Chapter 10

1044 Words
Alas-otso na ng gabi nang makarating si Marcus sa opisina nila sa Makati. Hanggang 47th floor ang building ng office nila at nasa 46th floor naman ang office ng Dad niya. May exclusive elevator para sa CEO o para sa pamilya ng CEO. Kaya mula sa parking lot ay deretsong nakakapasok sa CEO's Office si Marcus na hindi nakikita ng mga tao. Sa ngayon kasi ay nananatiling low profile si Marcus. Nagtatrabaho siya sa kompanya ng ama niya bilang isang regular employee sa accounting department. Kasama niya doon si Trisha na kaibigan ni Ollivia. Pagbukas niya ng pinto ay nakakatakot na titig mula sa kanyang ama ang bumungad sa kanya. Kulang na lang ay isubo si Marcus ng buo. "..Ey! What's up! Dad?" "Kailan kaba makikinig sa akin Marcus? Ano ba ang pumasok sa isip mo na bigla kang pumasok sa kompanya ng Uncle mo? Marcus! tumatanda na ako! Kailangan ko na ipamahala sa inyo ni Janet ang kompanya! Bakit ang hirap mo paki-usapan!?" galit na galit na salita ng ama niya. Tahimik lamang si Marcus tila may malalim na ini-isip. Kung pwede lang sana na hindi niya tanggapin itong pamamahala ng kompanya ng ama niya este kompanya ng pamilya ng ama niya. Wala kasing ibang pinagkakatiwalaan ang Daddy niya sa kompanya kundi si Marcus lang. Alam niya na kahit barkadista ito ay may kakayahan siyang magpatakbo ng kompanya kagaya niya. Maraming business ang Dad niya. Sila lang naman ang nagmamay-ari ng malaking real estate developer dito sa Pinas. Minings, Real Estate, Commercial Buildings, Hotels, Malls including Restaurants and etc.. Hindi niya kasundo ang step mother niya na masama ang ugali. Hindi niya maintindihan kung bakit pinagpalit ng Dad niya ang Mom niya sa babaeng ito. May anak pa sa ibang lalaki na gusto rin magmana sa kompanya at ari-arian ng Dad niya. Dalawa lang ang kapatid ni Marcus sa Dad niya lahat ay mga babae. Si Claire na graduating student pa lang sa susunod na taon. Nag-aaral ito sa UK kasama ang bunso niyang kapatid na si Corrine na nasa second year college pa lamang. Si Janet naman ay siya ang kapatid niyang hilaw na anak ng step mom niya sa ibang lalaki. "Dad! I will accept the company but not Janet!" madiin na salita ni Marcus sa Dad niya. Biglang napahilot ng sentido ang ama niya sa narinig niya mula kay Marcus. Napaisip ito at di na nagsalita. "Anything else, Dad?" kunot noo tanong ni Marcus. "If nothing else.. i have to go!" sabay tayo ng upuan at nagtungo sa pintuan. Pipihit na siya sa doorknob ng marinig niya magsalita ang kanyang ama. "I will conduct a board meeting regarding of my retirement! And on my birthday I will officially announce that you will be the new CEO!" 'Why so sudden, Dad!? Why?' hindi pa siya handa. Alam niya na kapag ma-take over na sa kanya ang kompanya ay mas lalong wala na siyang time para sa sarili niya... at lalo na para kay Ollivia. 'Naku! Marcus hindi mo pa nga pinagbibigyan ang kahilingan ng dalaga at ngayon magiging CEO kana! Kawawang Ollivia!' Hindi na sumagot si Marcus kasi hindi niya naman alam kung ano ang isasagot sa Dad niya! Sa sobrang inis niya hindi man lang siya lumingon. Agad niyang pinihit ang doorknob pabukas sabay labas ng pinto at sinara ito ng malakas. Minsan nawawalan siya ng respeto sa ama niya lalo na kapag inu-unahan siya magdesisyon para sa buhay niya. Hanggang ngayon sinisisi parin ni Marcus ang ama niya sa paghihiwalay nila ng Mom niya. At sa hindi pagpayag nito na sumama siya sa Mom niya sa America. Kaya lumaki si Marcus na walang magulang halos buong buhay niya at magpa hanggang ngayon. Pasalamat na lang siya sa Lolo at Lola niya na nag-alaga sa kanya hanggang sa paglaki niya. Saksi siya sa mga pinagdaanang hirap ng Mom niya noong bago sila naghiwalay. Kahit ang yakapin man lang ang Mom niya sa huling pagkakataon bago umalis ng mansyon ay pinigilan siya nito. Ilan buwan din siyang tulala at iyak ng iyak lalo na sa gabi sa tuwing matutulog at naaalala niya ang Mom niya. Minsan na-abutan siya ng ama niya na iyak ng iyak sa gate kasi gusto niyang lumabas at puntahan ang Mom niya. Pinalo siya ng malakas at tinali ang paa. Hindi pa nakuntento nilagyan pa ng tape ang bibig niya para daw tumigil na siya sa kakaiyak. Mabuti na lang ay dumating ang kanyang Uncle Mario at tinanggal ang pagkakagapos sa kanya. Pagdating niya sa parking lot sumandal siya sa kanyang sasakyan at nagsindi ng yosi. Malalim ang iniisip niya. Maya-maya pa ay kinuha niya ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa. "Bro! Sa Blue Code! 30 mins doon na ako!" yaya ni Marcus sa kaibigan niyang si Kenn. "Mukang malalim, Ah! Basted ba agad?" "f**k you! Bro!!" "Ha ha ha" "30 mins!! Don't forget to call Ron!!" sabay patay ng telepono. Malapit lang ang Blue Code mula sa office nila pero kailangan niya munang umuwi sa condominium niya sa Rockwell upang magbihis. Simple lang ang suot niya naka-ripped jeans and white fitted designer t-shirt and white sneakers lang naman siya. Simple and very cool lang ang dating. Gwapo! Very masculine! Blue Code Bar Ang Blue Code Bar ay isa sa pag-aari ng kompanya ng ama niya. Sobrang lawak ito sa loob. Isa ito sa mga high-end bar sa Makati. Sa ground floor may stage para sa banda at dance floor para sa gustong magdisco. Sa bawat gilid ay may mga lounge tables. At sa bandang kaliwa ay may mahabang Bar Counter at maraming mga nakadisplay na mamahaling alak. There was also an imported and old wines came from different countries. Hindi gaanong maliwanag sa loob ng Bar rustic lights ang gamit nila sa bawat gilid ng lounge tables and different colors of led lights naman sa stage and dance floor. Sa second floor naman ay may mga private rooms for KTV. May sariling room si Marcus sa sa pinakadulo. Tanging ang room lang niya ang may malaki na space. Regalo ito ng Dad niya noong nag top 3 siya sa certified public accountant board examination. May sariling counter bar and comfort room sa loob. At may malaking smart TV at naka set-up na lights and sounds.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD