Mabilis akong dumapa sa aking kama ng marinig ko iyong pamilyar na ringtone sa aking telepono. "Hello?" Hindi maitago ang aking saya sa pagsagot noon. Iilang minuto na lamang ay pasko na. Anong hindi ko dapat ikasaya doon? Narinig ko ang pagsinghap ni Von sa kabilang linya at ang kunting patuya niya sa kanyang tawa. "Hello, Ven. Merry Christmas!" Bati niya sa kabilang linya. Medyo tahimik doon samantalang sa amin naman ay maingay, pinapunta kasi ni Mama ang ilan sa mga kakilala niya, tapos may mga babaeng pumunta dito na ikinainis ni Vernon. "Merry Christmas!" Bati ko rin sa kanya. Umupo ako sa kama at sumandal sa headboard. Kanyang hinga ang naririnig ko sa kabilang linya. "Di ka magsecelebrate ng Christmas? Bakit parang ang gloomy mo?" Di ko maiw