Chapter 1
Three years ago..
“Nandito ka lang pala. Bakit hindi mo ko hinintay kanina?”
Napaangat ng tingin si Marianne sa kaibigang si Wilma matapos siya nitong sikuhin habang umiinom ng zesto sa ilalim ng puno ng mangga. Katatapos lang niyang kumain sa canteen kasama ang kaibigan pero naharang ito ng barkada nina Rochel kaya iniwan na niya. Pumunta muna siya sa open grounds at doon inubos ang juice drink niya. Hindi niya kasi kaya ang makipag-plastikan sa grupo ni Rochel at hindi niya ma-gets kung bakit naaatim ni Wilma ang makipagbatian man lang doon.
Nilabas niya ang checkered niyang panyo at pinagpag. “Ano naman ang gagawin ko ro’n?”
Umupo si Wilma sa tabi niya at nilapag ang bag at dalawang folder sa ibabaw ng sementong lamesa. “Hindi mo talaga feel sina Rochel, ano?”
Umiwas ng tingin si Marianne sa kaibigan at nagpunas ng pawis sa noo at leeg. “They are just pretending, Wil..”
“Nagpe-pretend na ano?”
Buntong hininga ang unang sagot niya rito. Nilingon ang kaibigan at tinitigan sandali. Sasabihin ba niya ang narinig niya tungkol kina Rochel?
“Wil..”
“Hay nako, Marianne! Kung minsan talaga hindi kita maintindihan. Para kang palaging may sariling mundo. Resulta ba ’yan ng pagiging working student mo at palaging occupied ang pretty brain mo, sis?”
Marianne bit her lower lip. “Hindi gano’n,”
Tumaas ang mga balikat ni Wilma. “Eh ano nga? Anong kinaaayawan mo kina Rochel? At ’wag kang mag-deny ’day! Kilala kita. Kapag ayaw mo, ayaw mo talaga.” Nagdududa nitong tingin sa kaklase.
Magmula nang magkolehiyo si Marianne ay consistent niyang kausap si Wilma. Tulad niya ay Education din ang kinukuha. May mga klase silang magkasama at mayroon ding hindi dahil irregular student siya. Kaya naman ang pagdududang nakikita nito sa kanya ay may basehan. They were bestfriends.
Lumingon muna sa paligid si Marianne. Sinuyod ang kanilang likuran at gilid-gilid kung may malapit na mga estudyante. At dahil break time ay marami-rami rin ang nakakalat sa labas pero may kanya-kanya namang kwentuhan. Mayroon pang natutulog na mga binata at may takip na bimpo sa mukha.
Lumapit si Marianne sa kanya at bumulong. “Narinig ko kasing.. balak na mag-recruit nina Rochel sa pinagtatrabahuan niya.”
Kumunot ang noo ni Wilma. “And so? At wala naman yata akong narinig na gan’yan sa kanya ah..?”
Hinawakan ni Marianne sa braso ang kaibigan. Mahigpit. “It’s not an ordinary job, Wil. May.. may nakita kasi akong.. website..” she couldn’t even say it properly. Paano naman kasi ay ito ang unang beses na magsasalita siya tungkol dito. Noong una ay kinimkim niya lang. And letting her know na may kakaibang raket sina Rochel ay kinikilabutan siya.
She’s not that naive para sa ganoong kalakaran. Naririnig na niya iyon first year pa lang siya at ang Kuya Stefan niya ay minsan ng pumatol. She hated him after she learnt what he did. Dahil ang pangako nitong tutulungan siyang makatapos ay hindi nangyari. He working, yes. But he only working for himself. And somehow, she hated those girls na umakit sa Kuya Stefan niya.
“Anong website ba? Baka naman thesis nila ’yan. ComSci sila, ’di ba?” naglabas ito ng salamin at face powder. Dinamp ang sponge sa mga oily parts ng mukha niya.
“It’s Locanto, Wil.” She whispered.
"Locanto? Iyong online classified ads ba?
Marianne nodded. Umaasang matutunugan ng kaibigan niya ang ibig nitong sabihin.
“Oh ano meron..?”
Marianne almost groaned. “It’s more on a secret service.”
“Secret service??” nagulantang nitong sagot.
Agad na tumango si Marianne.
Bumagsak ang mga balikat si Wilma. “Hindi ba sa America may gan’yan? Iyong mga tagong protector ng presidente nila..”
“Ano ka ba. Hindi mo ba naririnig ’yan noong first year pa lang tayo? It’s a discreet service na halos kapareho ng.. pag-eescort..” hinanaan niya ang boses dahil sa salitang ginamit.
May limang segundong napapatitig lang si Wilma kay Marianne bago namilog ang mga mata nito. Marianne slowly nodded as she collected her things and waited for her.
“Teka, teka! You mean.. sa Locanto nakalagay ang ads—promotion—este ads nina Rochel?! Oh mi gosh!”
“Sssh. Ang ingay mo na.” saway niya sa kaibigang pa-hysterical na.
“Eh kasi naman nakakaloka ’yang binalita mo sa akin! Bakit ngayon mo lang sinabi?”
Bumuntong hininga ulit si Marianne. “Wala naman kasi akong pakielam do’n. By choice nila ’yon, ’di ba? Pero nang mapansin kong dumadalas ang batian ninyo maliban pa sa hindi sinasadyang marinig ko ang pag-uusap nila sa CR, kailangan daw ng Mamay nila ng bagong recruit, I thought na baka ikaw ang target nila. I’m worried for you, Wil.”
“Sos! Ako mata-target nila? Ikaw kaya ang pinag-uusapan namin kapag binabati ako,”
Natigilan ang dalaga at manghang tiningnan ang kaibigan. Kumalabog ang dibdib niya. So, all along ay siya pala ang balak nitong i–recruit sa secret service? At all along ay alam niyang ang kaibigan niya ang tina-target ng mga nito.
Tumango-tango si Wilma at pumadyak. Bumulusok ang mga buhangin sa lupa sa ginawa niyang iyon na dumumi naman sa sapatos ni Marianne. “Ngayon alam ko na. Kaya pala panay ang tanong nila tungkol sa ’yo, kung may boyfriend ka, kung nangangailangan ka ng pera dahil nagwo-working student ka, iyon pala ang binabalak nilang gawin.”
“Did you.. did you say information about me?” kinakabahan niyang tanong dito.
Umiling si Wilma na siyang kinaluwag ng dibdib ni Marianne. “Ano ako, bale? Hindi ’no! Ang sabi ko ay gusto mo lang maging independent saka may magandang trabaho ang Kuya mo sa isang kumpanya. Paulit-ulit ko na ngang sinasabi sa kanila ’yon pero tanong pa rin ng tanong tungkol sa ’yo. Hindi ko naman magawang ipakausap kasi deadma galore ka palagi ’pag nandyan sila.”
“Sakamat naman kung gano’n.”
“At saka pwede mo namang tanggihan ’yon kung alukin ka nilang.. sumali sa secret service. Sabi mo nga, by choice ang gan’yang kalakaran. They cannot force you if you don’t want to.”
Napatitig sandali ay Marianne sa kaibigan. Kahit papaano ay natutuwa siya sa positibong disposisyon nito. At may punto naman ito. Kung ayaw niya ay hindi siya nila mapupwersang sumali. Totoong nangangailangan siya ng pera pero hindi limpak-limpak. Kapag naman nakatapos siya at makapagtrabaho tulad ng Kuya Stefan niya ay magkakapera na rin siyang sarili, galing pa sa malinis at marangal na trabaho. Hindi niya iyon kailangan.
***
Pagbukas pa lamang ng pinto sa bahay ni Marianne ay agad niyang nakasalubong ang galit at papalabas niyang Tiyahin na si Belen. Naniningkit ang mga mata sa galit at bahagyang namumula pa ang mukha. Ang pinsan niyang isang taong gulang na buhat nito ay umiiyak.
Napaatras siya nang walang balak na gumilid man lang ang Tiyang Belen niya. She was grimaced and speechless. Madalang kung bisitahin sila ng Tiyahin sa bahay. Maliban kung may kailangan ito. At hindi siya nagkamali nang huminto ito sa harap niya at tinuro ang kapatid sa loob.
“Walang utang na loob ’yang Kuya mo! Akala mo kung sinong nakapag-aral. Kung hindi dahil sa Nanay at Tatay ko—hindi rin ’yan makakatapos at makakakuha ng magandang trabaho!” litanya nito agad sa kanya.
Pakiramdam tuloy ni Marianne ay nadagdagan pa ang pagod niya sa katawan. At ang Tiyahin ay mas lalong tumanda sa paglitaw ng galit nito.
Kahit malapit na kamag-anak ay hindi naman sila malapit dito. Kahit noon pang nabubuhay pa ang mga magulang niya ay palaging nakasimangot ito kapag nakikita nila.
Marianne sighed. “Ano po bang problema, Tiyang?” marahan niyang tanong.
“Yang kapatid mo, Marianne! Parang nanghihingi lang ako ng pera para sa diaper ng pinsan mo—aba’t sinabihan pa akong wala raw siyang pera?! Palibhasa lumaki na ang ulo niyan!” nanggagalaiti nitong sagot sa dalaga.
Nakakaagaw ng atensyon ang ginawang pagsigaw ng Tiyang Belen niya. Kaya naman walang salitang kumuha ng singkwenta si Marianne sa wallet niya at iniabot sa Tiyahin. Sa isip ay wala na siyang budget para sa pagkain niya sa loob ng dalawang araw.
Paismid na tinanggap iyon ni Belen. Padabog pang sinuksok sa bulsa ng maong shorts nito. “Tandaan niyo, kung hindi nangangatulong ang Nanay at Tatay ko ay nuncang makapag-aral kayong dalawa sa kolehiyo,”
Akmang magsasalita si Marianne para sana ipagtanggol ang sarili ay hindi na lang niya tinuloy. For her, it was useless to explain para sa taong hindi naman siya maiintindihan at ang nakikita lang ay ang sarili. Gusto niya sanang isagot na, nagwo-working student siya at ginagapang ang pag-aaral. Pero baka magsasayang lang siya ng laway dito.
Pagkaalis ni Belen ay pumasok na si Marianne at sinarado ang pinto. Nakita niya ang bag ng Kuya Stefan niya sa kawayan nilang upuan.
Dumeretso na siya sa kusina para tingnan kung nakapagsaing na ito—“Kuya!” gulantang niyang tawag sa kapatid nang madatnan niyang nakaupo sa mesa at nakaumang ang matalim na kutsilyo sa pulsuhan nito.
Tila natuklaw sa pagkakatayo si Marianne. Magpapakamatay ang kapatid niya!
Ang mga mata ni Stefan ay namumula nang lingunin ang bunsong kapatid. “Hanggang d’yan ka lang, Marianne. ’Wag kang mangingielam.” He warned her.
“K-kuya.. anong.. bakit..?” mangha niyang tanong sa kapatid.
“Dahil makukulong ako, Marianne! Masisira rin ang buhay ko—kaya uunahan ko na!” matiim at galit nitong salita.
“Bakit nga?! Ano bang nangyari?” naguguluhan niyang tanong sa kapatid. Dahil hindi naman niya nakitaan ng pagkakaiba ang kapatid nitong nakaraang araw. He was just consistent of ignoring her all the time. At ang magsarili. Ni hindi na nga siya humihingi kahit pang-grocery nila gayong dadalawa na nga lang sila sa bahay ay hirap pang makapaglabas ng pagkain.
Sa trabaho ba? Sa babae? Iniwan na ba siya ng babaeng nakilala niya online?
Napaigtad si Marianne nang biglang sumigaw si Stefan at hinagis ang kutsilyo sa dingding. Agad niya iyong tinakbo at tinapon sa basurahan. That time, she was so afraid na makuha ulit iyon ng kapatid niya. She even looked around kung may mga patalim pang maaari nitong hablutin at itutok sa sarili.
Kaba, tensyon at takot ang naramdaman niya. Her brother tried to kill himself!
Yumuko sa lamesa si Stefan at sinabutan ang sarili. Yumuyogyog ang mga balikat dahil sa pag-iyak. Nakasuot pa rin ito ng itim na slacks at asul na longsleeves, pero lukot na lukot na ang damit at nakalaylay na ang hem nito.
Ito ang unang beses na makita ni Marianne ang kapatid na tila natalo, depressed. He was mostly stressed pero kapag nag-uuwi ng babae sa bahay ay malaki naman ang ngisi sa labi.
But at this time.. ibang Stefan ang nakikita niya. Marahan na hakbang ang ginawa niya at lumapit sa kapatid. Naniniwala siyang masyadong pagod sa trabaho ang kapatid kaya ganito ang naabutan niya. Idagdag pa ang paghingi ng pera ni Belen. “Kuya..” tawag niya rito sa tonong matagal na niyang hindi ginagamit. Iyon ang tono kapag nasaktan siya o nasugatan at magsusumbong sa kapatid.
Umiling si Stefan. Hilam sa luha ang mga mata nang mag-angat ng tingin sa kanya.
“Nakadispalko ako ng pera sa kumpanya.” He blurted out.
Shock was understatement for Marianne. She was more confused than shocked.
“Nagastos ko at naubos ang perang pampasweldo sana sa mga trabahador sa construction..”
Hindi agad nakagalaw si Marianne nang hawakan siya sa magkabilang balikat ni Stefan. At 19, she still admire her older brother. Gwapo ito at kamukha ng ama nila. She admire him for being good at academics. She admire him for having no problems at school. Pero tulad din ng bilin ng ama nila.. “Gamitin ninyo ang talino sa mabuting bagay. Huwag kayong tumulad sa mga taong ginagamit ang talino para makapanglamang. Iyon ay lason na mga anak.”
And her admiration slowly crushes when her brother finished his studies and almost forgot about her existence. Nag-solo ito. Na hindi na niya ininda dahil nag-working student siya. But this time.. ito na ba ang ibig sabihin ng ama nila? And greed is a sin.
“Tulungan mo ko, Marianne. Please.. ayokong makulong!”
Marianned gasped. Pinrme niya ang mga mata sa kapatid na namumula ang mukha. “Bakit, Kuya? Saan mo ginamit ang pera?”
“Tumaya ako! Nag-casino ako sa pag-asang dodoble ang perang dala ko! Ikaw ang naisip ko kaya ako nagsugal!”
“Ako?” mangha niyang tanong. At bakit siya gayong sa pagkain nga lang ay nakasinghal na ito sa kanya.
“Itong bahay! Balak kong ipa-renovate ang bahay para makauwi ang Lolo at Lola rito. Hindi naman sila pwedeng mangatulong habangbuhay, ’di ba? Darating ang araw na paaalisin din sila ng mga Salvaterra at papalitan ng mas bata. At ikaw. Hindi mo naranasang magkaroon ng party noong debut mo. I just thought.. I-i could give you a proper debut even if it’s late. I still wanted you to have.. a decent celebration.” Nanghina ito sa huling sinabi.
Tinitigang mabuti ni Marianne si Stefan. Ni hindi nakagaan sa loob niya ang balak ng kapatid. Sa isip niya ay hindi nito dapat ginalaw ang perang hindi kanya.
“Hindi mo dapat ginawa ’yon, Kuya. Sugal ’yon. Ni wala kang assurance kung mananalo ka ro’n at higit sa lahat hindi sa ’yo ang pera. You should’nt—”
“Oo na! Sige na! Kasalanan ko na! Ano masaya ka na? Bumagsak na ko!”
Napaawang ang labi niya. “Ano bang—”
“I just want you to help me! Para mapalitan ko ang perang nawala. Dahil kapag hindi ko ’yon naibalik—ipapakulong ako ng boss ko! Makukulong ako, Marianne!”
Gumapang ang kilabot at panlalamig sa mukha ng dalaga. Ang kapatid niya sa likod ng rehas.. napapikit siya at nanlumo.
“M-magkano ang perang nadispalko mo?” nanghihina niyang tanong.
“Halos kalahating milyon.”
Mabilis na nag-angat ng tingin si Marianne sa kapatid. “Kulang kalahating milyon?! Saan ako huhugot ng gan’yang pera, Kuya?!”
Muling sumabunot sa buhok si Stefan dahil sa reaksyon ng kapatid. “Ewan ko, malay ko! Wala na rin akong mautangan! Pero ayokong makulong, Marianne! Masisira ang pangalan ko at hindi na ako makakahanap ng ibang trabaho!” bumakas ang takot sa mukha ni Stefan. Pandidiri at disgusto ang nasa isip.
Tumayo si Marianne at nanginginig ang mga kamay na nagsalin ng tubig mula sa pitsel. Sinundan siya ng tingin ni Stefan at umaasang matutulungan siya ng bunsong kapatid.
“Marianne please..”
Padabog na binaba ni Marianne ang baso na siyang kinatalsik ng laman sa mesa. Napaigtad ng kaunti si Stefan sa pagdadabog ng kapatid.
Tinalikuran ni Marianne ang kapatid at hinablot ang bag sa upuan. Narinig pa niya ang pasigaw na tawag ni Stefan sa kanya pero ni hindi siya lumingon at nagtuloy-tuloy hanggang sa makalabas ng bahay.
***
“Kalahating milyon?! Aba, hija.. walang nagbabayad ng gan’yan sa isang gabi lang. Malibang mag-magic ka at gawin mong araw-araw kang birhen at masikip para makaipon ka ng gan’yang pera,” nakakalokong tawa ang ginawa ng matabang ginang na tinatawag na Mamay at nanigarilyo.
Marianne thought about it multiple times bago tumuloy sa hideout nina Rochel. Ni hindi niya sinabi kay Wilma ang balak niya. It was an abrupt decision that made her call Rochel at pinapunta siya sa address na binigay nito.
It’s a bungalow house. May bakod at mababang gate sa labas. Ang pabilog na mesa at apat na upuan at gawa sa bakal na may pinturang puti. Tulad ng mga nakikita niya sa mga lumang pelikula. Ang sahig ay gawa sa tiles bagaman black at white lang ang kulay. Ang sofa ay kulay beige at may throw pillows ding velvet brown.
Katamtaman ang haba ng mga kurtina. May divider para sa kusina at sala pero natatanaw niya ang kusina kung saan siya nakaupo. At naroon ang dalawang lalaking kapwa busy sa pagta-type sa laptop.
May ilang babaeng nagbabaraha ang naroon. Pero tantya niyang nasa 20s pa ang mga edad kahit nagkakapalan ang mga makeup sa mukha. Iyong isa ay napansin pa niyang hindi na pumantay ang kulay sa pisngi at leeg.
Binaba ni Rochel ang isang baso ng orange juice sa harapan niya. Pero hindi niya iyon magawang hawakan at tila wala siyang panlasa sa bilis ng takbo ng puso niya.
“Bakit ang sabi ni Wilma ay maganda naman daw ang trabaho ng Kuya mo?”
Napatingin si Marianne kay Rochel. Nagkamali ba siya ng pagkakakilala rito? Dahil ngayong nagkausap sila ay magaan itong magsalita. Soft spoken. At may sinserong tingin sa kanya.
Tumikhim si Marianne at lumunok. Nagdalawang-isip kung dapat bang sabihin pa niya ang totoong dahilan ng pagparito niya. But she choses not to.
“I-ipangpapagawa namin sa bahay ang pera. Kulang pa kasi ang naipon ng Kuya ko para roon. Gusto na kasi naming pauwiin sina Lolo’t Lola.” at pumasok sa isip niya ang dinahilan din ni Stefan sa pagkakadispalko nito sa pera ng kumpanyang pinagpasukan.
“Eh kaswerte naman ’yang matatanda ah. Sana naging apo rin kita, hija.” Komento ng ginang at saka pinasadahan ng tingin sa katawan si Marianne. “Infairness, maganda ka, makinis, maliit ang mukha mo at mapula na ang labi kahit walang lipstick o kahit anong kolorete. Pero kapag inayusan ka pa, maraming kukuha ng serbisyo mo.” she assessed her young body.
Tinitigan ni Rochel si Marianne at tipid na ngumiti. “Sigurado ka na ba rito? Kapag naka-post ka na sa Locanto at may kumuha sa ’yo, wala nang atrasan, Marianne..”
Marianne believed it was a warning.
“Ang mahalaga naman eh hindi na siya minor,” sabay hithit sa stick ng sigarilyo ng ginang.
Napalunok si Marianne. Kung hindi niya kailangan ay hindi niya iyon gagawin. “M-makakakuha ba ako ng malaking kita?”
Rochel sighed. Nagdekuatro at sumandal sa upuan. “Maaari. Pero subukan mong palakihin ang rate mo, tutal virgin ka pa. At kung nagkataong milyonaryo ang naka-chamba sa ’yo, swerte mo.”
Tinitigan ni Marianne ang babae. She thought na matagal na sa secret service si Rochel, pero nananatili pa rin itong maganda at sexy.
“M-mga.. mga anong klaseng lalaki ba ang kumukuha sa serbisyo niyo?” She tried not to offend her. At least.
“Hmm.. nasa edad 40s, 50s o hindi kaya mga matatandang lalaking kapag nilabasan ay malalagutan na ng hininga. Meron din namang mas bata pero bihira ’yon. Kadalasan mga may asawang kumakaliwa at naghahanap ng mas batang makaka-s*x. And mind you, mas type nila ang mga college student. Iyong tipong, paaaralin at pwedeng ibahay.” She winked at her.
“Binabahay..?”
Rochel nodded. “Pang matagalang ligaya.”
“I-ikaw ba.. nakahanap na ng gano’n?”
Ngumisi si Rochel at ininuman ang baso niya. “Hindi ko na mabilang ang mga nag-alok sa akin n’yan. Sinubukan ko isang beses. Walang sabit ’yong lalaki kaya pumayag ako. Kaya lang hindi ko kaya ang pagka-possessive niya sa akin. Binibigyan nga ako ng pera, may sariling bahay at binabayaran ang tuition fee ko pero para na akong preso niya. Lahat na lang pinagseselosan. Kaya dinispatsa ko.”
Namilog ang mga mata niya. “Dinispatsa?”
Malakas na tumawa si Rochel sa naging reaksyon ng dalagang si Marianne. She’s very innocent. Pero sa edad na 19 ay namangha pa siyang walang karanasan ang babaeng ito. Not unlike her, she gave up her virginity at the age of 16.
“Hiniwalayan, iniwan gano’n. Hindi kasi ako submissive type, Marianne. Kung may pera, papatulan ko. Pero kapag kinontrol ako, iiwan ko. Gano’n lang.”
Ilang sandali lang ay tinawag na si Marianne ni Mamay. Ilalagay na raw nila sa website ang kaunting information niya para makakuha ng kliyente.
Fresh. Virgin. Young. Iyon ang mga naka-highlight sa profile na siyang nagpatayo sa balahibo niya.
“Tatawagan na lang kita kapag may nagpa-book na sa ’yo, hija.”
“H-hindi pa po ngayon?”
Nagkatinginan sina Mamay at Rochel sa naging reaksyon niya.
“Rush ba ’yang renovation niyo?”
Napayuko sa hiya si Marianne. Parang lumalabas pang nagmamadali siyang magkapera. Pero iyon naman ang totoo! She really needs the money at kung hindi ay makukulong ang kapatid niya.
“Anyway, meron pa namang ibang paraan para makakuha ng kliyente,” si Rochel na nakangisi kay Marianne.
Agad na nag-angat ng tingin dito ang dalaga. “Paano?”
Naglabas ng maiksing maong shorts at puting tube blouse si Rochel mula sa paper bag na nasa ibabaw ng lamesita. Nilingon si Marianne at ngumiti. “Maglalako tayo.” sagot nito.
Nilingon ni Marianne ang ginang at naghanap pa ng sagot pero nagkibit-balikat lang ito bago pumunta sa kusina. Natulos siya sa kinauupuan nang bigla nitong hinalikan sa labi ang isa sa mga lalaking naroon.