✨Prologue
Halos masilaw si Viana nang salubungin siya ng mga ilaw mula sa mga camera.
Kakarating lang niya sa venue kung saan gaganapin ang isa sa mga malalaki at kilalang awards night. Isa pa siya sa mga inimungkahi bilang best actress sa isang pelikula kaya todo ang paghahanda niya para sa gabing ito kaya pati ang long gown na kaniyang suot ngayon ay nagiging sentro ng atensyon. She's ready to show off some of her skin but in a classy way. Sinisiguro niya na hindi kabastos-bastos sa paningin ng iba. Simple din ang pagkaayos sa kaniyang maalon at itim na buhok, gayundin ang kaniyang make up. Mas tumitingkad ang natural na kagandahan niyang taglay.
Nang tumapak ang mga paa niya sa red carpet ay inangat niya ang isa niyang kamay upang kumaway sa mga naririto at sa mga photographers. Lalo na sa mga tagahanga na talagang nag-effort pa talaga na makarating ngayon upang ibuhos ang buo nitong suporta para sa kaniya. Mas lalo nadagdagan ng ilaw mula sa mga camera. Kahit na halos wala na siyang makita ay patuloy pa rin siya sa kaniyang ginagawa. Bumaling din siya sa ibang direksyon upang pagbigyan ang ibang photographer na desperado makakuha ng kaniyang litrato. Ilang saglit pa ay muli siya naglakad. Huminto siya nang nasa likuran na niya ang balloon garland backdrop. Nagawa rin niyang umanggulo. Rinig na rin niya ang pagtawag ng host sa kaniyang pangalan.
"Let's all welcome, the Philippine drama queen on television, even in her movie hits, our superstar, Viana Trejo!" masiglang pagpapakilala sa kaniya ng host.
Muling gumuhit ang ngiti sa kaniyang mga labi at muling kumaway bago niya nilapitan ang naturang host.
"Good evening, Miss Viana! Kamusta ang paghahanda mo ngayong gabi? Any expectations?" nakangiting tanong sa kaniya sabay itinutok sa kaniya ang hawak nitong mikropono.
"Before that, I just wanna thank to all my fans here with me." she beamed. Lumipat ang tingin niya sa kausap. "Wala naman akong ineexpect ngayon..." hindi na niya maituloy ang sasabihin ang biglang nagtilian.
Sinundan niya 'yon ng tingin. Isang tao pala ang dahilan kung bakit nagtilian ang mga kababaihan. Walang iba kungdi si Kaiden Alcaraz, ang sinasabing ka-love team niya. Isa ito sa dahilan kung bakit natatamasa niya ang kasikatan na meron siya ngayon.
Hindi maipagkaila ang kaguwapuhan nito. Mapasimple man ang suot o pormal, Kung tutuusin, mas matagal na itong sa industriya kaysa sa kaniya pero hindi gaano nakilala dahil walang babaeng mababagay bilang ka-love team. Kumbaga, hindi maramdaman ng mga producer o direktor ang spark sa tuwing may ihahanay na aktres. Kung meron man, kulang sa chemistry kaya hindi rin nagtatagal. Ang maganda wala itong pinipiling genre basta maipakita niya sa lahat na versatile actor ito. Tulad niya, ngayon lang umusbong ang kasikatan dahil dumating siya sa buhay nito.
"Oh my, dumating na rin sa wakas ang leading man of all time, si Mr. Kaiden Alcaraz!" bulalas ng katabing host.
Ramdam niya na tumabi na sa kaniya ang ka-loveteam. Bahagya siyang natigilan nang maramdaman niya na pinulupot ni Kaiden ang isang braso nito sa kaniyang bewang at dahil d'yan, mas lalo nagtilian ang mga tao sa paligid. She understands what's going on, this is part of the show!
'Lagot ka sa aking lalaki ka!' hindi mapigilang isigaw 'yon ng kaniyang isipan.
"How does it feel na makasama kang manominee bilang best actor, Mr. Kaiden?" mas malapad na ngiti na tanong sa katabi.
Bago sumagot si Kaiden ay matamis itong ngumiti. "Hindi ko maiwasang ma-pressure sa totoo lang. But of course, this is very unexpected. All I want is to keep my craft as an artist."
"How about you, Miss Viana? How do you feel na nominee ka bilang best actress?"
Tulad ni Kaiden, ngumiti rin siya. "Mix emotions. Pressure, excitement, joy, lahat na. Pero kung hind man palarin na manalo ngayong gabi, ayos lang din. The matter is unti-unti ko na naipapakita kung ano ang makakaya ko pagdating sa pag-arte."
Liar...
"Thank you so much for your time, Mr. Kaiden, Ms. Viana. Anyway, I'm wishing you good luck!' pagtatapos ng host sa pagtanong.
Sabay silang ngumiti at nagpasalamat na din. Sabay na rin silang pumasok sa malaking bulwagan kung saan gaganapin ang awarding ceremony.
"What the hell are you doing?" matigas ngunit mahina niyang tanong sa kasama.
"Viana, remember, it's part of the show. We're love team." ganting bulong nito. "Tandaan mo kung bakit nabuo ang love team na ito. Pareho tayong walang choice. Sa mata nila iisipin nilang we're more than partners. They want us reels to real."
"I know---"
"Hindi naman naalis sa isip mo na may tao kang dapat pinoprotektahan, right? We both know he's a very private person. He doesn't want to be involved in our cirlce."
Tumigil siya sa paglalakad. Ganoon din si Kaiden. Bumaba ang tingin niya sa sahig. She knows. From the beginning. That person she needs to protect, though she doesn't need to because of the power and influence he has.
"Viana?" nag-aalalang tawag nito sa kaniya.
Kinuyom niya ang mga kamao. Mabilis siyang tumingin sa kasama. She feels like she's fired up! "Nakakainis!" hindi niya mapigilang maibulalas 'yon. Kulang nalang ay suntukin ang pader na katabi.
Maski ito ay nawindang sa ipinakita niya. She's babbling someting but he doesn't understand her. Biglang may tumunog na paniguradong ringtone. "Viana, someone's calling you..."
Kusa siyang tumigil. Mabilis niyang kinuha ang cellphone mula sa pouch bag na hawak. Napaawag ang bibig niya nang makita niya ang pangalan ng caller.
Caller... Jackass.
Hindi siya nagdalawang-isip na sagutin ang naturang tawag.
"Why's he's snaking his arm to your waist?" bungad nitong tanong.
Medyo natigilan siya. Napaisip siya sa sinabi nito.
Ah. Tungkol kanina sa interview.
Sumilay ang nakakalokong ngisi sa kaniyang mga labi. "Busy ako. Saka na tayo mag-usap." sabay ibinaba na niya ng tawa na walang pag-alinlangan.
"Siya ba ang tumawag?" biglang tanong ni Kaiden sa kaniyang gilid.
"Siya nga." mabilis niyang tugon. Tinititigan pa ang screen ng cellphone.
"Anong sabi?"
"Why's he's snaking his arm to your waist?" talagang ginaya pa niya ang tono ng pananalita ng kausap kanina.
He sighs. Hindi na nito mapigilan ang sarili na matawa. "Ewan ko ba sa inyong dalawa. Problema ninyo, nadamay pa ako."
She twisted her lips. Nanatili ang mga mata sa screen ng cellphone.
"Sino bang mag-aakala na may asawa na pala ang ka-love team ko?" dugtong pa nito sa mababang boses...