"Adam, wag naman ganito... please... don't leave me."
Napailing-iling ako sa maliit na babaeng humarang sa daanan namin ni Adam. Papunta kami sa cafeteria nang sumulpot iyon.
As far as I could remember, ex siya ni Adam from last month. Gago kasi talaga si Adam, sa dami ng mga nagiging girlfriend niya sa loob ng isang taon, hindi ko na halos maalala ang mga histura nila.
"Excuse me, miss. Sino ka?" Bored na bored ang hitsura ng tsokolate niyang mga mata.
Gusto kong matawa, pero siniko ko na lang siya. Kawawa naman si ate girl at mukhang maluluha na.
Nanginig ang labi ng babae na para bang gusto ng maiyak.
"Anong sino ako? Adam! Girlfriend mo 'ko. We were together a few weeks ago! Hindi mo na agad ako kilala?"
Umiling-iling si Adam. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko saka ko hinila para lagpasan iyong babae, pero mapilit si ate girl; humarang nanaman siya sa amin.
"Adam! Please... Ano bang nagawa ko? May mali ba sa 'kin? I'll fix myself... just... don't leave me. Let's get back together... Masaya naman tayo diba?"
Napasinghap ako. Kumapit na lang ako sa strap ng bag ko at bored na tumingin sa kawalan. Kada-buwan na lang ata nakakasaksi ako ng scenario na may humahabol o nakikipagbalikan sa best friend ko.
Hindi na ako nagugulat; naaawa na lang ako minsan sa mga babaeng halos lumuhod na para balikan lang sila ni Adam.
"Look, whoever you are, I'm done with you. Wag mo na 'kong habulin dahil mas lalo lang kitang hindi babalikan."
Hinila ulit ako ni Adam pero parang matigas na bato ang babae na humarang pa rin sa amin.
Parang halimaw na tumitig sa akin si ate girl. Tipid lang akong ngumiti. Alam ko na kung saan patungo ito. Madalas inaaway talaga ko ng mga babae ni Adam, dahil palagi akong nakadikit sa kanya. Well, si Adam ang dapat nilang sisihin. Adam likes being around me, more than them. Kahit best friend lang ako, mas mahalaga ako; that was how Adam was making me feel at least.
"Dahil ba sa kanya ha?" Dinuro ako ng babae na para bang pinapalamon niya ako.
Tinaas ko ang dalawang kamay ko na parang sumu-surrender. Nakangisi lang ako, habang napailing-iling.
"Woaah!" Hinawi ni Adam ang daliri ng babae na nakaduro sa 'kin. "Don't point fingers at her. Hindi niya kasalanan kung bakit ang dali mong makalimutan."
Napapikit ako sa malakas na sampal na binigay ng babae sa magaling kong kaibigan.
Afterwards, sinilip ko si Adam. Nakahawak siya sa pisnge niyang medyo namula.
"Thank you." His reddish lips was smiling so wide. "I deserve that; I know. Ngayon nasampal mo na ako, baka pwede namang umalis ka na sa daanan namin."
Kinagat ni ate girl ang ibabang labi niya. Para bang may usok na gustong lumabas sa ilong niya nang muli niya akong tinignan.
"Whoever you are, sasaktan ka rin ng gagong lalakeng 'to!" Tinulak niya si Adam, bago siya tumalikod at naglakad palayo sa amin.
I was stunned with what she said. Parang pumana sa puso ko ang nakakatakot na possibility. Pakiramdam ko siya si Malificent na nagbitaw ng sumpa sa akin.
Finally, narating din namin ang cafeteria. We ordered a pizza because I was craving for it. Ang swerte ko rin talaga't galante si Adam, palagi akong nililibre.
"Seryoso ka bang hindi mo natatandaan iyong babae kanina?" I asked out of curiosity, bago ako kumagat sa pizza.
Tumawa siya habang naglalagay ng hot sauce sa pizza.
"Of course I remember her face; hindi ko lang talaga maalala ang pangalan niya."
Sinipa ko ang mahaba niyang biya sa ilalim ng mesa.
"Siraulo ka talaga. Kawawa iyong mga babae sa 'yo."
"Hindi ko kasalanan kung bakit gwapo ako, Kesha." Ngumiti siya sa pagitan ng pagnguya niya.
I rolled my eyes. "Bakit ba kasi jino-jowa mo kung wala ka naman pa lang planong seryosohin? You're such a jerk."
Napasinghap ako sa lakas ng appeal ng tawa niya. Sino nga ba namang hindi maaakit sa karismang taglay niya? Pati ako na kaibigan niya, minsan nakakalimutan kong no strings attached nga pala kami.
"A jerk? Kesh, pinagbibigyan ko lang sila. Dapat nga magpasalamat pa sila kasi kahit papaano nasubukan nilang maging boyfriend ang isang Adam Imperial. It's a privilege."
Binato ko sa kanya ang pineapple na galing sa pizza ko.
"Hey! Don't waste the pineapple! Ang sarap-sarap, sinasayang mo. O'well, ako nga lang pala ang masarap para sa 'yo."
"Shh..." Sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng mesa. "Ang ingay ng bibig mo."
Naaakit nanaman ako sa tawa niyang mapang-asar. I looked away.
"Why? You don't want anyone to hear the truth?"
"Too much information." I rolled my eyes. "Kung makapagsalita ka, gusto mo bang ipangalandakan ko rin na ako ang pinakamasarap na babae para sa 'yo?"
"Go on." He shrugged with his playful smile. "I won't stop you."
Pinanlisikan ko siya ng mga mata sa gigil.
"Whatever!" Binato ko ulit siya ng piraso ng pineapple bago ako kumagat sa pizza ko.
He laughed really hard na para bang clown ako sa harapan niya. Tinignan ko lang siya na parang iritang-irita ako kahit gandang-ganda nanaman ako sa tsokolate niyang mga mata at manghang-mangha sa perpekto niyang panga na lalong na-e-emphasize sa tuwing tumatawa siya. He was a perfectly built disaster.
Nang matapos kaming kumain, sinakbit ko na ang bag ko. Tinanguan ko siya bago ako bumalik sa classroom dahil malapit ng magsimula ang last class ko.
Habang naglalakad na ako papuntang room, someone stood beside me. Sinabayan niya ang bawat hakbang ko.
Binunggo ko ang braso ni Cassy nang makumpirmang siya ang sumabay sa 'kin.
"Where have you been? Kasama mo nanaman si Adam 'no," tanong niya habang naglalakad kami.
Tumango ako. Sinipa-sipa ko ang nadaanan kong bato habang nakakapit ang kamay ko sa strap ng shoulder bag ko.
"Be honest, Kesh. Wala ba talaga kayong relasyon ng lalakeng iyon." She stopped walking.
Pati tuloy ako napahinto at napatingin sa kanya.
I laughed sardonically. "Wala nga."
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Inabutan niya 'ko ng bubble gum.
"Thank you," ani ko bago nginuya-nguya ang bigay niya.
"Hindi ka ba natatakot?" Bigla niyang tanong.
"Natatakot?" Saktong kakapasok lang namin sa room. Umupo kami sa pinakalikod; I fixed my things on the chair. Inayos ko rin ang mini skirt ko bago ako umupo.
"You know what I mean, na baka mahulog ka kay Adam. He's a fuckboy, Kesh; a total fuckboy."
"Malinaw sa 'kin ang lugar ko, Cass. Sanay na ako sa set up namin. I won't fall." My heart already did.
She shrugged. "So hindi ka masasaktan kapag nalaman mong kaka-check in niya lang kaninang lunch sa isang motel?"
"What's new?" I hid my squirming heart behind my laughter.
Hindi na bago sa akin ang balitang may kasama o kahalikan siyang ibang babae. He was a total fuckboy, no one could deny that fact. Marami na siyang napaluhang babae, marami na siyang inuwi sa unit niya at na-check in sa motel.
"You guys are f*****g each other right?"
"Lower your voice." Siniko ko ang braso niya.
I looked around; abala rin naman sa tsismisan ang iba naming blockmates. Binalik ko ang tingin kay Cassy with a warning on my face that she should just be quiet.
She sighed. "You guys are f*****g each other," bulong niya. "Ayos lang talaga sa 'yo na may kinakama siyang iba?"
"Hmm..." I shrugged. "Cass, like I told you, sanay na ako sa ganoong set up. It's fine with me. No strings should be attached for the both of us kaya okay lang."
Minsan sinusubukan ko naman ang sarili na pigilan ang tukso ng katawan ni Adam sa akin, kaso ang hirap magpigil lalo na kapag kaharap ko na siya. His warm body and soft touch was irresistible. Para akong palaging na sa magandang panaginip sa tuwing kasalo ko siya sa kama, nagugulat na lang ang diwa ko kapag pareho na kaming nilabasan. Minsan sinasampal ng utak ko ang puso ko, dahil pumayag nanaman akong magsalo ang mga laman namin kahit parang pakiramdam ko delikado na.
Kinuha ni Cassy ang cellphone niya. May pinindot-pindot siya roon. She showed me her phone. My eyes widened when I saw a pic of Adam with a girl, papasok sila sa motel habang nakaakbay pa si Adam sa babae.
"You sure, hindi ka nasasaktan sa ganyan ni Adam?"
"Where did you get that?"
"Does it matter? Halos katapat lang ng school natin ang motel na iyan, so anyone could took a picture of Adam entering there. So... hindi ba masakit?"
Umikot-ikot ang puso ko sa loob ng dibdib ko nang muli akong mapatitig sa picture nina Adam at ng isang pamilyar na babae na rito rin nag-aaral.
"Absolutely not."
Sobrang sakit.
Hanggang sa dumating ang prof ay parang binabaluktot pa rin ang puso ko. Buti na lang ay last subject na namin, kaya naman pagkatapos ng klase; I immediately booked a grab so I could go home.
Our house was so quiet, as usual. Palaging wala si mama, dahil busy siya sa pagma-manage ng mga clubs niya sa BGC. Binagsak ko ang bag ko sa sofa, kasunod niyon ay ang katawan ko. Binuksan ko ang tv sa sala para kahit papaano'y may ingay naman akong marinig.
Gabi na nang umuwi si mama, napairap ako nang makitang ibang lalake nanaman ang kasama niya. Mula nang mamatay si papa, halos buwan-buwan iba't ibang lalake na ang inuuwi ng mama ko sa bahay namin. Nakakaumay kaya madalas mas gusto ko pang na sa labas na lang kaysa umuwi.
"Anak, magmano ka sa tito Rogelito mo."
"Iba nanaman--"
"Magmano ka na lang, anak."
Napabuga ako sa hangin. Nagmano ako sa lalake niya kahit pa nanggigigil ang kamay ko.
Mama smiled. "Iyan, anak ko iyan, Rogelito; si Kesha. Kesh, kumain ka na ba?"
Kinuha ko ang cellphone ko. I texted Adam.
To: Adam
Hey! Where are you? Tara club!
"Kesha, kumain ka na ba kako?"
Napatingin ako kay mama. "Opo."
Tumango siya, then she brought Rogelito upstairs to her room. I pointed my middle finger on their back.
Binagsak kong muli ang katawan ko sa sofa. Magmula ng mawala si papa dahil sa lung cancer, napabayaan na ako ng mama ko. Gabi-gabi siyang umuuwi, galing clubs. Madalas may kasama pa siyang lalake na isang gabi niya lang naman pakikisamahan. Nabubuhay na nga lang ako sa malaking allowance na binibigay niya. And thanks to Adam as well, palagi niya akong sinasamahan sa tuwing pakiramdam ko mag-isa na lang ako sa mundond 'to.
I checked my phone. I smiled seeing Adam's name on its screen.
From: Adam
G! I'll pick you up; on my way na.
Napatalon ako sa tuwa. Literal na one call away talaga ang tropa kong 'to. Kaya kahit minsan, nasasaktan na ako sa kanya; mas lamang pa rin naman ang kaligayahang dulot niya sa 'kin.
In-invite ko na rin si Cassy kasi for sure nandoon din sa club sina Rimuel. I wore a sexy midriff-baring red camisole top and a black high-waisted, fitted above the knee skirt.
"Woah!" Adam looked at me from head to toe, bago niya binuksan ang pinto sa shotgun seat.
"I look amazing; I know." Ngumisi ako, pati ang kahanginan niya na-a-adopt ko na.
Sinuot ko ang seatbelt sa baiwang ko, habang papasok pa lang siya sa driver's seat.
"Masyado mong ginalingan." He buckled his seatbelt. "Baka hindi nanaman ako makapagpigil sa 'yo niyan."
"Kailan ka ba nakapagpigil, Adam?" Mapang-akit kong hinimas ang braso niya.
Hinawi niya ang kamay ko. "Gago, wag dito. Baka sa langit ka makarating imbes na sa club." He laughed, before he started driving.
"Nag-uwi nanaman ng bagong lalake ang mama mo?" tanong niya sa kalagitnaan ng pagmamaneho niya.
"What do we expect." I shrugged.
"Iba talaga si tita; may asim pa."
"Literal na maasim." Dinaan ko na lang sa biro ang inis ko.
He laughed so hard. Ang sarap talagang magbiro sa kanya, dahil havey na havey lagi ako.
"Alam ko na kung kanino ka nagmana."
Tinadyakan ko ang binti niya.
"Woah! I'm driving." Patuloy siya sa pagtawa. May kakaiba talaga sa ngiti niya na minsan ay napapatulala na lang ako.
"Maasim." I whispered in irritation. "Kaya pala takam na takam ka palagi sa 'kin, kasi maasim ako." I sardonically said.
"Exactly!"
Tinadyakan ko ulit siya. "Ah gano'n, maasim ako ha?!"
Tumingin siya sa akin nang maabutan kami ng stoplight. His eyes were full of stars; his laughter was shining within my heart.
"I'm just kidding around."
Nanigas ako nang ilapit niya ang mukha niya sa leeg ko.
His warm breath towards my neck sent a tingling sensation all over my body. Nagtindigan ang mga balahibo ko sa init na taglay niya.
"Of all the ladies out there, yours is my favorite scent." He smirked, before driving again.
Tumingin ako sa bintana nang wala akong maisip na sagot sa kanya. The only thing that's on my mind was the way my heart was thumping my chest so hard. Bahagya kong tinapik ang dibdib ko. Stop it, heart.
Naabutan namin sina Rimuel na nasa loob na ng bar. Dalawang table ang kinuha nila; a standing table para libre ang mga paa naming magsasayaw.
"Kesha." Bumeso sa akin si Cassy na halos kadarating lang din.
"Kanina pa kayo?" She asked.
"Kadarating lang din namin ni Adam." I pointed Rimuel and Paulo. "Itong dalawang 'to mukhang kanina pa rito."
Nakipag-appear si Cass sa tatlong lalake.
"Where's Alexis and Kai?" tanong niya.
Siniko siya. "Cass, kay Alexis masanay ka na; for sure, hindi iyong pinayagan ni Ruby."
Sarkastiko kaming tumawa at napailing-iling ni Cassy.
"You got it right, Kesha." Inabutan kami ni Rimuel ng mga alak. "Si Kai naman, ayaw sumama. Priority pa rin daw ang studies."
"Sabihin mo nga sa kanya, pahawa ng kasipagan." Tumungga agad si Adam sa boteng inabot ni Rimuel.
Natuon ang mga mata ko sa Adam's apple ni Adam na ang sarap panuorin habang umiinom siya.
"Kesh, halata ka masyado," bulong ni Cass sa tainga ko.
I looked away. Napatingin ako kay Rimuel na maloko ng nakangiti sa akin. Pinanlisikan ko lang siya ng mga mata. Tumungga ako ng alak para basain ang natuyo kong lalamunan.
I looked around, habang sumasabay ang mga paa ko sa sigla ng kanta.
"Kesh, tignan mo iyong nakapula sa sulok," bulong sa 'kin ni Cassy. "Kanina pa patingin-tingin sa 'yo. Gwapo! Lapitan mo na."
Hinanap ng mga mata ko ang tinuturo ni Cassy. Ngumiti ang lalakeng nakapula nang mapatingin ako sa kanya. Gwapo nga, pero...
"Hindi iyon type ni Kesha," sumabat bigla si Adam na kanina lang ay busy sa pagmamatyag sa mga magandang babae.
"What's her type then?" Cassy crossed her arms.
"Adam Imperial. Gusto ni Kesha iyong mga ka-level ko, kaso rare lang kami eh." Inabutan niya ng shot glass si Cass. "Shot mo na."
Sinamaan ni Cassy ng tingin si Adam, bago niya tinanggap ang shot glass na inabot nito.
"Walang gayuma 'to ha?" Tinitigan ni Cass ang maliit na baso.
Adam laughed. "Kung manggagayuma ako, si Kesha ang biktima ko, hindi ikaw."
Mahina kong tinulak ang dibdib ni Adam. It was a wrong move, dahil may kumiliti sa buong katawan ko nang maramdaman muli ng palad ko ang tigas ng katawan niya.
"Nagayuma mo na nga ata siya," sambit ni Cassy bago siya tumungga.
"Hindi naman. Sa gwapo kong 'to? Hindi ko na kailangan ng gayuma. O' Kesh, shot mo na." Inabot sa 'kin ni Adam ang shot glass.
Nakaubos kami ng tatlong bote ng alak; si Paulo, tumigil na sa pag-shot at nag-ce-cellphone na lang sa sulok. Hindi niya pinapansin ang iba't ibang babae na bumubunggo sa kanya; that was a miracle, dahil may kapilyuhan ding taglay si Paulo kagaya ni Adam. Himala't hindi niya iyon nilalabas ngayon.
Si Rimuel at Adam naman ay kung saan-saan na napunta. They were drunk, pero si Adam mukhang hindi pa naman gaanong tinatamaan dahil malakas din siyang uminom.
Kung saan-saang table nakisalo ang dalawang mokong, habang pinapanuod lang namin ni Cassy ang pakikipagsiksikan nila sa mga lasing at wasted na girls.
"Iyan na, may lumapit ng maganda kay Adam." Siniko ako ni Trixie. Muntik na tuloy matapon ang alak na tinutungga ko.
Pinunasan ko ang bibig ko bago muling tinungo ng mga mata ko si Adam. My heart squirmed when I saw his arms hugging other woman's body. Hindi na iyon bago sa akin, pero bago ang kirot na naramdaman ko.
Tumungga siya sa isang shot glass, habang mapang-akit siyang nakatitig sa babae. Pinatungga niya si girl sa baso niya, then he placed the shot glass on the table. Nag-focus na ang mga kamay niya sa paghimas sa baiwang ng babae.
They were saying something, but I couldn't even read their mouth. Basta naglalandian sila! That was all I knew.
Napaiwas ako ng tingin sa pag-init ng mga mata ko nang halikan ni Adam ang magandang babaeng nakayakap sa kanya. It was like I was watching a tragic movie that teared my head apart.
Tumungga ako sa alak para hindi mapansin ni Cassy ang namuong lungkot sa mga mata ko. I calmed myself while drinking the alcohol.
"Sigurado ka bang wala kang gusto sa kanya?" Cassy asked.
Napatingin ako sa kanya.
"I was hella sure."
I like him... a lot.