Chapter 12 Gareth Liu POV Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ni Jeisen at kung bakit siya nag bulontaryong kalabanin ang grupo nila Arenn. Alam ba niya kung gaano kadelikado ang larong ito? Seryoso pa rin itong nakatingin sa amin. Kung tutuusin wala sa itsura niya ang nagpupunta sa ganitong lugar. Ang ipinagtataka ko ay kung bakit hindi man lang ito pinipigilan ni Zoniega sa sinabi nito. Hindi ba siya nag alala? Kung narinig naman niya ang pustahan namin kanina na siya ang kapalit kapag natalo ang grupo namin. Eh bakit pa niya pinipilit ang sarili niya? Ganito na ba siya magpapansin sa mga lalaki? Mas lalo tuloy akong nainis. Kami na itong ipinagtatanggol siya. Ngayon mas gusto pa ata niyang mapunta sa grupo nina Arenn. Naikuyom ko nalang ang kamao ko sa isipang ganun nalan