Prologue
Kesha's POV
"Grabe I can't believe ikakasal ka na, Karmina! Congrats!" My happiness for Karmina was above the sky.
"Thank you Kesha! Ako rin nga hindi masyadong makapaniwala," Karmina said.
Nasa hotel kami at katatapos lang ayusan ng bride na si Karmina. We were just waiting for the car and then gora na kami papuntang simbahan.
"Talaga lang ha? If I know, sobrang excited ka na sa honeymoon ninyo mamaya." Tinusok ko ang tagiliran niya.
"Shut up Kesha! Secret lang 'yon," she joked. "Ikaw ba? Kailan ka ba kasi hahanap ng jowa sis? Twenty nine na tayo; we're not getting younger."
Tumawa ako at tinignan ang daughter kong naglalaro ng cellphone sa sulok. "You know I have different priorities."
"Yeah, pero hindi mo ba naisip hanapan ng ama iyang si Amira? Tsaka masarap ang ma-in love sis. Go get a man."
I shook my head. "Masakit lang sa ulo ang mga lalake, siguro sinwerte ka lang kay Alexis."
Pinanlisikan niya 'ko ng mga mata. "And what made you think na hindi ka se-swertehin sa isang lalake? Sis minalas ka lang sa best friend mo dati, pero hindi ibig sabihin malas ka na rin sa iba pang lalake out there."
"Ma'am Karmina, andiyan na po iyong service ninyo," Karmina's assistant came.
Karmina sighed and tapped my shoulder. "Basta sis, alam ko matalino kang tao; ikaw ang takbuhan ko kapag kailangan ko ng advice, kaya sana gamitin mo iyang talino mo to give yourself a chance to love again. Sige na, see you sa church."
I just nodded at her. May point naman si Karmina, matagal na nang huli akong nagmahal, pero sobrang sakit ng huli na iyon. Sobrang sakit to the point na ayaw ng magmahal ulit ng puso ko. My heart had so many scars that it locked itself away from any man in the world.
Masyadong maraming tao sa simbahan, pero nabigla ako sa nakitang best man ng kasal nila. He was really familiar, I was pretty sure it was Paulo.
I knew Alexis way back when we were college, pero hindi ko na binanggit kay Karmina because Alexis was somehow connected to the father of my son at ayoko ng maungkat pa 'yon.
Kinabahan lang ako bigla kasi baka nandito rin ang matagal ko ng nilayuan. My gosh, if it wasn't for Karmina, hindi talaga ako a-attend sa kasal na 'to.
"I now pronounced you husband and wife; you may now kiss the bride."
Ngumiti na lang ako when I saw Alexis and Karmina, kissing. They really looked good together. I'm happy for her, natupad niya na ang isa sa mga pangarap ng halos lahat ng kababaihan. I wonder if this day would come to me.
Gusto ko na sanang umuwi after ng ceremony, pero nangako na ako kay Karmina na a-attend din ako sa reception. So here I was with my daughter, naglilibot lang sa venue at kumakain.
"Sweetie, wag kang lalayo sa tabi ko ha." I caressed my daughter's head, before travelling my sight again.
"Yes mommy."
I raised my hand to get the attention of the waiter. Gladly, lumapit agad siya sa 'kin. Tinignan ko ang hawak niyang tray na may glass of vodka.
"Can I take that?" I asked.
"Ah sure ma'am."
I smiled and got the glass. "Thank you."
Yumuko siya bago umalis sa harapan ko. I slightly shook and played with the glass of vodka while looking at Karmina who was busy chitchatting with someone.
Ang tagal naman umalis ng kausap ni Karmina, I really wanted to talk to her para maya-maya makapagpaalam na rin akong umuwi.
"Maya-maya lang anak uuwi na tayo. Naiinip ka na--" Napahinto ako nang makitang wala si Amira sa tabi ko.
I looked around and got worried when I saw her lying on the floor. Nadapa siya, pero agad na may tumulong sa kanyang tumayo.
I walk as fast as I could until I reached her. "Amira, I told you to stay on my side." Pinagpag ko ang nalukot niyang damit.
"I'm sorry mommy, gusto ko lang naman pong kumuha ng ice cream." She pointed the waiter, who was happy giving ice creams to children.
"Then you should have told mo, sweetie."
Umayos ako ng tayo to see the man standing in front of us and helped my daughter.
"Thank..." I paused; A thunderstorm hit my heart as I saw the heart breaker chocolate eyes, staring at me.
Gulat at kaba ang kumislap sa mga mata niya.
"K-Kesha?"
Unti-unti nanamang nagpira-piraso ang puso kong taon kong binuo. Mas nag-matured ang hitsura niya, pero sigurado akong siya ang lalakeng sumira ng buhay at puso ko.
"E-excuse me?" Nanginig ang mga labi ko. I didn't know what the f**k to say.
"What the... Ikaw nga? s**t, I've been looking for you, Kesha." He looked surprise, he acted like we were still best friends; he acted like nothing happened at all in the past.
As if he didn't hurt me,
As if he didn't crash my heart,
As if he didn't get me pregnant.
Adam Imperial broke my heart and it stings for so many f*****g years.