Kinabukasan ay bumalik sa dating gawi ang lahat. Maagang gumising si Ycel kagaya ng kanyang nakasanayan upang ipaghanda ng pagkain ang kanyang asawa na papasok ng trabaho. Hindi niya ito ginising dahil lang sa tawag ng laman na alam niyang sinulit naman nila nang nagdaang gabi. Makikita ang ebidensya noon sa masakit niyang katawan at mapupulang marka na ito ang siyang may kagagawan. Dala iyon ng panggigigil nito na hinayaan lang niyang gawin ng asawa. Anong oras na rin sila natulog na dalawa nang dahil doon na makailang beses nilang inulit nang inulit matapos na makapahinga ng kaunti. Sinamantala nila at sinulit pa ang pagkakataong mahimbing na natutulog na ang mga anak. Minsan lang iyong mangyari kaya hindi na rin niula pinalagpas. “Feeling ko tuloy bagong kasal lang kaming dalawa, grab
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books