chapter 6

1139 Words
Napasimangot ako nang makita ko ang ilang missed calls galing sa magaling kong boyfriend. Hinahanap nito siguro ako dahil buong araw akong di nagparamdam sa kanya. Tulad ngayon, uwian na pero nandito ako sa rooftop ng building namin upang iwasan si Josh dahil tiyak nasa labas na ito at inaabangan ako dahil kunwari ihahatid ako samin tapos sigurado dadaanan nito ang magaling kong pinsan upang dalhin sa condo niya. Sa ilang taon naming magboyfriend-girlfriend ay ni minsan di niya ako niyayang mag-overnight sa condo niya. Buti nalang iyon noh dahil baka nahawaan pa ako ng kung anong mikrobyo na namamahay doon dahil sa kababoyan nilang pinaggagawa doon. Nagulat din ako sa sarili ko ngayon dahil tuwing naalala ko ang panloloko sakin nila ay mas nangingibabaw ang galit kaysa sakit na una kong naramdaman noon. Siguro nga ay di ko ganun kamahal si Josh para ipaglaban siya sa pinsan ko. O marahil di lang ako martir para ipagsiksikan ang sarili ko sa isang taong nagpaikot sakin. Nang mapansin ko na medyo matagal-tagal na ako at siguradong wala na si Josh sa baba kaya napagpasyahan kong umuwi na. Magpapasundo nalang ako sa driver. Mangilan-ngilan nalang ang mga nadadaanan kong students sa hallway kaya medyo creepy na ang pakiramdam ko. Kainis, bat ngayon pa umatake ang pagkamatakutin ko. Naalala ko tuloy iyong kwento ni Jiro na may nakikita daw na white lady dito sa building namin! Madadaanan ko ang computer lab na sinasabi nilang lugar kung saan nagpapakita iyong white lady kaya nanayo ang mga balahibo ko. Sana naman maisipan ng white lady na magday-off muna sa pananakot ngayon dahil naku po...baka himatayin ako pagnakita ko siya- Nanlaki ang mga mata ko at para akong itinirik sa kinatatayuan ko nang may marinig akong ungol mula sa computer lab. Ito na ba iyon? Iyong white lady? Wala naman sa kwento ni Jiro na umuungol iyong multo ah! Bakit ba bukas ang pintuan ng computer lab? Kahit di naman mainit ay pinagpawisan ako ng malamig. Kahit nanginginig iyong tuhod ko ay pinilit ko paring humakbang upang makalayo doon. Isang hakbang nalang at malalagpasan ko na ang nakabukas na pinto ng computer lab pero muli ay napatigil ako dahil sa sunud-sunod na mga ungol-? Ganun ba talaga umungol ang mga multo? Parang katulad ng ungol na narinig ko doon sa babaeng kinakabayo nung lalaki- "Oooh! Ooooh!Aaaaah!" Para akong nabuhusan ng tubig at bigla-bigla nawala ang takot ko at napalitan ng pagkatsismosa! Sino kaya ang mga nasa loob ng computer lab at gumagawa ng milagro? Napalingon-lingon ako sa paligid upang siguraduhing walang ibang tao maliban sakin. Nakakahiya naman kasi kung may makakita sa gagawin kong paninilip. Tama kayo, umiral na naman ang pagkatsismosa ko at maninilip ako. Isang silip lang naman, titingnan ko lang kung sino iyong nasa loob tapus aalis din agad ako. Malay mo isa sa mga sikat na artista na nag-aaral dito ang nasa loob tiyak malaking iskandalo ito pag nagkataon! O baka naman isa sa mga idol ni Jiro ang nasa loob tiyak ngangawa ang bakla na iyon kung ikukwento ko ito sa kanya. Nang makapasok ako sa loob ng lab ay medyo madilim kaya di ko alam kung saang banda nakapwesto ang mga ito. Marami ring rows ng mga computers kaya ang hirap makita ang kinaroroonan nila. Patagu-tago kong inisa-isa bawat linya. Dalawang linya na ang nasilip ko pero walang tao. Asan na ba ang mga iyon? Bakit wala na akong narinig na mga ungol? "You're the best talaga." Dagli-dagli akong napasiksik sa pagitan ng dalawang computer nang may narinig akong nagsalita na babae. Mukhang papalapit sakin iyong nagsasalita. Sigurado akong di agad mahalata itong kinasisiksikan ko. Nakikita ko na ang sapatos ng babae. Malapit ko nang makita ang buo niyang hitsura. "Until now, I still can't still feel my legs. Siguro ilang araw akong mahihirapang maglakad. It's like, you're still inside me." Ang daldal naman ng babaeng ito pero di ko parin narinig magsalita iyong kausap niya. "I'll go first..I'll call you." Napasinghap ako ng tuluyan nang nalantad ang hitsura ng babae. Artista iyon eh! Sikat na teen idol iyon! Pinafollow ni Jiro iyon! Ganun pala iyong isang iyon, akala ko noon mabait iyon at mahinhin dahil walang masamang issue about sa isang iyon! Parang si Irene lang iyon, mabait sa lahat at parang anghel ang amo ng mukha iyon pala nakatago ang buntot at sungay. Teka, sino ba ang kausap nitong lalaki kanina? Umalis na ba? Di ko yata napansin. Nang marinig ko ang pagsara ng pintuan ay tsaka lang ako gumapang palabas sa kinaroroonan ko. Nagpagpag muna ako ng suot ko bago tumayo. Sayang di ko nakita iyong lalaking kausap niya. "So,you really make it a habit huh. Peeping again at me little bug?" Napakurap ako nang biglang lumiwanag ang buong paligid at isang pamilyar na mukha ang ngayo'y seryosong nakatingin sakin. " I-ikaw?" Siya? Siya iyong kausap kanina nung teen idol? Ibig sabihin...siya na naman ang gumawa ng kahalayan kanina. "Surprise are we? But I already expected this. It's like everytime I'm f*****g someone, I always feel your eyes on me." "Hala siya oh! Hindi ah! Wala akong nakita ok! Narinig ko lang kayo pero di ko kayo nakita!" "Since that night, I knew that you're trouble. You look more beautiful than before but still my body reaction is the same." Napalunok ako nang humakbang ito palapit sakin. Wala naman akong ginagawang masama ah! "Di ko sinasadya iyon ok! Katulad ng di ko sinasadyang mahuli ko ang boyfriend kong may kalokohang ginagawa." "Yeah right, di mo sinasadya. But what can you do about this?" nakataas ang kilay nitong tanong sabay hapit sa baywang ko padikit sa katawan niya. " Di ko rin to sinasadya pero everytime I remember you, tumatayo siya! " gigil nitong sabi sabay kiskis sakin ng nagmamatigas na bagay na nasa ibaba ng puson niya! "Oh my God!" Halos kapusan ako ng hininga. Di lang siya tumatayo..nagmamatigas pa! "This is all your fault!! You have to do something about this!" Teka , bakit galit na galit siya? Part ng katawan niya iyang tumitigas kaya dapat siya ang gumawa ng paraan upang masulosyunan iyan! Problema niya iyan, wag siyang mandamay. "All those women I've f****d since I've met you don't satisfy me anymore! I have this constant blue balls, damn you!" " Di ko naman iyon kasalanan ah!" "Kasalanan mo iyon! Pagsinabi ko kasalanan mo, kasalanan mo ok!" mariin nitong sabi sakin. Nakakakaba naman ito, ang talim ng titig niya sakin na para bang gusto niya akong kainin ng buo. " Ano bang gusto mong gawin ko?" Gusto ko ng matapos ito noh. Ang gwapo niya pero nakakatakot siya tumingin. "I want you close...or probably closer, " paanas nitong bulong sa tainga ko na napatayo sa balahibo ko sa batok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD