Maaga akong gumising para ayusin ang sarili ko. Hinanda na kasi ni Lilo ang mga damit ko. May tag na rin kung alin ang pang araw na ito. Kinuha ko iyon at sinuot.Binasa ko naman ang mga tamang gamit ng make-up at kung ano ang unang ilalagay. Gumawa rin kais ng note si Lilo sa techniques. Sinunod ko lang ang mga iyon. Tiningnan ko ang aking sarili. Paniguradong hindi na naman ako makikilala nito. Kung ang pamilya ko nga ay gulat na, ano pa kaya sila? Tumayo ako at kinuha ang susi sa coffee table. Wala namang klase ngayon. Orientation lang para sa internship. Habang naglalakad ako sa aming department ay hindi na ako makatingin ng maayos sa daan. Tumungo ako para hindi nila mapansin ang aking mukha. Ang kanilang mga nata ay animo'y magnet na dumidikit sa aking balat. Pagkad