Three days, tatlong araw na mula nang kumalat sa social media ang mga larawan ni Urielle at Lavenia. Halos iyon na ang laman ng news feeds ko kaya di ko na binubuksan ang mga social media accounts ko. Sabi nga nila, kung ayaw mong masaktan kailangan mong iwasan ang mga bagay na nakakapanakit sa iyo at sa sitwasyon ko, nakakasakit sakin ang makita si Urielle sa piling ng iba. Tatlong araw na ring hindi tumatawag sakin si Urielle. Masakit mang isipin pero mukhang nalimutan na nga niya ako. Ang unfair naman, kasi ako, hirap na hirap siyang kalimutan. Pero ganunpaman, life must go on! Kahit gaano kalaking balita sa showbiz industry ang tambalang Urielle at Lavenia ay di naman alam ng mundo ang koneksiyon ko sa kanya. Parang gusto ko ngang matawa sa sarili ko kasi heto ako at halos mamatay