Note! Please read!
I wrote this story wayback in 2013, so please bare with the flaws, as we all know, no author or story is perfect.
And pls remember, you are free to judge the story but in a respectful way, that's the only kind of criticism I can accept.
Sam's POV
May isang daang estudyante na siguro ang dumaan sa harapan ko pero wala pa rin ang taong hinihintay ko. I glanced at my wristwatch, it's 5:57, mag-iisang oras na akong naghihintay. Alas-singko ang dismissal namin at kanina pa ako rito. Nasaan nanaman kaya ang lalaking 'yon?
Luminga-linga ako sa paligid, kaunti nalang ang mga estudyante maliban sa mga varsity players na nagpapractice sa open field. Hindi miyembro ng varsity si Sean, walang interes ang isang yun sa sports. Isang laro lang ang alam kong nilalaro niya and he's a master of that game.
Speaking of his game, namataan ko itong naglalakad di kalayuan. Hindi ko na naiwasang mag-paikot ng mga mata nang makita ko itong nakaakbay sa isang babae habang naglalakad sila na akala mo hari at reyna ng university na ito.
PDA is strictly prohibited in the university but Sean can always do what he wants, hindi ko alam kung bakit hindi pa 'to nakikick-out. It's so unfair.
Well that's his game, playing around with girls, different girls every week or everyday? Hindi ko alam. Wala naman talaga akong pakialam kung ilang babae pa ang i-date ng impaktong 'yan. Ayoko lang talagang pinaghihintay ako and he made me wait for what? To makeout with that girl? Isang oras? Ganoon katagal?
Pinanood ko silang maglandian habang naglalakad. Ang walanghiyang lalaki ay hindi man lang ako napansin? Tumigil sila mga ilang metro ang layo mula sa bench na kinauupuan ko. They seem to be bidding goodbyes and see you tomorrows and I hate it. Nag-iwas ako ng tingin nang halikan niya ang babae. Sean and his game makes me cringe.
Hindi ko na sila hinintay matapos at nagdiretso na ako papunta sa parking lot. Alam ko naman kung saan naka-park ang kotse niya pero syempre hindi ko naman mabubuksan kaya sa bench ko siya lagi hinihintay. At tuwing naghihintay ako ay hindi pwedeng hindi ko siya makikitang nakikipag-landian.
Naramdaman kong nakasunod na ito agad sa akin. Pinatunog niya ang kaniyang sasakyan at hindi ko na siya nilingon pa nang buksan ko na ang pintuan. Nakasimangot akong sumakay sa kotse at napairap nalang dahil naririnig ko nanaman ang walang katapusang pagpuri ng mga kababaihan sa kaniya. Ilang mga babaeng miyembro ng varsity at nagjojog ang bumati sa kaniya.
I forgot to mention, he's one of the heartthrobs in this university. He's the prince for all the girls except for me, he's a casanova. He's Sean Park and he's my bestfriend.
Tahimik itong sumakay sa driver's seat, ni hindi pinansin ang iilang babae na bumati sa kaniya. Well, sa lahat ng playboy ay siya itong suplado, unlike my cousin Dylan, who's another playboy and can even win Mr. Congeniality.
Hinarap ko siya nang mailagay na ang seatbelts ko at sinalubong niya naman ako ng isang pitik sa noo.
"Ouch! What the hell?" Napahawak ako sa noo ko. He resulted in a laugh like seeing my reaction is funny for him.
"Nakasimangot ka nanaman diyan. What's the problem babe?" He started to make his way out of the parking space while I was busy throwing him daggers.
"Don't call me babe, you dips--"
"No bad words please."
I rolled my eyes. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri at nanahimik nalang. Nakakainis, I haven't recovered yet from waiting for almost an hour tapos heto siya at aasarin nanaman ako na parang wala lang. Bwisit.
"How's the day sweety?"
I gritted my teeth in annoyance. Nilingon ko ito at nakitang nakangisi ito habang nagmamaneho. The fact that he's so happy while I am dead tired is pissing me off big time. "Stop calling me names Sean, I am not one of your flings. Nakakadiri ka."
He chuckled, "Bakit ang init nanaman ng ulo mo?"
"Are you really asking me why? Pagkatapos kong maghintay ng halos isang oras doon sa bench na 'yon, itatanong mo yan?"
Tumawa nanaman ito. I hate to admit that his voice sounds so good to my ears when he's laughing like this. I can't blame the girls who fall easily to his tricks, lalo pa kung ngumingiti siya ng ganito. Sean has that effect to everyone, even to me.
"I'm sorry okay? I had to wait for her, may ginawa lang kami."
May ginawa? Do I have to pretend I don't know what they did? Nakakadiri talaga. Humalukipkip ako at tumitig nalang sa labas ng bintana.
"Who's that girl anyway? Bago nanaman ang girlfriend mo?" Hindi ko naman masyadong nakita ang babae at hindi naman ako nag-abalang tignan. Most of Sean's girls were sluts of the campus, iyong mga patay na patay sa kaniya na kapag inalok niya ng one night stand ay paniguradong papayag. Some girls can really settle for that huh.
"That's Nicaseane," he answered.
Tumango ako pero napatingin din ulit sa kaniya. He glanced at me with a grin on his face. I looked at him unbelievably.
"I told you I'm okay with her, okay na kami Sean." Nanlalaki ang mga mata ko.
His eyebrow shot up, "That's good to know, but the other students haven't recovered yet. And we're already on it, tatapusin ko na."
Hinampas ko ito sa braso, "Anong binabalak mo?"
He shrugged, "Break her heart? Ikaw, ano bang gusto mong gawin ko?"
I sighed, "Sean I'm not asking for this."
Nakakaguilty ang ginagawa niya. Kung may balak siyang gawin ito, sana hindi niya nalang ipinaalam sa akin para hindi ako nakokonsensya. At isa pa, that girl is not just a simple girl, that's Nicaseane Monteverde for crying out loud, not just some slut out there!
Nicaseane's a transferee but she's very popular even outside the university, she has the looks, a body to die for, intelligence and all. Sikat siyang modelo at kinagigiliwan halos ng lahat. While I'm just a nobody, I'm just a simple student at marahil ay kilala lang ako ng iilan dahil pinsan ko si Dylan at bestfriend ko ang Sean na ito.
We had a row just over a week ago. Nicaseane likes Sean, she admitted that, and she told me she hates me for being by his side, for being his bestfriend. Being me, a b***h and a warfreak ay pinatulan ko siya dahil hindi ko gusto ang punto niya noon. She wants me to stay away from Sean and everyone knows that's impossible!
We grew up together, kahit kailan hindi pa kami naghiwalay. At hindi ako makapapayag na para sa kaniya ay iiwasan ko si Sean. Hell, I'm not even sure if Sean is sure with her that time, lalo pa ngayong pinaglalaruan lang siya ni Sean, hindi ko siya isusuko sa kaniya.
Dahil sa nangyaring sagutan sa amin ay maraming nag-isip ng masama sa akin. They all think that I have something for Sean at si Sean naman ay kaibigan lang ang turing sa akin. Everyone probably dislikes me now but I don't care, hindi naman ako nag-eexist para sa kanila.
Sean found out about what happened, he got pissed when he heard some girls talking bad about me pero hindi ko naman alam na gagantihan niya. Lalo pa't napansin ko na close sila, madalas silang magka-partner sa mga activities, madalas silang makitang magkasama kapag weekends. Hindi ako sigurado kung parte iyon ng plano niya pero bago man kami nagkasagutan ni Nicaseane ay nakikita ko na silang magkasama lalo na dahil magkaklase sila.
Siguro napikon lang talaga siya? Sanay na ako sa ganitong ginagawa niya kapag may nakakaaway ako. He can't hurt girls physically pero kayang-kaya niya kung feelings ang basehan. And he does it that way. Kapag may nakakaaway ako dahil sa kaniya, liligawan niya tapos ibe-break. He's harsh and I've always known about that.
"You should stop it Sean, hindi naman kami nagkasakitan ni Nicaseane. And she doesn't deserve to get played, she's not like the other girls you used to break."
Hindi ko alam bakit ko ito sinasabi. I can remember how I got pissed with our confrontation but I don't think it's right. And.. and I don't want him to fall on his own trap. Kung ayos lang sa akin ang pakikipag-relasyon niya sa mga sluts sa school, well that's because I know he won't fall for them. But maybe I'm just really worried that he'll fall for Nicaseane anytime soon. He should stop, hindi ko siya kayang ibigay sa babaeng 'yon.
"Don't worry about me, I can handle girls.." he smirked.
"You heartless douchebag.." I murmured.
"Woah, easy there honey, I'm not a douchebag." He started laughing again.
"I said stop calling me names!"
"Okay okay fine."
I rolled my eyes. Ang tigas ng ulo.
Ilang minuto kaming natahimik nang bigla kaming ma-stuck sa traffic. Napatingin ako sa relo ko at nakitang pasado alas-sais na. I am dead sure my mom's gonna call me sooner or later kapag hindi pa kami nakauwi agad.
Nag-iisang anak lang ako at si Sean lang ang pinagkakatiwalaan ng mga magulang ko. Kapag wala pa ako sa bahay bago mag-alas syete baka magpatawag na ng search and rescue operation sila mommy.
"Kapag tumawag si mommy ikaw ang bahalang mag-explain."
"Anong ieexplain ko?"
"Sabihin mong nakipag-makeout session ka kaya na-late tayo ng uwi. Sabihin mo pinaghintay mo ako ng matagal sa bench para hindi kana makatapak kahit kailan sa loob ng bahay namin." Dire-diretso kong sinabi kaya humagalpak ito ng tawa.
"Anong nakakatawa?" Pagtataray ko.
"Yeah, totoo pero dapat ko ba talagang sabihin yun kay Tita Misty?" Tawa pa rin ito ng tawa. I glared at him and gave him a punch on his arm.
"Nakakainis ka kasi! Sa susunod hindi na talaga kita hihintayin!" Talagang hindi ito titigil hangga't hindi umuusok ang ilong at tenga ko. He likes it so much to annoy me!
"Hey hey, you know you can't do that."
"I can do that you bastard."
He chuckled, "Hindi na mauulit 'yon at hindi naman kami nag-makeout, we just kissed a bit with a little touching."
Napanganga nalang ako sa sinabi nito, hindi ko napigilan at pinaghahampas ko siya gamit ang bag ko. "Ewan ko nga sa'yo! Kadiri ka talaga! Ugh!"
Tumatawa lang naman ito habang sinasalo ang mga hampas ko. Umusad ang traffic at mabilis din kaming nakauwi. Sean parked his car infront of our house. Well, magkatapat lang naman ang bahay namin.
Tinanggal ko ang seatbelts ko at akmang bababa na nang pigilan niya ako.
"Hey, I'm sorry I made you wait." He smiled at me.
Pinagtaasan ko siya ng kilay, "What's new? Sanay na ako." Bumaba ang mga mata ko sa kamay niyang nakahawak sa braso ko, mabilisan ko iyong hinawi.
"Bitiwan mo nga ako, baka mamaya mahawa pa ako ng AIDS." Umirap ako at humalakhak naman siya.
"What AIDS? I'm clean baby!"
Natawa na rin ako. Well, alam ko namang malinis siya, mas maarte pa siya sa katawan kaysa sa akin.
He smiled. Ginulo niya ang buhok ko. "Sige na, pumasok kana. I'm sure your mom is waiting."
"Tss!" Tinulak ko ang pintuan at bumaba na.
I smiled and waved at him. Pinaandar niya naman ang sasakyan upang maipasok na sa malaking gate ng kanilang bahay na katapat ng sa amin. I watched the car until it disappeared from my sight.
Bestfriends, that's what we are. And I've never ever wished to cross over our boundaries. We grew up together, we did a lot of things together. He's always my protector despite his playful character at kahit na madalas akong maasar sa kaniya ay tanggap ko siya. I love him so much. Mahal ko siya, bilang kaibigan.
**