Nang sumunod na mga araw ay naging abala ang BB sa kaliwat kanan na mga shows abroad. Ganun paman ay halos araw-araw na tumatawag sakin si Urielle via skype. Kahit di ko naman tinatanong ay ina-update niya ako sa mga lakad niya at mga upcoming shows nila ng BB. Minsan din ay nanonood ako sa mga live shows nila sa internet. Di ko naman kasi akalaing masyado ko siyang mamimiss. Tulad ngayon may guesting ang BB sa isang sikat na talkshow sa America kaya heto ako at excited na inabangan sila habang nakatutok sa live streaming ng nasabing show sa internet. Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang isa -isang ipakilala ng host ang BB at nang magfocus sa gwapong mukha ni Urielle ang camera ay parang gusto kong pupugin ng halik ang monitor ng laptop ko. Nagkasya na lang ako sa pagyakap ng mahigpit