“Anong gagawin namin ng papa mo. Nasakit na ang ulo namin sa sunod sunod na problema dito sa hacienda Diego. Di namin alam kung paano kami na nanakawan. Una kalabaw tas kambing tas baka ngayon naman kabayo.”
“Ngayon anihan ng talong pero mas marami ang reject ngayon kesa sa good..” daing pa ni Aiza sa anak.
“Hindi ka ba puwedeng mag file muna ng leave anak tulungan mo muna kami dito sa farm ng papa mo. Ilang araw ng walang tulog ang papa mo pag aasikaso ng bakod na pinagagawa nya sa buong palibot ng hacienda.”
“Sige ma’ subukan kong mag paalam kay Chief.”
“Sige hijo at nga pala baka na lilimutan mo may asawa kang iniwan dito.” umasim ang mukha ni Diego. basta kausap nya ang mama nya never itong sumablay sa pag papaalala na may asawa syang iniwan sa kanila.
“Naka graduate na sya pinag uusapan nanamin ng Ninang aurella mo ang kasal nyo sa simbahan.”
“Ma’ bakit di nyo muna hayaan si Klay na ma enjoy muna ang buhay nya bilang dalaga.”
“Ano bang dalaga pinag sasabi mo dyan. Asawa mo na si Klary, Pinag bigyan ka na nga namin na 3 taon mo pag papabaya sa asawa mo.” galit na wika ng ina.
“Ang akin lang ma’ Itinali agad natin sya sa kasal. Ang bata bata pa nya marami pa sy———//
“Kung naging perfect gentleman ka lang sana noon Diego hindj naman mangyayari ang kasal sa pagitan nyo ni Klary at bago mo sabihin na bata si Klary sana naisip mo din iyon ng pinakialam mo sya.” napangiwi naman si Diego tama naman ang mama nya nasa kanya talaga ang malaking mali. Nagpadala sya sa tukso.
“Napakabuting bata ni Klary, napakasipag compare sa lahat ng babae na kilala ko saludo ako sa asawa mo na yun. Wala akong makitang masamang kapintasan sa kanya meron lang mga pag kakataon na iba syang mag salita at kumilos pero maliban dun wala na akong masabi. Kababae nyang tao pero sya ang katuwang ng ninong luis mo sa pag papatakbo ng hacienda nila. Napakalaki na ng iginanda ng hacienda nila kesa sa atin.”
“Sige na update ko nalang kayo kapag makakapag file ako ng leave.” ani Diego.
“Gawin mo hijo hindi para sa hacienda natin gawin mo ito para sa asawa mo. Wag mong hintayin ang araw na mag sisi ka kapag si Klary na ang makahanap ng lalaking ipapalit sayo.” wika pa ng mama nya saka ito nawlaa sa linya.
“Wala naman problema sa kanya kung makakilala ito ng ibang lalaki yung nararapat para rito baka sya pa ang unang maging masaya para rito pero hindi ang lalaking kumaon rito ang gugustuhin nyang pumalit sa puwesto nya bilang asawa nito.
Nabastusan talaga sya sa ginawa nito kay Klary kung nagkataon lang dala nya ang motor nya hahabulin talaga nya ang mga ito at patitikimin nya ng kamay na bakal ang gunggong na lalaki. Kahit pa masagwa ang suot ni klary ng araw na iyon at takaw manyak talaga mali parin na bastusin ito sa harapan nya at lalo pat kilala naman ni si Klary na mabuting babae. Sadyang flirt lang ito pag dating sa kanya.
Na ko konsensya naman sya sa tuwing pag sasalitaan nya ito ng di maganda at masasakit na salita. Ginagawa lang nya iyon para magalit ito at kalimutan na sya. Alam nyang may gusto sa kanya si Klay noon pa man hindi naman sya manhid pero hindi naman nya gustong samantalahin yun kaya sya na ang umiwas kaso talagang natukso na sya rito noon pero wala na syang balak mag patukso ulit.
Ayaw nya itong saktan dahil wala naman itong kasalanan nag mahal lang naman ito at mukhang sya pa ang 1st love ng dalagita noon kaya hinayaan nalang nya. Alam nya kung anong klase ng buhay ang meron ito noon bago pa nakuha ng ninong luis nya ang mag ina nito. Narinig nya sa usapan na dumanas ng child abuse noon si Klary at muntik pa itong magahasa sa murang edad pero may awa pa rin ang Diyos dahil di ito pinabayaan.
Idagdag pa na sadyang babaero ang papa nito at pikit mata nalang iyon ninang Aurella nya. Ganun din naman si Klary. Kaya ayaw na sana nyang makadagdag sa pasanin ni Klary kaso wala naman syang choice para na rin naman sa ikabubuti nito ang ginagawa nyang pag susuplado pag rereject rito. Kung may kilala nga lang syang lalaki na mabuting nilalang sya na ang mag papakilala kay Klary.
******
“Tangna’ parang nalalagasan na ng mga taguro ang underground mukhang tayo na ang mag hahari dito Dany.” biro ni Rodney. Natawa naman si Diego habang mag aayos ng gamit nyang iiwan. Na approvan ang 2 months leave ma finile ni Diego para maka uwi ng Bayan nila.
“Babalik ka pa ba Diegs.. Dapat bumalik ka for promotion ka na magiging captain ka na ulit.”
“natural babalik ako. Tutulungan ko lang sila mama alam nyo naman si mama di ako titigilan nun.”
“Sus mama ba talaga? o Yung batang batang asawa mo.” biro ng dalawa.
“Mga Gago.”
“Alam mo boss sinasayang mo ang opportunity kung ako ang may asawang kasing ganda at kasing bata ng asawa mo kahit pa sabihin pinikot lang nya ako walang kaso hindi ko man sya mahal aba mag papakasasa na ako.”
“Ang baboy talaga ng bibig mo.” inis na wika ni Diego kay Rodney.
“Boss mag pakatotoo lang tayo diba Dany. Maganda at sexy ang asawa ni Diegs. Ikaw ba tatangi ka sa grasya.”
“natural hindi nakabingwit lang ako ng ganun kagandang babae at kabata lintik lang di na ako matutulog.” natawa nalang si Diego sa kalokohan ng mga kaibigan.
“Hindi ko na to pag papahingahin hanggat kayang bumangon ililibing ko ito.” dugtong pa ni Dan.
“Ewan ko sa inyong dalawa.”
“Boss bakit ba ayaw nyo sa asawa mo. matanong ko lang para naman maintindihan ka naman namin.”
“Hindi sa ayaw ko sa kanya, lalaki rin naman ako kung anong opinyon nyo ganun din ako hindi ako ipokrito. Ang point ko lang 18 years ang age gap namin halos anak ko na sya imagine that.”
“Hindi naman halata boss sa totoo lang matured kasingg tingnan si Klary hindj rin halata na matanda ka na.” ani Rod.
“Parang na gegets ko na. Natatakot ka ba na baka kung kelan mahal mo na sya saka naman sya biglang mag mamatured at makakakilala ng lalaki na magugustuhan nya maliban sayo ano.” hula ni Dan hindi naka imik si Diego. Napamura naman ng sabay ang mag kaibigan.
“Akala ko mahal mo pa si Tanya pero mukhang natibok na ulit ang puso mo boss di ka palang aware.”
“Sira ulo matagal ng natibok ang puso ko. Edi sana naa morgue at di nyo ako kausap kung di natibok ito.” ani Diego.
ibig ko sabihin diegs, possibleng ma in love ka sa asawa mo kung di mo pipigilan ang sarili mo tama. O baka naman na in love ka na ayaw mo lang talaga kasi nga bata.”
“Tsk! di ako sigurado ewan.” tamad na sagot nya.
“ e paano yan boss 2 months ka doon makikita mo sya madalas.”
“Malaki ang hacienda at magkaiba ang tinutuluyan namin.”
“Mag asawa kayo natural kapag umuwi ka sa iisang bubung na kayo titira.”
“Hindi ayoko.” tumawa ang dalawa.
“Baka aayaw ayaw ka lang ngayon tas malalaman namin pag balik mo dito magiging Daddy Diego ka na.” biro ni Daniel.
“Sira.”
“Sus! Wag kang showbiz.”
******
“Have you heard dumating na daw ang asawa mo anak.” masayang salubong sa kanya ng mommy nya. Na excite sya sa narinig bigla nawala ang pagod nya sa mag hapon dahil sa sinabi ng ina ngunit. Na alala nya ang huling usapan nila ni Diego.
Na ngako sya noon na kapag di ito dumating sa graduation nya di na nya ito papansinin kahit kelan. Kaya kahit mahirap titiisin nya malakas ang loob ni Diego na saktan ang damdamin nya dahil alam nito marahil na may gusto sya rito. Ipaparamdam nya rito ngayon na kaya nyang mag isa na di nya kailangan ang asawang tulad nito.
“Ganun po ba sige ma, Ligo lang po muna ako.”
“Bilisan mo anak dun tayo mag Didinner sa kanila.”
“Mi, Sorry hindi ako puwede mamayang gabi mag lilipat ako ng mga orchids.”
“Anak naman may mga tauhan naman tayo na puwede mong utusan na ma——
“Mi, Please pagod po ako. May nanganak na baka kanina nag baba din ng mga saging. Gusto ko lang pong mag pahinga muna. Si Diego aalis din naman sya agad kaya hayaan nyo nalang sya.”
“Pero asawa mo si Diego.”
“Hindi ko na kakalimutan yun Mi, pero hindi pa ako handang maging asawa nya.” wika nalang nya saka umakyat na sa taas. Dumeretso na sya sa banyo at nag hilamos. Biglang sumakit ang ulo nya kaya dinaan muna nya sa hilamos.
Pag tingin nya sa reflection nya sa salamin si Klay ang nakita nya. Nakatitig sa kanya na may galit ang mga mata.
“Kung ayaw mong makita si Diego bahala ka sa buhay mo pero gusto kong makita ang asawa ko kaya palabasin mo ako.”
“ayoko dahil sayo kaya nalagay ako sa sitwasyon to kung di mo sya nilandi noon hindi sana kami kasal ngayon.” tumawa si Klay.
“Wag ka ngang plastic nung mag enjoy ako kasama si Diego mas di hamak na nag enjoy ka rin naman dahil bigla ka nalang umepal kaya wag mo akong artehan na parang kasalanan ko pa.”
“Hindi kita hahayaan lumabas ngayon pabayaan mo muna ako Klay.”
“Ayoko palabasin mo ako. Gusto kong makasama si Diego.”
“Puwes mag hintay ka sa wala.” galit rin nya turan pero nagulat si Klary ng biglang kumilos ang kamay nya na di na aayon sa gusto nya.
“Ano ba klay.” galit na usal nya isang gunting ang nakuha nya sa drawer at bigla nalang nyang itinusok sa sarili nyang leeg. napapikit nalang sya ng maramdaman ang sakit ng pag tusok nun.
“palabasin mo ako kundi papatayin kita.”
“Sige ituloy mo na para pereho na tayong mawala sa mundong ito para di mo na rin makita si Diego.” bigla naman napabitaw sa gunting na nalaglag sasahig ng malala siguro nito na nasa iisang katawan lang sila.
“Klary naman hindi mo ba sya na mimiss matagal na rin ng huli natin syang makita. Mahal mo rin naman sya diba.”
“Mahal ko sya pero hindi naman ako tanga.”
“Hayaan mo akong lumabas. Kukunin ko sya para sa atin dalawa. I make him fall in love sa atin dalawa sige na please.”
“May trabaho pa ako mamaya Klay. Wag kang sumabay ngayon.”
“Puro ka nalang trabaho unahin mo muna ang buhay natin.” tumalikod na si Klay sa salamin at di na pinansin ang naririnig na pag tawag sa pangalan nya. Napahilot nalang sya sa sintido nya kailangan nyang maging matatag ngayon. Hindi nya gustong lumabas si Klay para lang lumandi kay Diego. Sya ang nag mumukhang kawawa sa ginagawa ni Klay.
Nag pahinga nalang muna sya bago nag pasyang maligo. Mula sa katulong nalaman nyang nag tungo na sa kabilang hacienda ang parents nya. Humingi nalang muna sya ng gamot sa katulong para sa sakit ng ulo nya. Sa dami ng ginawa nya sa hacienda sa mag hapon masyado yata syang napagod.
Tatapusin lang nya ang kailangan nyang tapusin sa greendome nya uuwi na agad din sya para matulog at mag pahinga. Nasapo ni Klary ang ulo ng mag simulang umikot ang paningin nya. Pinilit nyang pang labanan. Natitiyak nyang lalabas si Klay oras na mawalan sya ng malay.
“Klay please. Leave me alone.” pakiusap nya sa sarili. Ibinaba na nya ang hawak na orchid bago pa nya iyon mabitawan. Napaluhod na sa pinong damo habang nakatuon din ang mga kamay nya.
“ahhhhhhh klay i hate you.” sigaw nalang ni Klary saka tuluyan ng bumagsak sa damuhan at nawalan na sya ng malay.
*******
Dahan dahan na idinilat ni Klay ang mga mata nya pero agad din ipinikit ng masilaw sya sa liwag. Nasaan sya bakit ang liwanag.
“Anak. Anak. Luis tumawag ka ng doctor gising na si Klary.” unti unti ulit nag dilat ng mata si Klay kung ganun nasa hospital pala sya.
“Anong nangyari mi,” takang tanong nya.
“Nakita ka ng asawa mo na walang malay sa greendome. Kaya dinala ka nya agad dito sa hospital.” saka palang napansin ni Klay sila Diego at pamilya nito na nasa loob din ng kuwarto nya.
“sabi ng doctor over fatigue.” ani Diego.
“Ang liit liit ng katawan mo bakit kailangan kumilos ka na parang lalaki.” sermon pa ni Diego na sinaway naman ng ina nito. Gustong mapangiti ni Klay. Nag tagumpay sya nakalabas sya sa katawan ni Klary. Kailangan muna nyang umakto ng normal. Hindi sya puwede kumilos ng di na aayon sa kilos ni Klary. Hindi puwedeng malaman ng pamilya nila ni Klary na alter lang sya. Tiyak na kapag nalaman ng mga ito ipapagamot ng mga ito si Klary worst tiyak na tatangalin sya at si Ary kaya kailangan nyang mag ingat kung ayaw nyang makahalata ang pamilya nila.
“Kaya ko naman sobrang init lang siguro kanina.”
“Botanist ka diba hindi ka veterinarian para pati pag papaanak sa mga hayop makikialam ka. May sariling vet ang hacienda nyo.” sermon pa ni Diego.
“Ano ka ba naman Diego kagigising lang ng asawa mo.” sita ni Allan sa anak.
“Hayaan mo lang sermunan nya ang asawa nya baka sakaling makinig ang batang yan.”
Nang mag paalam ang mga parents nila ng matiyak na okay na sya. Si Diego nalang ang naiwan para mag bantay sa kanya bukas pa kasi sya puwedeng umuwi.
“I miss you.”
“Ako hindi.”
“Okay lang.”
“Nakikipag biruan ba ako sayo.” inis na tanong ni Diego.
“Alam mo may kasabihan na the more you hate the more you love. Kaya wag kang masyadong magalit sa akin baka mahirapan ka kapag na in love sa akin.”
“Pasmado din talaga yang bibig mo kapag wala ang parents natin ano.”
“Natural alangan naman lumandi ako sa harapan ng parents ko nakakahiya naman
“At tingin mo meron ka nun.”
“Oo naman marami kaya kahit gusto kitang makipag s*x ngayon di ko gagawin kasi nakakahiya baka may makahuli sa atin.” Speechless naman si Diego.
“Ano nalunok mo na ang dila mo sayang naman gusto ko panaman sanang maramdaman ulit yan dito.” ani Klay sabay hawak sa harapan nito na ikinapalunok si Diego.
“Relax Diego you can breath wala pa akong ginagawa sayo.” ani Klay na biglang humagalpak ng tawa ng nag mamadaling lumabas ng kuwarto nya si Diego.
“Magiging akin ka din Diego kahit anong mangyari. masyado ka pang pakipot ha.” ngisi ni Klay habang nakatingin sa saradong pinto.