Chapter 9

1045 Words
Marcus POV Nagmamadali makalabas ng building si Marcus pagkatapos ng class niya sa review. Hindi na niya napansin si Ollivia na nakalabas na pala ito. Paano naman kasi pagkatapos ng class niya ay inabot agad ng secretary niya ang kanyang cellphone na aabot na ng halos 20 missed calls mula sa Daddy niya. Nagdadalawang isip pa siyang sagutin ang telepono. "Damian! Anu na naman bang kalokohan mo!? Kailan kaba makikinig sa akin!? Tumatanda na ako! Ikaw lang ang maaasahan ko sa kompanya! Sino ba ama mo si Uncle Mario mo o ako!?" pagalit na sabi ng Daddy ni Marcus. Ang Maco Review Center kasi ay pag-aari ng uncle ni Marcus na kapatid ng Dad niya na si Mario Co. Nakiusap siya sa Uncle niya na magpart-time instructor para mapalapit siya kay Ollivia. Kaagad naman pumayag ang uncle niya kasi alam niya ang kakayahan ng pamangkin niyang si Marcus. Top notcher din kasi itong si Marc Damian a.k.a Marcus noong nagtake siya ng bar exam. Nasa Top 3 siya noon pero kung hindi sana siya naglasing noong gabi bago ang kanyang exam malamang ay siya sana ang Top 1. Tahimik lamang si Marcus. Sanay na siya sa ratatat ng Dad niya. Bata pa lang kasi noon si Marcus ay mas malapit na siya sa Uncle Mario niya kaysa sa Dad niya. Yun Dad niya kasi ay bihira na lang umuwi sa bahay nila mula noong naghiwalay sila ng Mommy niya. "I'm warning you, Damian! Go back to our office now! Or else..." "Okay! Dad! Okay!!" Hindi na pinatapos pa magsalita ang ama kasi ayaw na niyang marinig ang idudugtong pa nito. Dali-dali naman lumabas si Marcus at nagtungo sa parking lot. Saka na lang niya nalaman na nakauwi na pala si Ollivia. Gusto sana niyang tawagan ang dalaga kaso biglang namatay ang telepono niya. Kailangan niya munang i-charge ito sa kanyang sasakyan. Habang binabaybay ang kalsada, sa may bandang sakayan ng jeep ay bigla niyang nakita si Ollivia na nakapila ito at may sasakyan na nakapara sa harapan niya. Maya-maya pa ay binosehan niya ito ng sunod-sunod. Bigla siyang kinabahan ng bigla niyang nakita si Ollivia na pumasok sa sasakyan. Mula sa labas ng sasakyan na nasa unahan niya ay kitang-kita niya kung sino ang lalaki na nasa loob na kasama ni Ollivia. At bigla naman siyang nakaramdam ng kirot sa puso niya. 'Shittt!! Huli na ba ako Ollive? Hindi mo na ba ako mahintay?' Sabay hampas ng malakas sa kanyang manobela na nagdulot ng malakas na bosena sa kalsada. Palihim na sinundan ni Marcus si Kerr at Ollivia hanggang sa bahay nila. Hindi siya mapakali habang nasa daan. 'Sana ihahatid mo lang si Ollive, Kerr! kung dadalhin mo pa siya kung saan-saan may kalalagyan ka sa 'kin!' galit na galit na bulong ni Marcus. Mabuti na lang ay deretsong na-ihatid ni Kerr si Ollivia sa boarding house niya. At para naman siyang nahugutan ng tinik ng makita niyang nakalabas na si Ollivia sa sasakyan ni Kerr. Ollivia POV Pagpasok ni Ollivia sa kanyang boarding house ay biglang nag-ring ang kanyang telepono. Tiningnan niya ito kung sino ang tuma-tawag. Nang makita niya na si Marcus ang nasa caller ID ay napangiti siya at sinagot. "Hello.. how's your work today?" malambing na boses kaagad ang narinig ni Marcus sa kabilang linya. Sa simpleng pangungumusta ni Ollivia sa kanya ay napawi lahat ng kanyang pag-aalala. Huminga muna siya ng malalalim bago sagutin ang dalaga. "It was tiring.. but I already heard your voice I'm fine now.." Matagal silang nag-usap sa telepono ni Ollivia na akala mo ay wala nang bukas. Hindi rin nakaligtas si Ollivia sa mga tanong ni Marcus tungkol sa kung may mga lalaki na na umaaligid sa dalaga. Hanggang sa na-ikwento ni Ollivia kay Marcus ang tungkol kay Kerr na hinatid siya nito kanina sa kanyang boarding house. Naku Ollivia ha! Boyfriend mo na ba yan? Bakit kailangan updated siya lahat? Wala ngang lakas ng loob magpakita sa'yo! Maya-maya pa ay di na nakapagpigil si Marcus magtanong sa dalaga. "Ollive! Kung makita mo na ako? Magugustuhan mo kaya ako?" tanong ni Marcus. "Ha ha! Anong klaseng tanong na naman yan Marcus!?" "Sagutin mo na lang please.." "Ilan beses mo nang tinanong yan sa akin" "I know! Pero di mo pa naman ako sinasagot!" patampo na sagot ni Marcus. "You know already the answer..." malungkot na bulong ni Ollivia sa telepono sapat lang na narinig ni Marcus. At biglang nagkaroon ng katahimikan sa kabilang linya. Ramdam ni Marcus ang lungkot ni Ollivia sa tuwing pinag-uusapan nila ang tungkol sa kanilang pagkikita na ilan taon na ay hindi pa rin ito nangyayari. 'Masyado na ba kitang pinaghihintay ng matagal Ollive?' May kirot sa puso ni Marcus habang iniisip niya ang pagpapaasa niya sa dalaga. Though, nakikita niya ng malayuan ang dalaga, napaka-unfair naman ito sa kanya. 'Pero wait! May lamat kana ngayon sa Ollivia mo! diba nga bigla mo siyang hinalikan? Sa tingin mo ba magugustuhan ka pa rin niya? Galit sa manyak ang Ollivia mo! Wag ka pakampante diyan!' paalala ng kotrabidang isipan ni Marcus. Habang ina-alala ni Marcus ang paghalik niya kanina sa dalaga ay di niya mapigilan ngumiti. 'Ang cute ng Baby Girl ko.. nangingiting bulong ni Marcus sa sarili, sa tuwing naiisip niya ang mukha ni Ollivia na inis na inis pagkatapos niyang halikan kanina. 'Totoo yun? ako ang first kiss niya?Shiitt!!' She will forgive me! 'Are you sure!?' Sabay kontra ng kabilang isip niya. Dahil wala na siyang naririnig na salita pa mula kay Marcus ay muling nagsalita na lang si Ollivia at nagpaalam na lang ito. "Sige na! Marcus! Marami pa akong gagawin.. bukas na lang ulit.." paalam ni Ollivia. "Okay! please take care always.." "Okay! you too.." "Promise me! 'wag kana magpahatid kay Kerr.. lumayo ka sa kanya sa tuwing lalapit sa'yo!" "Why?" "Do you want me to answer your question... Why?" 'Nadudurog ang puso ko sa tuwing nakikita kitang may kasamang iba, Ollivia! kailangan ko pa bang sagutin yan!?' bulong sa isip ni Marcus. "..." 'Pag dika pa magpakita sa akin hindi ako makikinig sa'yo!' "Sige na! Marcus! Bye!!" paalam ni ulit Ollivia. Sa sobrang tagal nilang nag-usap ay hindi na namalayan ni Marcus ang oras. Pinapabalik pa pala siya agad ng Dad niya sa opisina nila sa Makati.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD