Binuksan ko ang box na binigay ng guard. Napairap ako ng makita kung ano ang laman noon. Punong puno iyon ng pulang rosas. Binaba ko iyon at tinitigan. It's from Rykel. Araw-araw ay walang palya iyong mga bulaklak niya. Talagang seryoso nga ata siya sa sinasabi niya. Hinilot ko ang aking sentido at sumandal sa aking swivel chair. "Oh! Ano na naman 'yan? Talagang walang palya 'yang secret admirer mo ha!" Biro ng kararating lang na si Alessandra. Ngumisi ako at tinagtag ang card na nakalagay bago pa man siyasatin nito. Hinigop ko ang kapeng binili ko at tiningnan ang orasan. 7:00 AM. May operasyon ngayon si Dr. Monteverde at di man lang niya ako sinama dahil confidential case raw ito. Maghihintay ako ng ilang oras rito. "Oh bakit nandito ka? Akala ko ay s