KABANATA 2

1073 Words
(The dating app) PUNUNG-PUNO ang newsfeed sa socmed ni Liberty ang mga pagbati sa kanyang kapatid. Halos lahat na yata ng mga kaibigan niya roon ay masayang-masaya para sa nalalapit na kasal ni Brix. Ayos naman sana kaya lang maraming mga mensahe roon ay patungkol naman sa kanya. Naku, naunahan na si Liberty! Hindi na makapag-aasawa ang Ate. Liberty, ikaw kailan ka mag-aasawa? Pinsan, hahanapan ka na ba namin ng magiging dyowa? Pamangkin, maghanap ka na ng lalaki para maging boyfriend! Mahirap na at nagkakaedad ka na! Malalim siyang nagbuga ng hangin. Kahit sino na lang ay ganoon ang sinasabi sa kanya. Paulit-ulit. Nakakasawa na. Parang kulang na lang ay isumpa na siya ng mundo dahil sa pagiging single niya sa edad na thirty four. Kung minsan nga ay napapaisip na rin siya kung ano ang kulang sa kanya. Hindi siya magustu-gustuhan ng mga lalaki. Palakaibigan naman siya. Mabait naman siya at higit sa lahat hindi naman sa pagmamalaki ay maganda siya at ang pangangatawan niya. Tumayo siya at humarap sa malaking salamin. Sunod niyang inilagay ang dalawang kamay sa baywang at umarteng parang isang modelo. Medyo kulot ang mahaba niyang buhok na binagayan ng maliit niyang mukha. Ang mga mata niya ay bilugan na bahagyang sumingkit sa dulo. Katamtaman ang tangos ng kanyang ilong na minana niya sa Mama niya at ang pinakagusto niya ay ang mga labi niya na kaakit-akit tingnan. Ang sabi pa nga sa kanya ng Papa niya ay tiyak na sa isang buka pa lang ng bibig niya ay magagayuma na niya ang kahit na sino dahil sa ganda at perpektong hugis ng kanyang labi. Hind yata iyon totoo. Aabot ba siya ng mid-thirties kung may naakit na siya? Hay, naku! Nagmumukha tuloy akong mukhang lalaki. Bumalik siya sa kama at ibinagsak ang sarili. Hindi siya kailanman na-pressure sa pagsusulat ng nobela bilang kanyang trabaho pero pagdating sa usaping boyfriend at asawa ay halos hindi siya makatulog sa kakaisip. Muli niyang kinuha ang mobile phone at tinipa ang salitang “How to find a boyfriend?” sa browser. Namilog ang mga mata niyang makita ang iba’t ibang posisyon ng pakikipagtalik. “Bakit ganito ang lumabas?” Ini-scroll down niya pababa upang iwasan ang iba pang larawan patungkol doon ngunit aksidenteng napindot niya iyon. Oh, my God! May slow motion pang video kung paano unti-unti ‘yung ginagawa. Kung ilang beses siyang napalunok ay hindi niya na alam dahil pilit niyang nilalabanan ang pagpikit ng dalawang mata. Ganoon pala iyon. Diyos ko! Halos hindi magkamayaw ang isip niya dahil sa nakikita. Umabot siya sa edad na tatlumpu’t apat na walang kaalam-alam sa totoong nangyayari sa pagitan ng isang babae at lalaki. Isa siyang romance writer pero hanggang halik sa labi at yakap lang ang naisusulat niya. Kahit na ganoon pa man ay marami pa rin siyang mga mambabasa ang naghihintay sa mga akda niya. Kaya ba siya hindi magkaroon ng boyfriend dahil wala siyang ideya sa ganoong bagay? May isa pang video na naglalaman kung paano gawin iyon, step by step kumbaga. Wala namang makakaalam na ibang tao kung sakaling panoorin niya iyon. Liberty, kumalma ka! DATE ME APP. Matapos niyang mapanood ang video ay hindi na siya mapakali. Sa wakas ay nakapag-download na rin siya ng isang dating app. Totoong nagulat siya at hindi niya lubos maisip na ginawa niya ang bagay na iyon. Ilang oras na yata siyang nakatitig sa app na iyon dahil nagdadalawang isip siya kung itutuloy ang balak na maghanap ng magiging ka-match niya sa pakikipag-date. Wala naman sigurong mawawala kung susubukan niya. Besides, pwede namang huwag ng ituloy kung wala siyang matipuhan. “Ano kayang username ang ilalagay ko? Hmmn.” Sexy lips. Sunod niyang pinindot ang enter button saka lumabas ang napakaraming mukha ng lalaki na pwede niyang pagpilian. Karamihan ay gwapo at talagang makalaglag panga ngunit isang larawan ang hindi niya maiwan ng tingin. Maputi ang kulay nito, napakaganda ng ngipin nitong pantay-pantay, matangos ang ilong at mala-asul ang kulay ng mga mata. Single and ready to mingle. Iyon ang description na nakalagay kasunod ng occupation as a model. Kaya naman pala. Model ang lalaki dahil maganda ang built ng katawan nito. Nakagat niya ang ibabang labi nang hindi namamalayan. Mariing tinitigan ang Match button kung pipindutin na ba niya o hindi. “Alam mo, pwedeng-pwede ka e. Sana lang talaga patusin mo ako dahil kung hindi… wala na akong magiging pag-asa pa. ” Kahit yata mamili siya ng ibang lalaki ay hindi niya rin magugustuhan dahil one hundred percent na nakatuon ang kanyang buong atensiyon sa lalaking ang gamit na username ay Your Man. Mukhang playboy tingnan ngunit wala na siyang pakialam. Mabilis siyang nag-sign of the cross. “Lord, ngayon pa lang po ay humihingi na ako ng kapatawaran pero desperada na po ako, Lord. Suportahan mo naman po ako. Mag-match lang kami ay malaking bagay na sa akin. Please, Lord. Ikaw lang talaga ang pag-asa ko na alam mo na.” Natapos ang pagdadasal niya ngunit nanatiling nakapikit pa rin ang kanyang mga mata. Doon ay lumitaw ang lalaki na nakangiti sa kanya. Titig na titig ito sa kanyang mukha kasabay ng paglahad ng isang kamay upang abutin siya. Pakiramdam niya ay nasa langit na siya. Nag-uumapaw ang saya sa kanyang puso. Hindi siya makapaniwala na makakatabi at makakasama niya ang lalaki. Ang kamay nito ay mahigpit na hawak ang kamay niya saka marahan siyang hinila upang mayakap ng mahigpit. It feels good. Lahat na yata ng ugat niya sa katawan ay biglang nabuhay dahil punung-puno ng excitement ang kanyang nadarama. Mabilis na kumabog ang dibdib niya. Hindi niya alam kung kinakabahan ba siya o sadyang hindi lang siya sanay na may kasamang lalaki. Nalalanghap niya ang natural nitong bango sa katawan na tila walang ibang katulad na amoy pati na rin ang hininga nitong nais niya na ring gawing source ng paghinga. Tinitigan siya nitong muli sa mga mata saka marahang hinaplos ang hugis ng kanyang labi. Nang bumaba ang mukha nito ay tiyak na hahagkan siya! Malapit na malapit na! “Ate! Ate!” malakas na tawag sa kanya. “Ate!” Kumalabog na ang pinto ng kanyang silid. “Tawag ka ni Mama sa sala!” “Oo na!” Sayang! Malapit na e! Istorbo talaga ang kapatid kong iyon! Iminulat na niya ang mga mata at mabilis na tiningnan ang mobile phone. Mabilis na pinindot ang match button at saka lumabas ng silid niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD