KABANATA 3

1205 Words
(It's a match!) SINAMAHAN NI LIBERTY ang kanyang Mama na pumunta ng groserya. Si Brix kasi ay may pinuntahang lakad at ang Papa naman niya ay abala sa pag-aayos ng sasakyan nito. Ilang minuto pa lang sila na nasa loob ng groserya ay gustung-gusto na niyang umuwi. Iniwan niya kasi ang mobile phone niya sa kama ng kanyang silid at hindi niya nakita kung ano ang resulta ng pagma-match niya sa lalaking nagngangalang si Justice. “Ma, matagal pa ba tayo?” “Itong bata talaga na ito. Kararating lang natin, gusto mo na agad umuwi?” “May tinatapos kasi aking sinusulat. Ending na lang iyon,” pagdadahilan niya. Parang gusto na niyang kumaripas ng takbo dahil lang sa resulta ng matching session sa dating app. “Totoo ba iyang sinasabi mo?” nagdududang tanong ng Mama niya. “Ma naman.” “Baka gusto mo lang magtago sa silid mo dahil napag-uusapan ka na rin sa social media. Nadamay ka sa usapin pagpapakasal ng kapatid mo.” “Bakit naman ako magpapaapekto sa sasabihin nila? E, ano naman kung naunahan ako ng kapatid ko na mag-asawa? Akala ba nila magiging matandang dalaga na lang ako dahil doon?” “Bakit parang galit na galit ka, anak? Alam mo hindi mo naman maiiwasan na hindi pag-usapan pero hindi mo naman kailangang magalit. Ang lahat ng nangyayari sa buhay ng tao ay may dahilan kaya wala kang dapat na ikahiya o ipag-alala.” “Paano nga Ma, kung hindi na ako makapag-asawa? Thirty four na ako.” Kinuha niya ang push cart. “Hindi ka magkakaapo sa akin, Ma.” “Ang batang ito talaga! Paano mo naman naiisip ang ganyan?” Saglit itong tumigil sa paglakad. “Ang bata mo pa at siguradong may lalaki ring darating para sa iyo.” “Kailan kaya, Ma? Siguro pag forty na ako?” “Nawawalan ka na ba ng pag-asa, anak?” Tinitigan siya nito. “Hayaan mo at sasabihin ko sa Papa mo na maghanap ng anak ng mga kumpare niya na pwedeng ireto sa iyo.” “Ayaw ko nga, Ma!” “Akala ko ba gusto mo ng mag-boyfriend?” “Gusto ko nga po pero ayaw ko ng anak ng mga kakilala ni Papa. Mamaya niyan, mapahiya lang ako.” “Bakit ka naman mapapahiya? Sa ganda mong iyan? Talo ba sila sa iyo?” “Ay, Mama talaga kita.” Niyakap niya ito. “Hayaan mo Ma, sabi mo nga kanina darating din ang lalaking para sa akin. Hihintayin ko na lang siya.” “Totoo ba iyang sinasabi mo?” “Opo. I love you, Ma.” “Iyana ng isa sa bagay na gustung-gusto namin sa iyo. Parang hindi ka tumatanda, ang lambing-lambing mo pa rin sa amin ng Papa mo. Kahit tingnan mo sa salamin ang mukha mo ay hindi ka mukhang thirty four.” “Iyan naman ang gusto ko sa inyo ni Papa, Ma. Napaka-supportive ninyo sa akin at sobrang mahal ninyo ako.” “Aba, siyempre naman! Ikaw kaya ang prinsesa namin!” Muli niya itong niyakap. INABOT SILA NG TATLONG oras sa pamimili at saktong alas diyes na nang makauwi sila ng Mama niya. Matapos niyang tulungan na ayusin ang mga pinamili nila ay nagpaalam siyang aakyat na sa kanyang silid. Agad niyang hinanap ang mobile phone sa kama. Nasasabik siyang malaman kung ano ang kinahinatnan ng pakikipag-match niya sa dating app. Sa kamalasan ay ayaw bumukas niyon dahil tuluyan ng nag-power of ang kanyang mobile phone. Nagmamadali niyang hinanap ang charger sa loob ng drawer niya at mabilis na isinaksak sa outlet ng kuryente. “Kapag minamalas nga naman.” Nagpalakad-lakad siya sa kabuuan ng silid niya. Hindi na talaga siya makapaghintay. Parang naiihi siya na ewan. Naalala niya tuloy na ganoon siya ang pakiramdam niya nang mag-take siya ng entrance exam sa college. Tipong halu-halo ang emosyon niya habang naghihintay sa resulta ng examination. Nagtatalon-talon na muna siya nang mapagod ay humiga sa kama. Ipinikit ang mga mata at sinubukang makita ang mukha ng lalaki sa kanyang balintataw. Napabangon siya dahil hindi niya magawang makita ang gwapo nitong mukha. Bakit pa kasi inabala ako kanina! Hmmp! Naisipan niyang maligo sa banyo para saktong pagkatapos ay naka-charge na rin kahit papaano ang mobile phone niya. Tuwang-tuwa siyang lumabas ng banyo subalit nang tingnan ang orasan ay halos sampung minuto lang itinagal niya sa loob ng banyo. Bakit ganoon? Masyado bang mabilis ang kilos nya? Nagbihis na siya at sunod na umupo sa harap ng salamin saka roon nagsuklay ng buhok. Hindi pa niya nsusubukan ang magpa-straight ng buhok dahil masyado na siyang hiyang sa mala-kulot niyang buhok. Paano kaya kung ipa-straight niya? Magbabago kaya ang itsura niya? Di bale na. Ang mahalaga, maganda siya sa paningin niya. Naniniwala siya sa mga magulang niya na maganda siya. Walang duda iyon. Hay! Binalikan niya ang mobile phone at nakangiting binuksan ang power dahil fifteen percent na ang battery niyon. Kagat labi siyang naghintay. Iyon na yata ang pinaka-inabangan niya sa buong thirty four years niya sa mundo. Nagbuga sya ng hangin nang mabuksan ang dating app at halos hindi na siya makahinga nang mabasa ang salitang matched sa screen. Oh, my God! Mayamaya pa ay may mensahe siyang natanggap mula sa lalaki. [Hi, Sexy Lips! We’re matched! When are we going to meet?] Kinurap-kurap pa niya ang dalawang mata para siguruduhing tama ang kanyang nabasa. Diyos ko, Lord! Ito na ba ang matagal ko ng pinakahihintay? Tila nawindang ang tahimik niyang mundo. Is this for real? Mabilis siyang tumipa upang batiin ito. [Hi]. [Hello, Sexy Lips]. [Ang bilis naman ng reply! What- what to do?!] [How are you?] [I’m so good today because I’ve met you]. S**t na malagkit! Iba rin magpakilig! [So do I.] [Really?] [Yeah.] [That’s good to know. So, when we are going to meet personally?] [Soon.] [When is that soon? I really can’t wait]. [How about tomorrow?] [How about later?] Napapikit siya sa hindi maipaliwanag na saya sa kanyang dibdib. [Agad-agad Mr. Your Man?] [Kailangang pa bang patagalin? I thought we’re on the same page.] [All right. Later then]. [That’s great! Let’s meet on the Highlands Condominium. I’ll wait you there.] [Okay.] Napatili siya ng malakas. Mayamaya pa ay mga yabag ng paa ang sunod niyang narinig palapit sa silid niya. “May nangyari ba. Liberty?” tanong ni Papa. “Bakit ka sumisigaw?” “Liberty, anak nasaktan ka ba?” “Ma, Pa, ano po ang ginagawa ninyo dito sa silid ko?” “Sumigaw ka ng malakas. Akala namin ay kung napaano ka na,” si Mama. “Ah – wala lang poi yon. Natapos ko na kasi ang sinusulat ko kaya napasigaw ako sa labis na saya.” “Naku, ito talagang bata ng ito. Pinapakaba mo kami. Sige, baba na kami. Sumunod ka na rin dahil kakain na ng tanghalian,” si Mama. “Opo.” Nang masigurong nakalabas na ang mga magulang ay saka niya ibinagsak ang katawan sa kamay at doon nagpapadyak-padyak. Umikut-ikot pa siya. Yes! Sa wakas, may lalaki ng nakapansin rin ng beauty ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD