ALLYNA'S ***POINT OF VIEW***
Nasa school ako ngayon dahil patapos na ang pangalawang taon ko sa college. 2 years from now gagraduate na rin ako at maghibiwalay na kami ni chase. Malapit na pala birthday ko maalala kaya niya na birthday ko next week.
Noong nakaraang taon hindi ko maramdaman na dumaan ang pasko at bagong taon. Paano ko mararamdaman magisa lang ako sa bahay at walang kasama. Nakalimutan na nga rin ata ako ng mga magulang ko. Maski mga magulang niya pinadalhan lang ako ng mga regalo. Si chase ewan ko kong nasan. Ang lungkot ng buhay ko nang ikasal ako kay chase halos kakatapos lang ng school end at bakasyon.
Hindi ko nasulit ang bakasyon na meron ako. Plano ko sanang magtrabaho sa labas kahit mayaman kami hindi ko balak na gastusin lang ang mga binibigay sakin nila mama. Iniipon ko ang mga perang binibigay nila sakin. I decide to open a account at doon ko nilalagay lahat ng perang binibigay nila sakin.
Gagamitin ko yon once na kailanganin ko sa ngayon hindi pa siguro ito ang oras at panahon para gamitin ko ang perang yun..
***Bzzt. bzzzzt.bzzzt.*** nagvibrate ang phone ko at tinignan kong sinong tumatawag.
***kuya lance calling***
"Hello napatawag ka kuya lance"
"Stop calling me kuya mas gusto ko kung tatawagin mo akong lance" sabi niya.
"Pero-..." he stop me.
"No ayaw kong tinatawag mo akong kuya kaha from now on dapat masanay ka nang lance ang itatawag mo sakin at hindi kuya " sabi niya.
"okay if thats what you want" hindi na ako nakipagtalo dahil ipipilit din naman niya.
"Are you free mag dinner tayo mamaya " aya niya sakin.
"Hmmn. wala naman akong gagawin mamaya kaya siguro okay lang total wala naman na akong gagawin nagawa ko na ang mga requirements ko at bakasyon narin naman " sabi ko.
"Okay hintayin mo ako mamaya sa harap ng gate"
"Cge ok papatayin ko na nandito na mga kaibigan ko baka kung ano nanamang isipin nila " sabay tawa ko sa huli.
"Okay okay bye see you later" kaya pinatay ko narin ang tawag.
Ang lalaki ng ngiti ng mga kaibigan ko. Alam ko na ang nga galawan nilang yan.
"Bes sinong kausap mo?" tanong nilang tatlo.
"ahhh si lance yun magdidinner daw kami"
"Huh?? bakit kayo magdidinner?? "sabi ni maxene.
"I smell something fishy" makahulugang tingin ni lauren.
"Hayyyy ano ba kayong dalawa magkaibigan lang sulang dalawa ni kuya lance kayo kung makapagisip kayo kakaiba" pagiiba ni shayne.
"ehh bakit lance na ngayon ang tawag mo sakanya diba dati naman kuya lance ang tawag mo ?" hindi ka talaga makakalusot kay maxene.
"Ahhh yun ba pinakiusapan lang niya ako na lance nalang daw at tanggalin ko na ang kuya" nakayukong sabi ko.
"Pero friend diba mali ang gagawin niyo dahil bestfriend siya ng asawa mo " sabi ni lauren.
"Paanong may mali doon wala naman silang ginagawang masama at tsaka bakit ba kayo nagtatanong ng ganyan wala ba kayong tiwala sa kaibigan natin??" bakik tanong bi shayne sa dalawa.
"Hindi naman sa ganun siyempre ang pangit tingnan " -maxene
"Alam niyo hindi pa ito ang tamang panahon malalaman niyo rin sa ngayon hayaan niyo muna silang magasawa suportahan nalang natin ang kaibigan natin" sabi ni shayne.
"Were sorry ally hayaan mo kapag may problema ka nandito lang kami makikinig kami " sabi ng dalawa.
"Salamat sa inyong tatlo" sabi ko.
Uwian na at nandito na ako sa gate ng paaralan at hinihintay si lance. Hindi din naman nagtagal at may pumarada ng isang itim na sasakyan at bumaba ang tinted nitong salamin.
"Tara na ally" bumaba ito at pinagbuksan ako ng pinto.
"S-..salamat kuya lance" sabi ko. Buti pa siya ganito samantalang si chase kahit kailan hindi niya ginawa sakin ito.
"Ally i said stop calling me kuya .. Kay chase nga tinanggal mo ang kuya tapos sakin may kuya parin" sabi nito.
"Ehh asawa ko yun alangan namang kuya parin diba??"
"Ayy oo nga pala hahaha" napatawa nalang ito.
"San nga pala tayo kakain" sabi ko.
"Ipapasyal kita sa mga turo-turo na alam ko tapos kakain tayi ng street food alam kong namimiss mo na ang mga yun.
"Huh? talaga ba lance thank you namiss ko na nga ang kumain sa turo turo at kumain ng mga street food" masaya kong sabi habang nakatingin sakanya.
"Alam mo ally abg ganda mong tignan kapag totoong ngiti ang lumalabas sa mga labi mo. Ramdam kong sinasaktan ka physical at emotional ni chase pero bakit tinitiis mo?" sabi niya.
Napaiwas ako ng tingin sakanya at tinutok ang tingin sa labas.
"Im sorry ally naoffend ba kita?" sabi niya kaya nilingon ko siya.
"Siguro kaya ko natitiis dahil mahal ko siya" sabi ko sa mababang boses.
"Pero paano kung bumalik si avony paano kana.. Mananatili ka parin ba sakanya?"
"Hindi ko alam lance hindi ko alam.. siguro as long as na hindi pa niya ako hinihiwalayan panghahawakan ko muna ang karapatan ko bilang asawa niya kahit sa papel lang " sabay ngiti ko ng mapakla.
Hindi na siya sumagot at tumingin nalang sa harap. Nakita ko kung paano niya hawakan ng mahigpit ang manibela. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman at makita na may gusto siya sakin.
Sa totoo lang lahat na kay lance na ngunit ang puso ko iisang lalaki lang ang nakikita at tinitibok nito. Tanga na kung tanga pero anong magagawa ko siya talaga eh.
Hindi ko namalayang nandito na pala kami.
"Ally were here sobrang lalim kasi ng iniisip mo kaya hindi mo na napapansin ang nasa paligid mo" sabi nito.
"Ahhh pasensya na mukhang napalalim nga ata talaga ang iniisip ko" nahihiya kong sabi. Bumaba na kami at pumunta sa unang karenderyang nakita namin.
Umorder kami ng giniling, dinuguan, pakbet, sinigang na baboy at sinigang na isda. Tapos nagorder kami ng 4 na order nang kanin.
Nang maihain na lahat takam na takam ako ngayon nalang ulit ako nakapunta sa ganitong kainan. Hindi ko na maalala kung kailan ang hulinh kain ko sa mga ganitong kainan. Kahit mayaman kami kumakain parin ako sa ganitong klaseng kainan.
"Hmmmn. ang sarap talaga ng nga ulam na niluluto nila dito mas gugustuhin ko pa ang ganito kesa sa mga mamahaling reataurant " sabay pikit ko ulit dahil ramdam ko ang saya ko ngayon.
"Ngayon nalang ulit kita nakitang masaya ally" sabi niya sakin sabay punas sa bandang gilid ng labi ko. Napatitig lang ako sakanya.
"Baka matunaw ako sa tingin mo ally" sabay ngiti niya ng nakakaloko.
Napaubo ako sa sinabi niya kaya bigla niyang inabot sakin ang tubig at mabilis ko tong ininom.
"Okay ka na ba??" nagaalalang tanong niya.
"ahm. ahm. oo okay na "
"Sige bilisan mo nang ubusin yan at doon naman tayo sa mga nagtitinda ng street food" napatingin ako sakanya at napangiti.
"Cge cge" binilisan ko na nga ang pagkain. Paano tapos na siyang kumain ewan ko ba dito bakit ang bilis kumain.
Nagbayad na kami sa counter pagtapos naming kumain. Habang naglalakad kami nagtanong siya.
"Ally alam ko ang usapan niyo ni chase about sa divorce niyo 2 years from now" sabi nito habang diretcho ang tingin sa dinadaanan namin.
" Ahh yun ba .. Wala naman akong magagawa kung yun ang gusto niya diba first of all arrange marriage lang ang nangyari sa kasal namin at hindi niya ako mahal" sabi ko.
"Ally sabihin mo lang sakin kung hindi muna kaya itatakas kita marami ka ng sakit at hirap na tiniis para lang sakanya" huminto ito at humarap sakin. "Gagawin ko ang lahat maprotektahan ka lang " sabay hila niya at yakap sakin.
"Salamat sa pagaalala pero kaya ko pa naman eh hindi ako susuko. kakayanin ko lahat pero kapag hindi na talaga kaya ako na ang mismong susuko" sabay alis ko sa pagkakayakap niya.
"Tara na gumagabi narin gusto ko ng kumain ng kwek kwek tapos punta tayo doon sa nagbabarbeque " sabay hila ko sakanya.
Natapos ang kami sa pagtikim sa mga nakikita naming food stand kaya napagpasyahan na naming umuwi. Ihahatid niya ako sa bahay namin ni chase. Habang papalapit kami kinakabahan ako para bang may hindi magandang mangyayari. Isinawalang bahala ko ang nararamdaman ko.
Ngunit hindi pa man kami nakakalapit sa gate ng bahay ay meron na akong nakitang pigura ng tao na nakatingin sa sasakyang sinsakyan namin. Nang makalapit kami at huminto sa tapat ganun na lang ang pagkabigla ko ng si chase ito at masama ang tingin saming dalawa.