"Sure po Sir ako po bahala sige po salamat po talaga kahit dito po sa labas ay wala po akong babaguhin clean ko lang po."
"Okay dapat pagbutihin mo ang iyong trabaho para makaipon ka ng malaki before ang enrollment at mag apply ka sa WOMAN OF LADFA sabihin mo kay Ms Irene para matulungan ka niya."
"Okay. po Sir salamat po sa tulong nyo po."
"Wala ka ng ibang pakay Annaliza? Baka meron pa habang nag uusap pa tayo."
"Wala na po, ingat po,"
"Ikaw din wag kang mag-atubili i contact ako kung meron kang problema."
"Okay, salamat po ulit."
Yun ang naging laman ng pag uusap namin ng aking Boss. Ang bait niya sana ganun din ang lahat ng mga Bosses no, siguro ang mga empleyado ay hindi na mag iiba ng trabaho doon na until mag reitr sila. Kung ako, dito na ako maging matanda kakayanin kung ganun ang attitude ng Boss ko at hindi na ako mag iisip na humanap pa ng iba. Ito ang naglalaro sa isp o habang pababa na ako.
Nang makalabas ako ng elevator nilakad ko ang pinto nya at kumatok.
"Pasok na open yan."
Pinihit ko at totoong open nga.
"Ms Irene sana ni lock mo ang pinto hindi natin alam kung meron bang papasok na masamang tao."
"Ngayon ko lang yan inopen ng makita ko na andyan ka na Anna, anyway dinner is ready na tara."
Tinungo namin ang kanyang dining table good for 4 persons lang pero in fairness maganda ang kwarto niya maliit lang kaysa sa akin pero maganda.
"Sa totoo Anna nag eenjoy ka ba sa work mo?"
"Yes po Ms Irene sa probinsya po kasi para makatulung ako kay Ate nag oonline selling ako naglalive ako pero manghihiram pa ako ng CP ng kaibigan. Usaually 3 hours kada weekend. Sometimes kung nakakluwag din ako binibigyan ko siya ng bayad sa pagpapagamit ng CP niya." During weekdays po nasa Jolibee din ako after class. Sa weekend aside sa online selling eh naglalako din ako ng pagkain inaangkat ko po yun doon sa isang nagluluto po ng pagkain na intended talaga para ilako.Kahit anong raket po pinapasok ko mula pa ng magkaisip ako "
"Ah kaya pala parang ang gaan ng trabaho mo kanina ang dali mo lang nakumbinsi yun mga mayaman na mag sisters kanina.Proud ako sayo Anna kahit baguhan ka lang para ka ng Pro doon sa dealer counter kung buhay pa sana si Ma'am Charity sigurado ako magustuhan ka nun.'
"Huh akala ko po buhay pa kasi ang sabi ni Sir Troy wag ko da kaw pakialaman yun kabilag kwarto kahit arrangement at yun mga blanket dapat daw di lalabhan dahil gusto daw niya andun pa ang amoy ng kanyang kambal."
"Tama ka yun ang gustong isipin nila pero ayon sa mga pulis wala ng pag asa na mabuhay yun dahil sa tagal na ng panahon hindi pa rin nakita at walang palatandaan na buhay pa ito."
"Now Anna meron akong ibigay sayo isang parang book na hango sa buhay ng mga Ladfa kung baga autobiography nilang lahat at history kun saan talaga nag-umpisa ang Ladfa Jewelry.Stuy it ngayon kasi bukas na ang selection."
"Huh totoo po hala paano na yan Ms Irene sana makayanan ko po. Sige po mag study po ako ngayon gabi.Salamat po. Pwede na po ba akong pumanhik Ms Irene para maumpisahan ko na po?"
"Go and goodluck. dapat tulog ka at 10:00PM para di ka haggard bukas, dapat maganda ka bukas Anna."
Umalis ako sa condo unit ni Ms Irene dala ang nga aaralin about sa history ng Ladfa Jewelry and Gold Distribution. Nakatulog ako ng 11:00PM atgumising na naman ako ng alas 5:00AM kinaumagahan para mag review at mag prepare kailangan ko kuman ng exacto para hindi ako manginginig doon dahil sa gutom a sabihin pa nila na natatakot ako dahil nanginginig ako yun pala ay dahil sa gutom hehe.
Hindi ako matatakutin ng public speaking na kagaya ng Ate ko. Malakas ang loob ko at kahit ano pa yan basta alam ko lang hindi ako mamrublema ng isasagot.
Sabi pa nga ng mga kaklase ko na "Baga daw ko ug nawong" meaning makapal ang mukha sa mga tagalog kaya ganun na lang ako ka pursigido. Sa lahat ng laban hini ako nagpapatalo tinagurian nga ako na "Amazona ng Barangay San Isidro" dahil matangkad ako naiiba sa mga kababata kong babae at palaban, hindi nagpapatalo basta nasa tamang posisyon lang taob ang lahat na kakalaban sa akin.
Kaya walang nag dare na ligawan ako dahil mga takot sa isang amazonang may pangalan na Annaliza.
At exactly 7:30AM nasa lobby na ako naghihintay kay Ms Irene at meron malaking bag na dala para sa gagamitin ko sa interview mamaya.
"Good Morning po Ms Irene!"
"Good Morning din Annaliza tara na dahil meron ka pang kunin sa HR para sa attire mo mamaya."
"Ganun Ms Irene? Akala ko po ay uniform lang ang gamitin po."
"Hindi pala Anna yun din ang akala ko pero meron dumating na memo at sabi iba daw ang attire na gagamitin yun para na talaga sa model kaya kunin natin doon sa HR bago tayo proceed sa showroom.Alas 10:00AM mag start..nagtray ka na mag rampa-rampa gamit ang heels mo kagabi?"
"Yes Ms Irene dala-dala ko yun mga notes na bigay mo sa akin habang nagrampa pabalik-balik ng sala hehehe."
"Oh Sige Anna kailangan you will win kasi puntos natin yan mga dealers."
"Yes Ms Irene. kailangan pa ba ako maglagay ng make-up po? Dinala ko lang poMs Irene yun binili natin noon isang araw."
"Meron ata make-up artist ang kumpanya pra dyan, itanong natin sa HR."
Pagdating namin sa building pagpasok sa lobby derecho kami sa opisina ng HR at wala pa masyado tao dahil early kami.
"Gretc good morning! Okay na ba yun sa alaga ko?"
"Wow Ms Irene ang early nyo naman pero mas maganda po para matingnan natin ng maayos kung fit ba ito sa kanya. sige Miss pa change nito at labas ka dito pagkatapos para kami mag judge.Ikaw din pambato ko dahil ayaw ka na hindi manalo hehe di ba Ms Irene kailangan ang bet natin ay syang mananalo hahaha atin lang baka sabihin hindi ako fair no."
Pumasok ako sa isang kwarto doon at hinubad ko ang aking uniform at isinuot ko ang gagamitin daw ng modelo mag promote ng kumpanya.
Nang matapos ko magpalit tiningnan ko muna ang sarili ko sa malaking salamin doon. Wow ha di ako makapaniwala na ako ito ang sexy ng babae sa salamin at ang tangkad. ang legs wow kahit ako napamangha sa nakita ko palag kasi ako naka jeans sa probinsya at kahapon dito terno na slacks and blouse yun kaya ngayon ko lang nakita ang sarili na ganito ang get up. Talaga nga naman ang tao naging mas tao pa pagmaganda ang suot hehehe. Maganda naman pala ako pero bakit walang umaaligid sa akin na lalaki hahaha mabaho ba ako noon? Hai naku self wag ka nang ma stress dyan at baka mamaya hindi ka makasagot ng tanong ng panel, sino kaya ang andun sa panel mamaya...
Hay naku self wag magpakastress. Labas na tayo self para marinig natin ang verdict nila Ms Irene at Ms Gretchen.
Pagkalabas ko ang nagtsitsismisan na magkaibigan ay nilingon ako at ang reaction nila ay nakaka-amaze. Nagulat sila sa nakita, yun gulat na parang nagsasabi na hindi sila makapaniwala sa kanilang nakita kaya sa isip ko meron pang tao sa likod ko kaya nilingon ko ito.Doon pa sila nagsalita.
"Wow" ani nilang dalawa
"Ikaw ba yan Annaliza o iba ng tao hahaha nabihisan ka lang ng ganito hindi ka namin nakilala hoy bruha hahaha," ani Ms Gretchen
"Magheels ka Dai tingnan natin paano ka mag project?"
Kinuha ko ang dala kung heels at isinuot, Oh my God parang nag elevate ang earth hehehe
"Wow pambihira kang babae ka, ano nga ang age mo Anna?"
"I am 19 years old po Ms Gretchen, bakit po?"
"Pwede ka na panlaban sa Ms Universe Philippines hahaha"
Sumabay din akong tumawa kay Ms Gretchen.