Sam's POV
Bahagya akong tumagilid sa pagkakahiga dahil nararamdaman kong may kung anong gumagapang sa leeg ko. Sandali itong natigil pero maya-maya lang din ay naramdaman ko naman ito sa tenga ko. Hinawi ko ito gamit ang kamay ko pero hindi ito natinag.
Nagmulat ako ng mata sa inis, "Kapag hindi ka tumigil masasaktan ka talaga."
I heard someone laugh beside me. Bumigat ang isang bahagi ng kama ko tanda na may umupo rito.
"Ang aga mong mambwisit Sean." Dumapa ako at nagtalukbong ng kumot. "Get out, matutulog pa ako."
"No, get up now sleeping beauty." Naramdaman ko ang paghila nito sa kumot kaya naman hinila ko rin ito. I am determined to sleep more.
"Sabado ngayon, can you give me a break?!"
"I texted you last night, you didn't reply though. Let's go out today." Tuluyan niya nang nahila ang kumot ko. I glared at him.
Hindi ako nagcheck ng phone dahil nagpuyat ako sa pagbabasa ng novel. At bakit hindi sinabi sa akin kahapon? Siya naman ang naghatid sa akin.
"Saan tayo pupunta?" I asked while squinting.
"Anywhere?" He shrugged.
I rolled my eyes. Dumapa ako ulit at isinubsob ang mukha sa unan. "Wala ka naman palang plano tapos gigisingin mo ako ng maaga. Lumayas ka na nga, matutulog nalang ako!"
Hindi ito natinag. Sa halip ay naramdaman kong hinawakan nito ang magkabilang paa ko. I panicked. Malakas ang kilit ko sa paa!
"What the fvcking hell! Let go of my feet you asshole!" Tili ko.
Tatawa-tawa nitong hinila ang paa ko. "Aaah! Let me go! Sean!" Hindi ko alam kung naririnig na ba ako ng kapitbahay sa lakas ng sigaw ko. Gosh, ayoko na, mamamatay ako sa ginagawa niya!
"Babangon ka ba o hindi?" Kinikiliti nito ang talampakan ko kaya naman hindi ko alam kung paano ako sasagot. What the fvcking hell!
"I'll get up, I'll get up! Stop!" Gusto ko na siyang sipain sa mukha!
Halos maiyak na ako bago niya ako tuluyang tinigilan. Argg! Nakakainis talaga!
Lumakad siya sa gilid ng kama ko, tinitignan kung talaga bang nakadilat na ako. "Bangon na."
Sinamaan ko siya ng tingin bago ko itinaas ang dalawang kamay ko. Tinulungan niya naman akong makabangon.
"Ayusin mo nga ang sarili mo. May laway ka pa, mahiya ka naman sakin." Sabi nito nang makabangon na ako.
I glared at him, "Anong pakialam ko sayo?"
He smirked. Napailing ito. "Dalian mo na, naiinip na'ko. Kaninang seven pa ako dito. Anong oras na? Ten o'clock na! Tulog mantika ka talaga."
Parang lalo akong nairita sa kaniya. Gusto ko pa talagang matulog lalo pa't napuyat ako sa pagbabasa kagabi. Hindi ko talaga alam bakit hindi niya kayang mabuhay nang hindi namemeste sa akin.
"Ang dami mong sinasabi, lumayas ka na nga! Maliligo na ako." Tumayo na ako at bahagyang nag-unat. Pinanood niya naman ako habang nakahalukipkip.
"No, dito lang ako. Baka matulog ka pa sa banyo." Umupo ito sa kama ko at sinimulang ligpitin ang kumot at ang mga unan kong nagkalat na sa sahig.
Matagal pa akong tumunganga sa kaniya habang sinisikop niya ang mga gamit sa kama ko. He always do this, kapag narito siya ay nililigpit niya ang magulo kong kwarto. Napaka-arte kasi, mas maarte pa siya sa akin.
Lumapit ako sa closet ko para kumuha ng damit at nang makaligo na.
"Nasaan sila mommy?" Tanong ko nang muli siyang hinarap.
"Kanina pa sila umalis. Don't worry, pinagpaalam na kita." He waggled his eyebrows at me. Kinuha ko ang throw pillow na naroon sa sofa at ibinato sa kaniya nang nahuli ko siyang tumitingin sa dibdib ko. This jerk, wala akong bra!
Tatawa-tawa siya nang nasalo niya ang throw pillow. I rolled my eyes. "Hurry up Sam, nagugutom na ako."
"Siguro naman may pagkain sa baba, bakit hindi ka kumain."
"Mamaya na, tatapusin ko muna 'to. Ang gulo ng kwarto mo, parang hindi ka babae." Aniya habang inililigpit naman ngayon ang mga librong nasa ibabaw ng study table. I forgot to put them back on the bookshelf.
Napapailing nalang akong pumasok sa banyo. Matagal pa muna akong natulala sa salamin habang nagsesepilyo at kung hindi pa ako kinatok ni Sean ay baka nga mas tumagal pa ako.
Mabilis lang akong naligo at doon na rin ako nagbihis sa loob. Isang denim shorts at white printed t-shirt ang isinuot ko na pinarisan ko ng white sneakers.
Lumabas ako ng banyo at naupo sa harap ng vanity mirror para mag-blowdry ng buhok. I saw Sean watching me boredly.
"Ang tagal mo naman," sumimangot ito nang nagtama ang mga mata namin sa repleksyon sa salamin.
Hindi ako kumibo at nagpatuloy nalang sa pag-aayos. He saw my phone above the study and he started fidgeting on it. Pinanood ko siya habang abala sa pangangalikot sa cellphone ko.
He's wearing a plain black crewneck shirt over his faded jeans and white Stansmith. Pinagtaasan ko ito ng kilay kahit hindi nakatingin. Simple lang ang suot niya pero naghuhumiyaw ang kagwapuhan niya. Napailing ako, ang unfair lang talaga. His mom, Tita Lorraine looks like a goddess while his dad, Tito Seije is handsome as well, sobrang ganda ng genes niya. And his parents have both Korean blood, kitang-kita iyon sa tangos ng ilong niya at sa bahagyang pagiging singkit niya. He's tall too at maputi pa. Nakakainggit talaga.
Well, maganda rin naman ang genes ko. My mom is beautiful too, pareho silang model noon ni Tita Lorraine, only that my mom's features are a bit fierce compared to Tita Lorraine's soft facial features. My dad's half French kaya ganoon din ang kaniyang mukha, his prominent jaw is very well defined. Their facial features gave me a normal resting b***h face.
Marami rin naman ang nagsasabi na may itsura ako, it's just that I don't really like dressing up. Mas gusto kong maging simple. At kung sa Deauville University ka nga naman nag-aaral, mas gugustuhin mo rin mamuhay ng simple dahil masyadong congested ang university na iyon ng mga elites. Most of the students are rich, may mga lahi, artista o kaya anak ng mga politician. Sa sobrang daming maganda at gwapo ay mas gugustuhin mo nalang maging simple.
"Matagal ka pa ba Sam?"
Umirap ako at tinapos na ang pag-aayos. Kinuha ko lang ang bag ko at pagkatapos ay lumabas na kami ng bahay. Nabigla pa ako nang makita ang bagong-bagong BMW Convertible sa tapat ng gate namin. I looked at Sean unbelievably, mayabang naman itong bumaling sa akin.
I can't believe this guy, he's just eighteen for crying out loud. And he gets this kind of luxurious car? I can't imagine how rich his family is. I mean may kaya rin naman kami but I don't think my parents will spoil me to this extent.
"Tititigan mo nalang ba yan o sasakay ka?" Anito nang pinagbuksan ako ng pintuan.
I rolled my eyes at him. Sinadya kong ibagsak ang pintuan kaya naman todo ang panlalaki ng mga mata nito nang makasakay siya.
"Are you crazy?" He asked me unbelievably.
"Wag ka ngang overacting."
Napailing nalang ito bago ini-start ang sasakyan. Manghang-mangha ako sa loob nito. This is surely expensive. Nakaka-inggit na talaga siya minsan.
I badly want to have my own car pero ayaw ni daddy. He says that I'm too young to drive, bagay na hindi ko maintindihan. Everyone in the university has their own cars, luxurious man o hindi, ang importante ay may nagagamit sila. At ako, umaasa lang sa paghahatid-sundo ni Sean o kaya ni Dylan.
Mom agrees with dad at kampante naman silang hindi ako pababayaan ni Sean na mag-commute kaya hindi na talaga sila nag-abalang bilhan ako ng sariling kotse. Tanggap ko naman iyon dahil hindi rin naman ako marunong mag-drive at matatakot lang yata ako sa kalsada. Minsan ay pinipilit ko si Sean na turuan ako but the brute won't even let me touch his steering wheel.
Mabilis kaming nakarating sa mall na nagpaikot talaga nang husto sa mga mata ko. "What a lame place."
"Why? Ayaw mo ba dito?"
"Seriously Sean? Anong gagawin natin dito?"
"Kakain," simpleng sagot nito habang nagpapark.
Well, pwede rin namang kumain dito, pero anong gagawin pagkatapos? I don't like strolling around public places lalo na sa mall at alam kong ganoon din siya.
"Bumaba kana. Kakain lang tayo and we'll strut out."
"Saan tayo kakain?"
"Anywhere you like."
Tumaas ang kilay ko bago ako bumaba ng sasakyan. Just like what I did awhile ago ay ibinagsak ko ang pintuan ng convertible niya. He's giving me all the unbelievable stares while we're heading inside the mall. Dire-diretso naman ako sa isang icecream parlor.
"Seryoso ka ba Sam?" Anito sa likuran ko.
Nilingon ko siya, "Gusto ko ng icecream."
"Let's eat a decent meal first before the dessert, wala ka pang kinakain mula kanina."
I rolled my eyes, "I do this at home, parang hindi ka pa sanay."
Well.. I like icecreams, so much.
He sighed before he nodded. Ngumisi ako sa kaniya. Papasok na sana kami sa loob nang natigilan ito. Kunot-noo akong napatingin sa kaniya. "Hey, what's wrong?"
He didn't answer, mas lumapit naman ako para hawakan siya. "Sean anong--problema?" Natigil ako nang alisin nito ang kamay kong nakakapit sa braso niya. Pinanood kong magtaas-baba ang adam's apple nito nang gawin niya iyon.
He turned his back on me without saying anything. Napanganga naman ako. "Hey!"
Akala ko nagbibiro lang siya at pinagtritripan nanaman ako pero laking gulat ko nang nahabol ko siya at nakita agad kung sino ang mabilis niyang nilapitan. Bahagyang nagulat si Nicaseane at ang kasamang babae nang nilapitan niya. Natigilan naman ako.
What the f**k Sean? Ano itong ginagawa mo?
Naghintay ako sa pag-aakalang baka may importante lang siyang sasabihin. I know his relationship with her is fake, that's why I stood there and waited. Kasi kung hindi ko alam ay baka nag-walkout na rin ako. Pero nang nakita kong inakbayan niya si Nicaseane at inakay palayo ay kumulo na ang dugo ko.
Sumulyap si Nicaseane sa akin. She knows I'm with him, niyaya niya ba si Sean na samahan siya? What a b***h? And that asshole won't even tell me anything? Ano 'yon? Porke nakita niya ang girlfriend niya ay iiwan niya na akong mag-isa? Siya naman itong nagyaya sa akin. At kailan niya pa ako pinagpalit sa mga flings niya? Ngayon lang nangyari ito ah.
Nagpupuyos ang damdamin ay tinalikuran ko sila. This is the first time Sean ever did this to me. Kahit gaano pa kaganda ang mga babae niya ay hindi niya ako kailanman tinalikuran para sa kanila. I guess Nicaseane is an excemption? I wonder if it's true that he's dating her to get revenge for embarassing me to the public or he has hidden intentions too. Baka nga nangyari na ang kinatatakutan ko, baka nga nahulog na siya sa sarili niyang patibong. And why am I angry?
Wala ako sa sariling napadpad sa parking lot. Huli na nang narealize kong hindi niya naman pala ako ipagdadrive pauwi. Pikon na pikon na talaga ako sa mga nangyayari.
I was stomping my feet back to the mall when I bumped into someone. Sa lakas ng impact ay talagang napaupo ako sa sahig. Lalong tumaas ang nararamdaman kong iritasyon. "Ano ba!"
"I'm sorry miss, are you okay?" Mabilis na yumuko ang lalaki para tulungan ako.
I shot him one deadly glare while he's looking at me apologetically. "Mukha ba akong okay?"
Hindi ito sumagot pero tinulungan niya akong makatayo. Nang makaharap ko ito ulit ay nakangiti na ito. My forehead creased. "May nakakatuwa ba sa sinabi ko?"
Umiling ito at bahagyang napakamot sa kilay niya. Sinundan ko ng tingin ang kamay nitong nagtungo sa mukha niya. Agad kong napansin ang katangkaran nito, he's tall and good-looking and he looks familiar.
"Hi Sam," he smiled. Lalong nalukot ang noo ko.
"Kilala ba kita?"
"Yeah, I think so. Hindi mo ba ako natatandaan?"
"Itatanong ko ba kung natatandaan kita?"
Natawa nanaman ito. I don't know why people find my sarcasm funny samantalang ang gusto kong iparating ay napakatanga nila.
"Still the Sameng that I know," he murmured and I realized that I really know him!
"Karl!" Naibulalas ko na nagpatawa nanaman sa kaniya. "Oh my gosh, anong ginagawa mo dito?"
"Mall ito Sam, what do you expect me to do here?"
Sinimangutan ko siya na naging dahilan naman ng pagtawa niya. Natawa nalang din ako. Naibsan ang iritasyon na nararamdaman ko. Hindi ko inexpect na dito pa kami magkikita sa parking lot. I mean it's been what? Five years since we last met and look at him now! Ang laking tao niya na, ang gwapo pa!
"Anong ginagawa mo dito sa parking? Mukhang ang sama pa ng timpla mo, sinungitan mo 'ko e." Inakbayan ako nito habang inaakay pabalik sa mall.
"Nagkamali lang ako ng exit, I was about to go home. Pasensya na din kanina, medyo bad mood ako." I faked a laugh dahil naalala ko bigla ang dahilan kung bakit nasira ang araw ko.
"Hmm, bad mood. Let's have some icecream then? What do you think?"
Parang unti-unting nalusaw ang inis na nararamdaman ko. Blessing in disguise ba itong si Karl Ford para matuloy ang pagkain ko ng icecream ngayon araw?
Malapad ang ngiti sa labi ko nang tumango ako. He knows I like icecream so much. Hindi na rin pala masamang may ibang lakad si Sean, atleast I got the chance to meet my old friend.
Papasok na kami sa mall nang bigla nalang may kung sinong humigit kay Karl. Before I knew it, he's already lying on the ground. Napatakip ako sa bibig ko.
**