"Oy Chille, nasaan na iyong boyfriend mong mahangin?" tanong sakin ni Jiro nang maglunch break kami. Ngayon lang kasi ako nakasama sa kanila dahil lagi kong kasama noon si Josh.
" Wag mo na ngang itanong ang wala," sabat naman ni Yen.
"Teka lang, bakit pala mainit iyong dugo niyo kay Josh?"
"Duh! Sa face palang nung jowa mo ay mukhang di na gagawa ng maganda noh!" maarteng sagot ni Jiro.
"Ewan ko ba sayo Chille kung bakit ka nagkagusto sa isang iyon."
"Alam niyo, tama kayo."
" Whaaat?" panabay na tanong ng dalawa. Si Jiro ay nawalan pa ng poise habang si Yen naman ay kulang na lang mahulog sa kinauupuan dahil sa gulat.
Paano nga ba sila di magugulat , eh dati- rati super pagtatanggol ako sa lalaking iyon pero ngayon ay sumasang-ayon na ako sa kanila.
"What happened?" bigla ay nag-alalang tanong ni Yen.
Noon ko lang napansing umiiyak na pala ako. Buti na lang ay nasa medyo sulok kami kaya di pansinin ang kinaroroonan namin.
" Oy Chille, walang ganyanan! What's wrong ba kasi?"
Nagsimula akong magkwento sa kanila tungkol doon sa nangyari at mga nalaman ko. Di ko isinali iyong lalaking nakasama ko.
Dumeritso na ako doon sa kahayupang pinaggagawa ng dalawang taong inaakala kong mapakakatiwalaan.
Pagkatapus ng kwento ko ay kasabay kong nagsipag-iyakan din ang dalawa kong kaibigan.
"Sinasabi ko na nga bang may kalandiang tinatago talaga ang mahadera mong pinsan na iyon," gigil na sabi ni Jiro habang maaryeng sumisinga.
"Reresbak tayo! Pagbuhulin natin ang dalawang iyon!" galit namang sabi ni Yen.
" I have my plans. Ako nang bahala sa dalawang iyon."
"Nakuuuu! Kung ako sayo pinagsasampal at kinalbo ko na ang dalawang iyon."
"Not yet Jiro..not yet, may plano pa ako."
"Gaga, kahit anong plano pa iyan basta wag mo akong tawaging Jiro because I'm Jira ok? Halikayo closer girls... Nagmahal- nasaktan-nagplano selfie!!"
Isang batok ang binigay dito ni Yen.
"Nabatukan selfie!"
"Isa na lang Jiro, bibingo ka na sakin," banta dito ni Yen.
" Anu bah?? Jira nga sabi di bah? Jira! Not Jiro! Hhmmp!" pairap nitong sabi.
Kahit ganitong nasasaktan ako at nalulungkot ay di ko parin mapigilang mapangiti, salamat sa mga tunay kong kaibigan.
"OMG capital letters para intense! Confirm ang balita! Nasa school natin ang Blue-Blood!!" muling tili ni Jiro nang may kung ano itong nakita sa cellphone nito...siguro nagfacebook na naman ito!
. Ang baklang ito, kanina lang ay kasama kong umiiyak, ngayon naman ay parang timang na kinikilig.
"Ano iyon?" taka kong tanong .
Blue Blood? Konektado ba iyon sa red cross?
Gulat namang sabay na napatanga sakin ang dalawa.
" Blue Blood di mo alam?" gilalas na tanong ni Yen na para bang isang napakaimposibleng bagay ng tinanong ko.
Kasama ba iyon sa lalabas sa finals?
"Girl, saang planeta ka ba galing at di mo kilala ang BB as in BLUE BLOOD!!" Isa patong si Jiro kung makapagreact akalain mong mortal sin ang nagawa ko.
" Iyon ngang boyfriend ko na 14 years kong kasa-kasama di ko nga agad nakilala ang tunay na pagkatao eh iyan pa kayang BB mo?"
"Ay ganun? Pagnaloko, huhugot agad?" alaska ni Jiro.
" Anong paki mo! Nasaktan ako kaya I need an explanation! ",
" Ay sobra na iyan Chille, wag mong idamay ang BB sa kadramahan ng buhay mo kasi walang acceptable reason para di makilala ang BB dahil everywhere ay naroon sila!" hirit naman ni Yen.
"Ano pala sila bacteria or germs kasi ayon sa commercial ng safeguard ang germs ay-".
" Heeep! Staaap! Tigil! Pause! Awat! Iyong boyfriend mo ang germs at hindi ang BB namin ok!"
"Andiyan sila oh!" turo ni Yen sa malaking billboard sa harap ng kinakainan namin.
Ay! Tao pala sila?
" Nandito din sila oh," halos ingudngod naman sakin ni Jiro ang cellphone niya na nakaopen ang mga multimedia accounts niya.
"-at nandiyan sila sa hawak mong coffee!" nguso ni Yen.
Nang tingnan ko ang coffee mug na hawak ko ay limang mukha ng mga kalalakihan ang naroon.
"Nandiyan sila every where."
Noon ko lang napansin ang mga naglalakihang posters ng mga pagkain sa kinainan namin ay may katabing naglalakihan din posters ng limang kalalakihan. Maging ang mga kasabayan naming kumakain ay may hawak na mga magazines kung saan ay cover ang naturang grupo.
Actually, every table ay may bagay kung saan nakapaskil ang mukha nung limang kalalakihan.
Iyong iba nasa flower vase, meron sa coffeemaker, at iyong mga menu nila... nasa cover iyong mukha nung lima at coffee mugs pala nila design iyong mga mukha nung lima. Nasa uniform din ng mga crews ng kainan ang mukha ng limang lalaki.
" Kaya dinudumog ang kainang ito dahil sa theme nilang Blue Blood!"
"Ang BB lang naman ay ang pinakasikat na banda internationally. Lately lang napag-alamang mga Filipino pala ang members ng naturang banda kaya hayon pinagkakaguluhan lalo dito sa Pinas."
"Ikaw naman kasi eh , masyado mong inubos ang oras mo sa kakatingin sa pagmumukha ng manloloko mong boyfriend kaya hayan tuloy di mo napansin kung gaano kagwapo ang BB!"
"Kung magboyfriend ka na nga lang, pumili ka ng katulad ng BB dahil kahit lokohin ka man at least ang gwapo ng nanloko sayo di bah!"
Parang di ko na narinig ang mga pinagsasabi ng dalawa dahil nakatulala lang ako sa mukha ng pinakagitnang lalaki na diumano ay BB.....ito lalaki kasi iyong–
Ito iyong lalaking nakasama at nasilipan ko. Ang lalakig walang kahiyahiya sa katawan ay member pala ng BB.
"Oy, Chille... Wag masyadong titigan si Urielle baka tutulo laway mo," asar sakin ni Jiro.
" U-Urielle?"
"Ou...Si Urielle iyang nasa pinakagitna at ang main vocalist ng banda."
So, Urielle pala ang pangalan niya-
"Sa guitars naman si Benj, tapos drums si Louis, keyboards si Emrie at violinist nila ang boyfriend kong si Odien!!"
Di ko na masyadong pinagtuuan ng pansin si Jiro sa pag-isa-isa nito sa mga members ng banda dahil sa iisang tao lang nakafocus ang pansin ko.
Imposible pala talagang makilala ako ng lalaking iyon dahil siguradong masyado itong busy sa kasikatan nito.
Siguro nga ay nakalimutan na ako ng isang iyon.
Teka lang , bat ko ba iniisip ang lalaking iyon eh may mas importante akong pinaplano kaysa kanya.
At isa pa, sa nasaksihan ko kagabi tiyak pareho lang sila ni Josh na mapaglaro sa babae.
Pero, in fairness huh...sinong mag-aakalang makakita na nga lang ako ng isang hubad na lalaki eh iyon pang isang sikat.
Kung alam ko lang na sikat iyon, nagpa-autograph sana ako!
" Grabe, siguro super talino ng mga BB ko kasi napasa nila ang napakahirap na entrance exam ng school natin."
"Ang swerte natin sa school natin noh...scholars na nga tayo pwera sayo Chille huh kasi rich kid ka e, kami lang itong poorita pero magaganda!" maarteng saad ni Jiro.
"Kadaupang palad pa natin ang mga pinakasikat na mga celebrities at non-shobiz na mga sikat! Ay grabeh! Ang ganda ko talaga!"
"Saang banda?" pang-aasar dito ni Yen.
" Gusto mo mapa? Shaaataaap ka nalang ok!"
Naiiling nalang ako habang nagbabangayan na naman ang dalawa.