Averi Napabuntong hininga nalang ako nang marinig ang huni ng mga ibon at agos ng dagat. Umaga na pero kahit idlip hindi ko nagawa dahil sa sobrang dami ng bagay at tanong na tumatakbo sa utak ko. Hindi ko mapigilang sulyapan ang tulog na tulog na si Color sa aking tabi. Until now hindi ko parin maisip kung ano bang pumasok sa isip nya para puntahan ako dito at makitulog na parang super close kami? I don't like Color dahil sa pagkasuplada at antipatika nya pero hindi ako masamang tao para sipain sya palabas ng kwarto ko especially kung lasing na lasing sya. What if may mangyaring hindi maganda sa kanya? Edi kargo de kunsensya ko pa and beside si Color na ang nagsabi na no s*x just sleep. Heck, bakit naman ako makikipag s*x sa kanya? ano sya sinuswerte? Color Benitez is so unbelievabl