakailaganin sa eskuwelahan, nagluto, kumain at naligo. Pagkalabas niya ng banyo ay sakto na pumasok ng bahay ang nakakatanda niyang kapatid, si Yvonth. Napasapo ito sa dibdib nang makita siya. Ganoon din siya, bahagyang nanlaki din ang mga mata. "Gising ka na pala," wika nito nang mahimasmasan. Agad hinubad ang body bag sa ipinatong muna 'yon sa sofa. "Para hindi ako ma-late." saka lumapit siya sa mesa. "Alam kong pagod ka galing sa byahe. Kumain ka na muna." Sumunod ito. Hinila ang isa sa mga monoblock chair. Tiningnan ang mga niluto niya. Kanin, longganisa at itlog ang nakahain sa mesa. Nagsimula na silang kumain. Wala namang ilangan sa pagitan nilang dalawa, sadyang tahimik lang sila tuwing kakain. Siguro ay dahil nakasanayan na din nang nagkaroon na sila ng muwang sa mundo. Sa gitna ng pagkain nila ay napukaw ng atensyon nila ang isang tao na kakalabas lang mula sa kuwarto, ang kanilang ina. Naka-duster pa at medyo magulo pa ang buhok dahil kakagising lang. Nakita pa nila kung papaano pa ito nagpupungas. "Oh," medyo nagulat ito sa kanilang presensya. "Good morning, mom." sabay nilang bati sa kanilang ina. Hindi ito agad sumagit. Diretso ito sa lababo. Naghilamos at nag-toothbrush muna, pagkatapos ay binalikan sila. "Are Wiola and Xavion still sleeping?" malambing nitong tanong. "Yes, mom." siya ang sumagot dahil silang tatlo ang natutulog sa iisang kuwarto. Samantala ang ina at ang nakakatandang kapatid naman sa kabilang silid. Tumango siya. Inilipat ang tingin sa nakakatandang kapatid. "You need to get some rest after that, Yvonth. Mahirap ang trabaho bilang call center agent." "I will, mom. How about you? Hindi mo pa ba day off?" Nagbuntong-hininga ito. "Hindi muna ako magdeday-off. Malapit na ang midterm exams ni Viana. May mga kakailanganin ang mga kapatid ninyo sa eskuwelahan, kailangan bumili." "But I have work, mom. You can count on me." apila niya bigla. She sighs. Lumapit ito sa kaniya at marahang hinaplos ang kaniyang buhok. Ngumiti man ito ay nababasa pa rin sa mukha nito ang lungkot at pagod kahit hindi man sabihin. "I know, but I am your mom, Viana. It's my responsibility as a parent to take care all of you and to pay your needs. You earn for yourselves so fret not." Tila ma humaplos sa kaniyang puso nang marinig niya ang mga salita na 'yon mula mismo sa kanilang ina. Pero kahit ganoon ay nag-iiwan pa rin sila ni Yvonth ng pera para sa gastusin nila dito sa bahay. Iyon ang pagpapasalamat ng kanilang ina, dahil alam nilang hindi rin kakayanin ng sinusuweldo nito para sa kanilang apat na magkakapatid bilang tagalinis ng isang restaurant. Pero malaking bagay na din dahil walang tuition ang pinapasukan niyang State University. Utak lang talaga ang puhunan, thanks to the big privilege she had before. Samantalang sa public school naman pumapasok ang dalawa niyang kapatid. Kahit na call center agent ang trabaho ni Yvonth ngayon, ipinagpatuloy pa rin nito ang pag-aaral at graduating na ito. Tahimik siyang naglalakad papunta sa Unibersidad. Hindi na siya nag-abalang magpahatid sa tricycle dahil manghihinayang lang siya sa ibabayad niya doon. Mas mainam para sa kaniya ang maglakad nalang, makakatipid pa siya! Nang malapit na siya sa guard house ay agad niyang hinalukat ang tote bag na suot para ilabas ang ID saka susuotin ngunit biglang may sumagi sa kaniya kaya tumilapon ang ID sa daan. "Oh sheesh." mahina niyang sabi sabay pupulutin iyon pero iba ang nakapulot. "Sorry, miss." boses 'yon ng lalaki. Hindi siya agad nakasagot. Agad niyang tiningnan ang nagmamay-ari ng boses na 'yon. Bahagya siyang natigilan dahil pamilyar para sa kaniya ang lalaki na mismong nasa harap niya. Nagtama ang kanilang tingin. Malapad itong nakangiti sa kaniya. Nanatili ang tingin niya sa lalaki. Oh yeah, he has nice black hair. His disconnected two-block haircut style really fits him well. Well, his fashion sense is also impressive, tipikal na pormahan ng mga college student pero may kakaiba sa lalaking ito. Parang naiiba siya. She's not even sure what the right word she will describe him. She can't explain what she feels right now. She admit that she don't fall easily for everyone she meet. She really hate this stupid belief of "love at first sight." But why she feel something intense? Saan nanggaling 'yon? "Miss?" muling tawag sa kaniya. Nanumbalik ang ulirat niya. Para mabawasan ang pagkapahiya ay tumikhim siya. Bumaba ang tingin niya sa kamay nito na kasalukuyang hawak ang kaniyang ID. Mabilis niya rin ito tinanggap. Tipid siyang ngumiti. "Salamat." wika niya nang nasa kaniya na niya ang ID. Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ng lalaki. Mabilis niya 'yon tinalikuran at nagmamadali nang pumasok sa loob ng Campus. Nang nalagpasan na niya ang guard house ay hindi niya mapigilang lumingon. Hinahanap ng mga mata ng lalaking nakapulot ng ID niya. Namataan niyang hindi pa ito umaalis sa kinakatayua nito, ang pinagkaibahan lang ay may mga kasama na siyang mga lalaki at nagbabatian na may kasamang tawanan. Binawi niya ang tingin at nagpatuloy siya sa paglalakad, Kusang kumunot ang noo. "What was that? What the hell is happening...?" mahina niyang tanong na natitiyak niyang siya lang ang makakarinig.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD