Wow pambihira kang babae ka, ano nga ang age mo Anna?"
"I am 19 years old po Ms Gretchen, bakit po?"
"Pwede ka na panlaban sa Ms Universe Philippines hahaha"
Sumabay din akong tumawa kay Ms Gretchen.
After ko pinakita sa kanila paano ako maglakad . kinopya ko lang naman yun kay Cat hehehe pero nilagyan ko ng taste of Annaliza naman nag modify ako ng konti nilagyan ko nga ala Sheynnis hehehe. Nag eenjoy talaga ako di ko akalain na meron pala ako talent magrampa-rampa akala ko ang alam ko lang ay rumampa sa banketa at magtinda ng balut hehehe
Nakita nila akong nag smile dahil sa aking mga iniisip pero di naman nila alam hehehe narinig ko si Ms Irene na nagsabi...
"Anna mag smile ka konti yun parang nagaatubili ka ipakita ang smile mo."
"Ganyan that's right Anna but wag kang titingin kay Sir Troy baka i target ka ng sekretarya niya hahaha, kidding aside wag kang tumingin kay Sir Troy Anna ha, mas mabuti kay Ma'am Scarlet ka titingin para walang gulo."
"Okay po mga Ms ako na po ang bahala basta ang tingnan ko ang kanilang mga ulo at matyagan ko saan si Troy uupo para hindi
maggala sa kanya ang mga mata ko hehehe."
"Ako po ang bahala Ms Gretchen, I will be good promise."
"Meron ka bang karanasan sa Pageantry Annaliza?"
"Wala po eh na shock nga ako ng makita ko sa salamin ang buong katawan ko akala ko kasi lalaki ako Ms Irene hahaha, meron din pala akong hidden talent at pwede na rin itong rampa ko naman ngayon ay kinopya ko lang po sa Miss U nila Catriona at Shinney hahaha. Don't worry po hindi kayo mapahiya sa akin."
"Okay na po ba ako mga MIss? Pwede na po ba hehe?"
"Pwedeng pwede na. dalhin nyo ang damit mo sa opisina ni Ms Irene baka pagdiskitahan yan dito ng mga bruha sa buhay natin hahaha...lalahok pa naman ata siya ang representative ng mga secretaries. Kinuha kahapon ang kanyang damit at ang iba pa niyang gamit.Sige na alis na kayo baka meron mag spy sa atin dito na meron tayong Miss U na contestant.Good luck Dai ha dapat lakas loob Dai fight natin ang ating pagka bisaya."
"Ai bisaya ka diay Ms Gretchen? Wow magkababayan diay ta Miss"
"Tsee kayong dalawa wag maging chinese hindi maintindahan anong pinagsasabi tagalog lang,"ani Ms Irene.
"Tayo na nga Anna, magpalit ka na ulit."
Nakaalis kami sa opisina ng Head HR at tinungo namin ang opisina ni Ms Irene at doon ko nilagay ang damit ko at iba ko pang gamit. Dahil meron pa akon 2 oras nag stay muna ako sa show room at nagbenta, dahil nawili ako sa ginagawa ko at lumaki ang benta in just more than an hour nakalimutan ko tuloy na meron pang rampa-rampa na gagawin ko kung di ako pimuntahan ni Ms Irene at sinabuhan mag prepare na dahil punta na kami ng Gym kung saan ang search venue na nakalimutan ko na ang goal ko ngayon na araw.
Pagkatapos kung mag change pumuna na kami sa Gym at doon na na mag make up si Annaliza dahil andun na daw ang make-up artist.
Ang Gym pala ng kumpanya ay nasa basement at nakita ko na maraming ng tao doon, andun na ang mga kapareho kung contestant hahaha para talaga siyang Pageant hahaha ngayon maghasik ng lagin ang amazona ng San Isidro hahaha. Talaga lang ha nag eenjoy talaga ako.Parang naglalaro lang ako hahaha.
Pumasok kami sa loob ng gym kasama ko si Ms Irene, pinuntahan muna namin ang secretariat na siyang nag manage ng search na ito at pina log in ako ni Ms Irish sa QR para daw makuha ang complete identification ko.
"Okay tapos na po doon ka po derecho sa make-up artist natin."
Sinamahan pa rin ako ni Miss Irene at doon ko nakita ang secretarya ng CEO nagpapamake-up din.Maganda naman siya pero maliit at sigurado ako para akong higante compared sa kanya hehehe.
Nang tingnan ko siya ulit parang may galit sa akin siguro nakita niya ang ngiti ko kanina at naimbyerna na naman sa kin, mainit talaga ang dugo nito sa akin.Bakit kaya hindi ko naman nilalandi si Sir Troy para pagselosan nya ako.
"Hala Dai you looked perfect, para kang pang MIss U, naku alam ko ko na sino panalo ngayon pa lang."
Habang nag make-up ang make=up artist sa akin na bading tinatanong ako niya baka daw gusto ko mag modelo.
Sibagot ko naman na hindi at meron na akong trabaho na maganda magpasweldo ang employer ko.
"Saan ka naman nagtrabaho Dai, at magkano ang sweldo mo baka mas malaki pa ang kita ng isang modelo."
"Naku hindi po mas malaki po dito...Dito ako sa Ladfa nagwork po, dealer sa showroon ng Jewelry."
"Ah kaya pala ayaw mo na mag modelo dito ka naman pala nagtatrabaho."
"Yes po tapos na po ba tayo?"
"Tama ka tapos na tayo at tapos na din ang search alam ko ikaw ang mananalo ang ganda mo Dai wala silang panama sayo o tingnan mo yan mukha di ba maglalaway dyan ang mga lalaki at ang figure talagang combination ni Cat at ni Shinney..."
"Ay alam mo pala?"
"Eh Day sino naman bulag hindi maka notice dyan sayo , talaga walang panama sayo yun mga malditang kasamahan mo sa search kanina pinaiyak ng bruhang yan, at ininguso niya papunta sa secretarya ng CEO, kawawa naman ang friend ko kaya ang ako nagsub eh ayaw niya dahil bad vibes daw ako sa kanya tseee .
"Tapos na ba? pwede ko na ba makita kabuuan ko?"
Tumayo ako at nakita ko sa salamin ang pinagsamang Cat at Shinney talaga. at totoo talaga sinabi ni bakla na mixed ako ng dalawa. Di talaga ako makapaniwala na ako ito, Ate kung nakikita mo lang ako ngayon maging proud ka talaga sa naging resulta ng pagpapalaki mo sa akin.Here comes your sister na Ate dalaga na po talaga at susuon na sa unang laban bilang adult.
Ngayon lahat sila na mga representative ng bawat department ay tapos na mag make-up. Ngayon pinasuot na sakin ng bakla ang sandals na gagamitin ko na pinagpraktisan ko kagabi.
"Hayan Miss Irene tingnan mo protegee mo di ba. sa tindig pa lang panalo na, meron din ba ito question and answer gaya ng Miss U?"
"Jenny right? ask ni Ms Irene sa bakla. sumagot naman si Jenny na Oo.
"Meron question and answer during the interview at hopefully malagpasan ni Anna with flying colors."
Then lumapit sa amin ang organizer at mag start na daw andoon na ang mga VIP sa may Dancing Room ni Ma'am Charity.
We followed her kasama ang mga make-up artist dahil sila din manonood daw.
"Anna good luck iha andito lang ako sa side na ito at mag checheer sa iyo basta hwag mo kalimutan na kay Ma'am Scarlet ka titingin wag sa mga lalaki para di maempluwensyahan ang mga decision nila." ani Ms Irene.
"Ms Irene saan po ba dito si Ma'am Scarlet? Ang dami kasi pala nila na babae ."
"She is wearing a flame red terno square pants and blouse at meron malaking kwentas na meron pendant Numero Uno."
"Wow siya yan ang ganda niya Ms Irene,."
"Yes super ganda parang ikaw di ba tingnan mo matangkad din siya na kapareho mo at maganda yan but deadly yan. Blackbelt yan sa lahat ng Martial arts. Anna uu nga pala nakalimutan ko baka itanong ni Ma'am Scarlet about women empowerment..Kaya mo ba sagutin yan?
"Ms Irene wag ka masyado mag alala masasagot ko yan promise."
At sa oras na iyon pumasok ang ibang mga board na siyang witness at kasama doon ang isang lalaki na humalik kay Ma'am Scarlet ng buong pagmamahal.At kasunod ni Mr Adrian Ladfa ay ang kanyang anak na si CEO TROY at ang mga mata ay sa akin nakatingin.