Forced marriage

2963 Words
Nakatingin lang si Klary kay Diego na halos kumalat sa buong kuwarto nito ang mga damit na inilalagay sa maleta. Mula sa wardrobe area ng sariling kuwarto mismo ni Diego sa Hacienda ng mga ito. Katatapos lang ng kasal nila sa municipyo ang buong akala ng parents nila mauuna lang sila sa restaurant kung saan ang reception. Simpleng lunch lang iyon dahil biglaan nga lang ang kasal nila ni Diego. Nangako naman ang parents ni Diego na kapag naka graduate na sya ng college muli silang mag papakasal ni Diego sa simbahan at titiyakin ng mga itong engrande daw. Mula pa ng ipatawag ito ng ina at pag harap harapin sila. Hindi na nya ito narinig na umimik o kinausap sya. Wala na syang choice kundi aminin sa parents nya na si Diego ang naka s*x nya ng araw na makita sya ng mommy nya sa banyo. Iyak ng iyak ito ayaw pa sana nyang aminin pero nag collapse na ito at dinala sa hospital. Maging ang papa nya muntik na din atakihin sa puso kaya natakot na sya kaya umamin na syang si Diego. Walang inaksayang oras ang magulang nya agad na sumugod sila sa bahay nila Diego. Ipinakita pa ng mommy nya sa mama ni Diego ang katawan nya na maging ito ay di rin makapaniwala. Sinabi naman nya na di sya ni R***d ni Diego at kusa syang pumayag. Hindi naniwala ang mga ito. Maari kasing pasaway sya at makulit pero kilala sya ng mga ito na hindi malandi. School bahay school bahay lang talaga kasi sya. Hindi rin naman sya nausuhan ng night out o kahit barkada. Mas gusto nya na nasa hacienda lang at tumutulong sa mga manggagawa nila. Maraming nanliligaw sa kanya pero wala isang nakapasa dahil bata palang talaga sya si Diego na talaga ang gusto nya. Hindi naman tumutol si Diego ng sabihjn ng parents nito na pakasalan sya at kailangan nitong panagutan ang ginawa sa kanya. Akala pa naman nya doon na mag sisimula ang lahat sa kanila ni Diego yun pala doon rin matatapos ang lahat after ng kasal nila. “Kung gusto mong mag stay dito sa hacienda bahala ka pero wag kang umasa na babalikan kita bilang asawa ko.” tumango naman si Klary kumunot naman ang noo ni Diego. Hindi sya sanay na tahimik lang ito na patango tango. Sanay sya na madaldal ito at palabiro. “Naiintindihan mo ba ako Klay?” inis nyang tanong. “Oo.” “makinig ka. Hindi ako galit sayo pero ayoko ng sitwasyon ko ngayon. Ngayon kung dumating ang araw na makakilala ka ng isang lalaki na magugustuhan mo saka ako babalik sayo hindi para gampanan ang pagiging asawa mo. Kundi para palayain ka.” napaangat ang tingin ni Klary sa asawa. “Sabi nila ninang..i mean nila mama kapag naka graduate na ako ng college mag papakasal daw ulit tayo sa simbahan.” “At tingin mo mangyayari talaga yun. Sumangayon lang ako dahil ayoko ng humaba pa ang usapan. Im sure darating ang araw na may makikilala kang lalaki. Wag mo kasing sayangin ang buhay mo dito sa loob ng hacienda lumabas ka makipag kaibigan ka. Maganda ka Klay hindi lang ako ang lalaki sa mundo.” “May seseryoso pa ba sa akin hindi na ako virgin.” napabuga ng hangin si Diego. “Im sorry kung ako ang kumuha ng —— basta hindi naman na importante ngayon kung virgin man o hindi ang isang babae. Kapag mahal ka mahal ka.” “Pero syempre mas maganda yung lalaking makakauna sa babae ang mapapangasawa nya.” “Your so naïve Klay hindi na ganyan ang lakaran ngayon. Im sorry i really.” ani Diego na isinasarado ang malaking maleta saka nag mamadaling lumabas napasunod naman si Klary sa asawa. “Anong sasabihin ko sa kanila kapag hinanap ka.” “sabihin mo biglaan pinatawag ako ng superior ko dahil meron biglaan operation at di mo alam kung kelan ang balik ko.” sagot lang ni Diego at di na lumingon pa ng tuluyan na itong umalis. “Klary.” napahikbi naman si Klary na nilingon ang bestfriend nyang si Ernie Juan. Si Ej ang lahat ng nakakaalam ng secreto nya maging ang matagal na nyang pag kakagusto kay Diego. “Wag ka ng umiyak maniwala ka sa akin babalik si Sir Diego. babalikan ka nya.” “Wag mo naman akong paasahin. Ang sakit sakit na nga.” “Hindi kita pinaasa dahil lalaki din ako kaya na niniwala akong babalikan ka nya hindi man ngayon pero sa tamang panahon.” ******* “Umuwi ka na Klay, intayin mo na ako ang pumunta ng hacienda.” inis na wika ni Diego ng pumasok si Klay sa kuwarto nya ng di man lang kumakatok. “Kelan ka uuwi ng hacienda. Na iinip na ako kakaintay sayo.” “puwes wag kang mag intay at sino ba may sabi sayo na sumunod ka sa kin dito sa manila at talagang ipinakilala mo pa ang sarili mo na asawa ko. Di ka ba talaga nahihiya ako ang nahihiya sa ginagawa mo.” “kaya ba basta mo nalang akong iniwan dun sa reception.” “oo! Dahil lahat nalang ikaw ang pinag titingnan tingnan mo nya yang suot mo.” inis pang wika ni Diego sabay turo sa suot nyang dress. Ano bang masama sa suot nyang dress. gandang ganda nga sa kanya yung beautician na nag make up sa kanya panay pa ang picture sa kanya. Baby pink chiffon mini mesh dress. “Mukha kang aattend ng Prom tas tingnan mo nga expose na exposed ang hita mo tas yang dibdib mo kulang nalang isubsob mo dyan ang mga lalaking guest.” galit na wika nito. “Sabi nila Ate Pipay at Ate Dana. Ang ganda ganda ko daw.” “Wala naman akong sinabi na pangit ka ang sinasabi ko ——haizt! basta umuwi ka na magkita nalang tayo sa hacienda.” “graduation namin next week sana naman dumating ka.” “Hindi ako sure wag kang umasa.” “Hindi ko naman pinipilit ang sarili ko sayo Diego pero sana man lang makita kita sa graduation ko.” “Hindi nga sabi ako sure.” “Uuwi ako ngayon pero kapag di ka dumating sa graduation ko. Kalimutan mo ng may asawa kang babalikan.” pagak naman tumWa si Diego. “At tingin mo natatakot ako sa banta mong yan.” “Oo! Matakot ka dahil kapag ako nag sawa kakaintay sayo. Ipag papalit kita kahit kasal ako sayo.” muli tumawa si Diego na tumayo sa pag kakasandal kama nya at nilapitan si Klary. “Go ahead hindi naman ako ang tatawagin na malandi at makati ng mga marites ng bayan natin. Alam sa atin na ikinasal tayong dalawa kpag nakita ka nilang nakikipag landian sa ibang lalaki sino ba ang mawawalan di ba ikaw din kaya wag mo akong takutin.” “Ang sama mo talaga.” “At ikaw para kang sirang plaka.” “Kapag umalis ako ngayon tandaan mo na hinding hindi na ako makikiusap sayo.” “Goodbye!” kumaway pa si Diego. Pigil naman ang luha na inihampas nya rito ang hawak na boaquet na bigay ng Ate amara. Sabi pa nito kanina wag nalang daw muna nyang intindihin si Diego dahil hindi pa raw nito marahil matanggap na kasal na ito. Wag daw nyang iyakan ang isang lalaki dahil kung ayaw daw sa kanya ni Diego iparamdam daw nya na ayaw din nya kahit deep inside hindi totoo dahil ang lalaki daw kapag alam na head over heels ang isang babae. nagiging taking for granted iparamdam din daw nya na hindi mahalaga si Digeo para makapag isip isip ito. Ngunit parang walang effect kay Diego ang ginawa nyang pag babanta. Sadyang kahit konting pag tingin wala ito sa kanya. Lust lang talaga ang namagitan sa kanila noon at dahil nakaraos na ito at mabilis syang nakuha agad itong nag sawa sa kanya kasi nga masyado syang easy to get. Galit na tinalikuran nya ito at derederetso sa kuwartong ipina gamit nito sa kanya ng dumating sya sa manila, Puro picture pa iyon nila ni Tanya parang ginawang tambakan ng mga old memories ng dati nitong girlfriend ang kuwarto na pinagamit sa kanya. lumapit sya sa isang picture ni Diego at Tanya. Masaya ang mga ito sa picture bigla nyang nasapo ang ulo ng bigla iyon sumakit. “Sh*t not now please not now.” sapo sapo ni Klary ang ulo na unti unti syang napaluhod sa sahig saka tuluyan ng bumagsak at nawalan ng malay. ******* Kumunot ang noo ni Diego ng mapansin ang isang Ford ranger ang huminto sa harapan ng bahay nya. May tatak iyon na Hacienda Del mundo ibig sabihin galing sa hacienda nila klary ang sasakyan. Malamang nag pakaon na ito kaya dumating na ang sundo nito. Saktong labas nya kuwarto saktong bukas din ng kabilang kuwartong ginagamit ni Klary. “Jesus christ Klary.” bulalas nyang galit ng makita ang suot ni Klary habang hila hila ang maleta na inilabas ng kuwarto. Halatang pinutol na pantalon lang ang sinuot nito sa sobrang iksi ng pag kakaputol nun halos labas na ang maputing pisngi ng puwetan nito. Ganun din sa blouse na halatang ginupit gupit lang din nito. Labas na ang suot nitong itim na bra at pisngi ng kaliwang dibdib. “Pipigilan mo na ba akong umuwi.” ngisi ni Klay na umikot pa at bahagyang tumuwad na muntik ng ikaawang ng bibig ni Diego na ngayon ay nag sisimula ng mabuhay ang di dapat mabuhay. Eto nanaman ang maharot na Klay. Sinisimulan nanaman syang iseduce. ito ang dahilan kaya ayaw nyang umuwi sa Nueva Ecija. Baka gamitan nanaman sya ni Klay ng alindog nito at di nanaman sya makatiis. “Gusto mo ba ulit akong tikman. Matagal tagal na rin ng huling beses na matikman mo ako.” malanding wika ni Klary na pinagapang pa ang kamay sa loob ng hita nito patungo mismo sa p********e na hinimas himas pa nito. Pakiramdam ni Diego kung di pa sya tatalikod ma susungaban na nya ito. Unti unti na nyang na aalala kung gaano kasarap kung anong pakiramdam sa loob nito. lihim na napamura si Diego na mabilis na bumalik sa loob ng kuwarto nya at inilock iyon. Dinig na dinig nya ang malakas na tawa ni Klay kaya nariin nalang syang napakuyom. Bakit ba ganun nalang kalakas ang kakayanan ni Klay na gisingin ang dugo nya. Normally kailagan muna ng ibayong romansahan bago magising ang alaga nya. Samantalang si Klay konti landi lang nito sa kanya without touching kung ano ano ng posisyon agad pumapasok sa kokote nyang inaagiw. Mabilis syang napatakbo sa bintana ng marinig ang malakas na busina sa labas. Isang lalaki ang nakita nyang lumabas mula sa driverseat ang sumalubong kay klay. mukhang ka edadran lang ito ni Klary at mukhang hindi nya gusto ang closeness ng dalawa. mabilis syang napalabas ng kuwarto nya at gamit ang training nya basta nalang nyang tinalon ang mula 2nd floor pababa sa 1st floor para abutan si Klary at ang lalaki kumaon rito dahil kita nyang pinalo at pinisil pa ng lalaki ang puwet ng asawa nya. Hindi man nya gusto ang pag papakasal nila ni Klay. Mali na hayaan nalang nyang bastusin ito ng ibang lalaki sa harapan nya mismo. Mang hihiram sa mukha ng aso ang lalaking kasama nito pero pag labas nya saktong alis naman ng mga ito na talagang sinadya pang pakainin sya ng alikabok ng paharurutin ng mga ito ang sasakyan. Kung nandito lang sana ang motor nya hahabulin nya ang dalawa at makikita ng mga ito kung sino ang ginagago ng dalawa. 1 week palang syang nakakalipat sa bagong biling bahay nya. Bungalow modern house lang iyon sa isang exclusive subdivision. Ibenenta na nya ang condo nya dahil kung sino sino ng babae ang napunta roon. Pakiramdam nya nagiging motel na ang condo nya na dati si Tanya lang ang nakakapasok pero simula ng mag hiwalay sila kung sino sino na ang babaeng naiuwi nya roon. Hindi pa sya tapos mag ayos ng gamit ang mga magulang nya ang una nyang bisita at ang kapatid na si Dennis na isang bisexual. Marahil ang mga ito ang nag sabi kay Klay ng address nya kaya napuntahan agad sya ng asawa. Malakas talaga ang saltik minsan ni Klay. Di mo na alam kung kelan ito matinong mag isip. Isip bata pa talaga kaya paano nya seseryosohin si Klay. ******* “Hoy bakit mo naman pinausukan si Diego. Pasaway ka talaga.” ngisi ni Klay sa kaibigang si Ej. “E kasi mukhang inapi ka nanaman nya. Nakita ko sya kanina naka silip sa bintana ng kuwarto nya tas bigla nasa may pinto na agad anu yun lumipad from 2nd floor.” “hindi nya ako inapi ano.” “Kung di ka nya inapi bakit si Klay ang kaharap ko ngayon at hindi si Klary.” tumawa si Klay. “Ako pa rin to baka nalilimutan mo Ej.” ani Klary sabay tingin sa labas ng bintana ng tumatakbong sasakyan. She develop DID Dissociative identity disorder syndrome o mas kilala sa tawag na split personality. Madalas sya lang ang lumalabas sa katauhan ni Klary. Mas malakas ang personality nya kesa kay Klary na mahina at iyakin. She was only 10 years old ng una syang lumabas sa katauhan ni Klary. Iyon yun panahon na binubugbog sila ng mama nya ng step father nya muntik rin syang na rape ng stepdad nya buti nalang dumating ang mama nya at aksidenteng napatay nito ang step dad nya. Nagising nalang sya noon nasa hospital na sya. Without recollection ng mga nangyari. Napansin rin ng ina ang pag babago sa ugali nya pero hindi pumasok sa isip nito na unti unti na pala syang nakakadevelop ng sakit na DID. Alam nya kung anong hirap at sakripisyo na ang ginawa ng mama nya kaya inilihim nalang nya ang nagaganap sa kanya at pinilit na pang labanan ang sakit na meron sya. Hanggang sa dumating na ang tunay nyang ama at kinuha sila ng mama nya. Naging maayos ang buhay nilang mag ina sa hacienda ng papa nya. Ayon sa mama nya doon sya noon ipinanganak at nag kaisip 3 years old na daw sya ng umalis sila sa poder ng papa nya dahil babaero ang papa nya noon at di iyon kayang yakapin ng mama nya kaya pinili nalang nitong lumayo. Akala nito magiging masaya na ulit ito ng makikila si Tito Eugene ang step dad nya pero ng mawalan ito ng trabaho sa kanila isinisi ng mama nya dahil malas daw sila sa buhay nito. Nang bumalik naman sila sa poder ng papa nya. Naging maayos naman ang pag sasama ng magulang nya madalas lang nyang naririnig na nag aaway ang mga ito dahil sa mga babae ng papa nya. Walang ka alam alam ang magulang nya habang lumalaki sya paminsan minsan lumalabas ang isang katauhan nya at iyon nga ay sya si Klay. Ang personality nya ay ang personality na gusto ni Klary. Ang maging palaban at babaeng mamahalin ng isang lalaki at hinding hindi iiwan at sasaktan. Minsan inaabot ng buwan bago sya bumalik sa totoong sya. Lalo pat labis na nasasaktan si Klary automatic na lumalabas sya kapag sobra na yung sakit na nararamdaman ni Klary. Babalik lang ito kapag kaya na nito ulit nitong lumabas. Wala itong idea kung anong nangyayari kapag bigla syang lumalabas kaya meron sya isang diary kung saan isinusulat nya lahat na ngyayari habang sya si Klay para hindi makahalata ang mga tao sa paligid nila. Ngunit si Ej ang nakadiskubre ng lihim nya ng mawalan si klary ng malay sa harapan nito at pag gising sya na as klay ang kaharap nito. Nang una medyo na confuse lang ito pero ng bantayan na nito ang bawat pag babago at pag papalit palit nya. Noon na nito nalaman ang lahat napilitan na syang aminin rito ang totoo. Tatlong personality ang nagtatago sa loob ng katawan ni Klary. Si Klary, sya bilang Klay at si Ary ang batang klary na takot na takot na makulong sa isang madilim na kuwarto. Isang beses palang lumabas si Ary. Iyon ay yun panahon na makulong sila ni Ej sa elevator ng mag brownout bigla. Maging sya ay nagulat din di nya alam na meron pa isang personality maliban sa kanila ni Klary. Buti nalang si Ej ang kasama nya nagawa syang itago nito pansamantala sa bahay nito. 3 araw din kasi syang umakto na parang bata raw. muntik na rin nitong sabihin ang totoo sa parents nya dahil nga inabot na ng 3 araw ang personality nyang si Ary. Buti nalang daw saktong nagising sya ng puntahan at kaunin na sya ng parents nya. Nagising sya bilang si Klary kaya kahit papaano nakahinga si Klary noon. Simula mahalin ni Klary si Diego napapadalas na ang pag labas nya. Di rin naman nya akalain na iibig din sya kay Diego kahit isa lang syang alter. May pagkakataon na ayaw na din nyang bumalik bilang Klary dahil gusto nyang makasama si Diego kaso kapag lumalakas ang wheelpower ni Klary na bumalik wala nalang syang nagagawa kundi mag laho. Kaya minsan na tutuwa pa sya kapag na sasaktan ng labis si Klary dahil tiyak na lalabas sya makakasama nya si Diego. Nang gabing may mangyari sa kanila ni Diego sya ang kasama ni Diego pero bigla syang naglaho kaya nagalit pa sya noon kay Klary. Na hiniling pa nya na kapag lumabas ulit sya wag na wag na itong babalik dahil di na sya papayag. She’s also in love with Diego at ipag lalaban nya iyon kahit sarili pa nya ang kalaban nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD