"Kamusta?" Tanong ni Tita Nera ng makita akong pagala gala sa hallway ng ospital. Nakaisang linggo na ako sa internship at masasabi ko na marami na agad akong natututunan. "Okay lang, Dra." Ngiti ko at chineck iyong hawak kong schedules. Ako kasi ang ginawang assistant ni Dr. Monteverde. "Formal mo masyado, Rene. Kamusta si Xavier? Okay lang ba?" Tanong niya ulit. Tiningnan ko ang relo ko. "Medyo strict si Dr. Monteverde. Naiintindihan ko naman po. Head doctor siya eh." "Breadwinner kasi 'yon. Nasa kanya ang pressure." Kindat ni Tita Neri bago lapitan ang ward. May pinapirmahan naman iyong nurse sa kanya. "Oh? Una na muna ako, ah? May patients na akong waiting. Good luck, Rene!" Kumaway ako at nagtuloy na sa p