Color "What is this?" Iritable kong tanong sa editor ng kumapanya ko na sumadya pa talaga dito sa Peninsula Hotel para ipakita sakin ang mga palpak nyang draft ng article na kinakailangan naming ipublish bukas. "These.." Nakakunot akong nakatingin sa mga papel na hawak ko. "These are trash!" Hinagis ko ang mga papel at nagkalat sa sahig. "I thought you are better than that Mr. Cruz! Walang kasense sense yung sinulat mo!" "I'm sorry Chairwoman." Natatarantang sabi nito sabay dampot sa article nyang walang kwenta. "Aayusin ko po." "Dapat lang!" Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama. "Hindi kayo pinapasweldo ng kumpanya para bigyan nyo ko ng mga basurang nyong artikulo!" Naglakad ako papunta sa lamesa at nagsalin ng red wine. "Get out of my face!" "Opo!" Halos magkandarapa ang lalaki s