CHAPTER 6

1873 Words
ALLYNA'S ***POINT OF VIEW*** Pinagpatuloy ko ang pagaaral ko kahit na may asawa ako. 2nd year college na ako at bussiness administration ang kinuha ko. Isang taon narin ang nakakalipas simula ng akoy maging isang sandoval. Hanggang ngayon maski sa school walang nakakaalam na kasal ako sa isang sandoval. Yan ang isa sa mga kasunduan namin ni chase nong nagpaalam akong magaaral ako ulit. "Ano magaaral ka ulit !!" sabi niya "Gusto kong makapagtapos chase" "At ano para magawa mo lahat ng gusto mo!! " "Pagaaral ang gagawin ko at hindi gaya ng iniisip mo!!" "So ngayon sumasagot sagot kana sakin huh!! anong pinagmamalaki mo ahh MERON ba !!" "Wala kaya pumayag kana " "Papayag ako pero wag na wag mong sasabihin kahit kanino na kasal ka sakin!! Pagtapos ng 3 taon lets get divorce " "WHAT!!" Nabigla ako sa sinabi niya. "Are you deaf !! sabi ko after 3 years pipirmahan mo ang divorce papers at si avony ang papakasalan at ihaharap ko sa altar " "So may dalawang taon pa tayong magsasama .. Alam mo kahit minsan ba may naramdaman ka rin ba sakin?" tanong ko sakanya. "IN YOUR DREAMS !! KAHIT KAILAN HINDI KITA MAMAHALIN AT KAHIT KAILAN HINDI KO NAISIP NA IKAW ANG MAGIGING ASAWA KO!!" "So tapos na ang usapan babalik ako sa pagaaral ko at sana hindi mo pagsisihan lahat ng ito" sabi ko habang papaalis na. "No i will never regret kung ang mawala ka ang paraan para bumalik sakin si avony " sabi nito na lalong ikinabagsak ng balikat ko. Ang sakit sakit na sakanya mismo nanggaling ang mga salitang iyon. Ako ba ang may gusto ng kasal na ito alam ko namang kasal lamang kami sa papel pero mahal ko siya eh. Ngayon ang paguusap namin umabot nanaman sa bangayan na ako din naman ang nasasaktan. Nag enroll na ako kaya hindi na ako nakapagpaalam pa sakanya. Kasama ko naman mga kaibigan ko eh kaya kampante naman ako. ---------- ***AT SCHOOL*** Naglalakad ako papasok kasi naman hindi ako hinintay ng mga kaibigan ko first day ko ngayon humabol lang ako ngayon total isang buwan lang naman. Kahit papaano matalino ako at kaya kong maghabol. Bago ako pumasok kanina nagaway nanaman kami hindi na nga ako nakakatikim ngayon sakanya pero mas masakit yong naririnig kong bawat salita galing sakanya. Ang hirap lang mas gusto ko pang masaktan ang katawan ko kesa naman sa ganitong pinapakita at pinaparamdam niya sakin. Lakad takbo na ang ginagawa ko ngayon kasi naman kung bakit natanghali ako ng gising. Napuyat lang naman ako dahil doon sa babae ng magaling kong asawa. Ginagawa akong katulong hindi naman ako katulong. Kung pwede ko nga lang sanang ipangalandakan na ako ang ASAWA hindi naman PWEDE !! Kahiya-hiya ba talaga ako at ganun na lang kung itanggi na asawa niya ako. ***FLASHBACK*** Ilang araw nang hindi umuuwi ang magaling kong asawa hindi ko alam kong sang lupalop nanaman ito nagpunta. Nasanay narin naman ako na ganun ang set-up naming dalawa ngunit pinipiga at pinupunit ang puso ko kapag umuuwi siya. Lagi siyang naguuwi ng babae at iba iba ang mga ito tuwing umuuwi din siya. At lagi akong nasasaktan dahil ilang beses din niya akong pinapakilala bilang katulong. Nagkukulong ako sa kwarto kapag nandito na sila at tsaka lang lalabas kapag uutusan. Ang masakit sa lahat nagtatalik sila kung saan sila abutan ng kanilang mga pagnanasa. Ipinapamukha talaga niya sakin na ayaw niya sakin. Bawat halinghing at ungol nila parang sinasaksak ng paulit ulit ang puso ko. Hindi man niya ako saktan ngunit hinahayaan niyang mga babae niya ang magpahirap sakin. Hindi man lang niya ako tapunan nang tingin o di kaya ipagtanggol man lang. Dadaanan lamang niya ako kapag sinasaktan ako ng mga babae niya. Wala lang sakanya kahit pahirapan at saktan ako yun naman kasi talaga ang gusto niya ng maging impyerno ang buhay ko. Ngayon kakauwi niya lang at may dala nanaman siya. She's wearing a red dress na may slit sa gilid kulang nalang masilipan siya dahil sa taas nito. Tapos kulang nalang lumabas ang dibdib niya. Pero nakakatawa ang itsura kung anong ikinaganda ng mukha yun naman ang kinakapal ng make up nito. Nagmukha tuloy siyang espasol. Napatawa ako bigla kaya nilapitan ako nito at sinampal. "HOW DARE YOU!! " Inis na sabi nito "B-..bakit ??" kunyaring tanong ko. "Tinatanong mo pa talaga pinagtatawanan mo ba ako?? " "Bakit naman kita pagtatawanan ehh may naalala lang ako kaya nagawa kong tumawa " sagot ko saknya . "Aba sumasagot ka pa talaga!! " sabay sampal naman niya sa kabila kong pisngi. Napahawak na ako sa sobrang sakit ng dalawa kong pisngi. Parang kasing kapal ng hallow blocks ang mga kamay niya sa sobrang lakad ng sampal niya sakin. "Babe sino ba itong HAMPAS LUPANG ITO!! " Tanong niya kay chase. "She's just a .. a... m-...maid " sabi nito na hindi makatingin sakin. Pangilan na nga ba to. Hindi ko na alam kong ilan na nga ba ito sa mga babaeng inuwi niya at pinakilala akong katulong. "Look at kung tawanan mo ko parang ikaw ang may ari ng bahay na ito. Look your just a maid kaya dapat marunong kang lumagay!! " sabay dangi niya sakin kaya natumba ako at tumama ang likod ko sa grills ng hagdan. Tuluyan na silang umakyat at pumunta ng kwarto ni chase kung kanina pinakilala niya akong katulong ngayon rinig na rinig mo ang mga ungol nila sa kwarto. Kahit nasasaktan ako ng sobra binabalewala ko nalang dahil alam ko namang wala rin akong magagawa kong sakali mang ipagtanggol ko ang sarili ko at ipangalandakan na asawa niya ako. Dahil sa huli ako din ang talo. Paglabas nila ng kwarto ay inutusan ako ng inutusan ng babaeng espasol ang pagmumukha. Kala mo kung sino ala una na pero ayaw akong patulugin kapag papasok na ako sa kwarto bigla nalamang itong sisigaw at uutusan ako. Buti nalang at umakyat na sila ng kwarto at talagang sobrang sakit na ng katawan ko. Hindi kuna namalayang nakatulog na pala ako sa sobrang pagod. ***End of Flashback*** ------------ Yan ang dahilan kung bakit ako ngayon malalate kaya tumatakbo na ako. Sa sobrang pagmamadali ko may nabunggo ako. Hindi na ako nag atubiling tignan at pinulot ko ang mga nalaglag kong mga gamit. Habang pinupulot ko ang mga nalaglag kong gamit ay tinulungan ako ng nabunggo ko. Kaya tinignan ko ito para sana humingi ng pasensya at magpasalamat sa pagtulong sakin sa pagpupulot ng mga nagkalat kong gamit. Pareho kaming nagulat at napatigil sa pagpulot ng mga gamit ko. "K-..kuya lance ikaw po pala .. Sorry po nagmamadali po kasi ako at malalate na ako" Hinging paumanhin ko at pinagpatuloy na ang pagkuha sa mga gamit ko. "Dito kaba magaaral ?? " Tanong niya. "Ikaw talaga kuya lance siyempre oo naman .. Wala naman siguro ako dito ngayon kung hindi diba ?? " " Ahhh ehhh oo nga no! .. Pasensya na rin nawala sa isip ko" Napakamot nalamang ito sa ulo. "Sige na po kuya lance mauuna muna ako at talagang malalate n ako " paalam ko. "Sige ally next time yayayain kita para naman makapagbonding tayo " sabi niya. "Sige po kuya lance salamat" at tumakbo na ako. Pagpasok ko buti nalang at nauna ako ng 2 minuto sa prof. namin. Nakita ko din ang mga kaibigan ko at nakayuko ang mga ito. Wala eh alam nilang may kasalanan ang mga ito sakin kaya ganyan ang mga yan. Sinulyapan nalamang nila ako at nag peace sign sila. Tumango nalang ako pero nagpapahiwatig ang mga mata ko sakanila. Kaya napatango narin sila. Natapos ang kalahating araw at lunch break na namin kaya nagkayayaan kami na kumain sa canteen. Total may kasalanan sila sakin kaya libre ako ngayon sa lunch ko. "Bes sorry ahh kung hindi ka namin nadaan kanina sa bahay niyo " sabi ni shayne. "Ok na yun atleast malilibre ako ngayon sa lunch " "Wow bes naghihirap kana ba at ganyan ka magsalita ?? " "Hindi naman bes pero siyempre alam mo namang ayaw kong gumagastos ng pera na hindi naman sakin" "Alam ko bes yon nga ang gusto ko sayo eh ayaw mong gumastos nang gumastos kapag alam mong hindi mo pinaghirapan ang perang hindi sayo" sabay hawak niya sa kamay ko. "Thank you bes at lagi kayong nandiyan para sakin lalo kana nahihiya ako sayo" sa totoo lang si shayne ang close ko sakanilang tatlo sabay kaming lumaki at kilala na namin ang isat isa. At siya lang din ang nasasabihan ko sa lahat at kung anong nangyayari sakin sa loob ng bahay ni chase. "Wala yun ano kaba ano pa at bestfriend tayong dalawa diba? Wag kang magalala nandito ako susuportahan kita sa kahit na ano mang desisyong gawin mo pero kung hindi muna kaya wag kang mahihiyang sabihin sakin tutulungan kita " ang swerte ko talaga sakanya bilang bestfriend ko tinuring ko na siya bilang isang kapatid at ganun din siya sakin. "Kailan mo balak sabihin sa dalawa ang sitwasyon mo??" sabi niya sakin. Hindi naman sa ayaw kong sabihin sa dalawa ngunit ayaw kong pati sila problemahin ang sitwasyon ko. Hihintayin ko ang tamang panahon para masabi ko sakanila. Sa lalim ng iniisip ko hindi kuna namalayang nakabili na pla sila ng pagkain namin. "ahmmmmn. Mukhang seryoso ata ang pinaguusapan niyo wanna share?? " pataas taas pa ang kilay ni lauren habang sinasabi niya ito. "Oo nga if you dont mind?? " sabi naman ni maxene. "Naku kayo talagang dalawa kung ano anong napapansin niyo kumain na nga lang tayo" iwas ni shayne sa usapan para naman hindi makahalata ang dalawa. Natapos kaming maglunch at pumunta na sa sari-sarili naming klase. Natapos ang maghapon na puro special quiz at kung ano ano pa. Buti nalang at nagaadvance reading ako kaya alam ko ang mga sagot sa quiz namin. Sobrang pagod ko sa maghapon naming klase kaya napagpasyahan na naming umuwi at ng makapagpahinga na kami. Si shayne ang maghahatid samin dahil saming tatlo siya lang ang marunong magmaneho. Ako ang huling ihahatid ni shayne kaya nakapagusap kami sa sasakyan. "Ok ka lang ba bes??" tanong niya sakin. "As always "OO" lang naman ang sagot ko pero deep inside sobrang sakit bes" "Bakit hindi mo hiwalayan bes isang taon narin naman eh. Kesa ganyan na lagi kang nasasaktan " " Mahal ko eh hindi ko kaya .. Alam kong darating din ako sa punto na magsasawa ako at susuko pero sa ngayon susulitin ko muna ang panahon na makasama ko siya kahit hindi niya ako mapansin o pahalagahan basta nandiyan lang siya at makita ko ok na sakin.. Kahit sobrang sakit na tatanggapin ko at kapag hindi ko na kaya wag kang magalala ako din ang susuko gaya ng gusto niya " tumingin ako sa labas at doon ko tinuon ang tingin ko dahil kahit nong pigil ko hindi ko mapigilan ang sarili kong mapaiyak at isipin ang lahat ng nangyari sakin at umabot ako sa ganito. Mahirap maging TANGA lalo nat hindi makita ang halaga mo. Pero mas mahirap maging BULAG dahil kahit nandiyan na at nakikita mo na hindi ka mahal at kayang pahalagahan pero pinipilit mong maging BULAG para lamang IPAGLABAN ang pagmamahal na ikaw lamang ang LUMALABAN.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD