"ANONG meron?" tanong ni Beatrice sa sarili nang makitang nasa hall lahat ang mga bata habang sina sister naman ay abala sa pagluluto sa kusina. Agad siyang nagtungo sa pinto ng hall at sumilip doon. Kumunot ang noo niya nang makita ang mga musical instruments doon. May set ng drums, guitar, electric guitar, organ, speaker at microphones pa. “What is this all about? At saan galing ang mga instruments na ‘yon?” Nang mga oras na iyon ay naguguluhan siya at nagsimula na siyang kabahan nang maalala ang mga banta ni Sarah. “T-This can't be!” Bago pa man siya makahakbang at makapagsalita ay narinig niya ang isang pamilyar na boses na nagpabilis sa t***k ng puso niya. "Sino sa inyo ang gustong matutong mag-gitara?" "Kuya Tom ako! Ako!" excited na sigaw ng mga bata at nagtaasan pa ng kamay.