Pumasok na ako kinabukasan. Sa sobrang aga ko nagising ay dumiretso na agad ako sa hospital. Bahala na, hindi talaga ako mapakali sa bahay. Kagabi ay hindi rin ako nakatulog. Sino ba namang makakatulog kung panay ang text sa'yo ni Rykel at Allan? Ang sakit sa ulo. Ngumiti ako sa bagong nurse na kashare ko sa table. Ito 'yung pumalit kay Alessandra. "Nandyan na ba si Doc?" Tanong ko. Ngumiti siya at umiling. "Wala pa nga," Sagot niya at tinuloy na ang tinatype sa kanyang computer. "Akala ko ay mamaya ka pa? Alas otso pa lang. Ten pa ang shift mo." Puna niya. Ngumisi na lang ako at sinuot na ang relo ko. Kumindat pa ako sa kanya. "Ako pa. Maaga kasi akong nag-ayos, saka walang tao sa bahay eh." Paliwanag ko at tumayo na para osuot ang