Nag inform ang mga kasama niya sa trabaho via email sa nakababatang kapatid na si Annaliza at ng mabasa niya iyon ag agad-agad siyang pumunta sa Maynila .
Habang nasa bus siya naisip niya bakit ganun, sila na lang dalawa buong akala niya ilang weeks na lang maging magkasama na rin sila dahil plano na niya na puntahan na niya si Ate niya sa Maynila. Ate akala ko hindi mo ako iiwan andami pa sana natin mga plano na magpayaman tayo kaya nga pumunta a ng Maynila peo bakit ngayon hindi mo na ako nahintay.Sana nagsabi ka sa akin ano ang problema mo huhuhu.Ang aking mga luha ay hindi ko mapigilan nag sisiunahan mahulog sa aking pisngi halos hindi ko na makita ang unahan.
Lord ano na po ang mangyari sa akin kung iniwan na ako ng Ate ko.Paano na ang aking mga pangarap? Ano na ang mangyari sa akin? Ano na ang gagawin ko Ate.
Sa kabuuan ng biyahe ko lahat ay iyak lang ang nagawa ko kaya ng wala na akong miulaha pa tsaka ko inisip na sana makakita ako ng trabaho sa Maynila para naman hindi muna ako babalik na Visayas.
Dumating ako ng Ladfa Building hapon na. Grabe ang ganda ng building nila at nakita ko ang jewelry store kaagad doon naka assign ng trabaho ang Ate ko.Pumasok ako at sinalubong ako ng Guard.
"Ano po ang atin Miss?"
"Ai Manong Guard ako po ang kapatid ni Shiena DeLos Reyes ako po si Annaliza DeLos Reyes po meron kasing Email sa akin ang company to claim ng kanyang remaining salary at some insurances na bigay ng company." Habang nagsasalita ang luha ay tumutula na sa aking mga mata at nag-aalpasan mahulog patungo sa aking mga pisngi.
Nakatingin sa akin ang Guard na may awa sa mga mata.Miss Annaliza condolence Ms, kami din ay nalungkot sa sinapit ni Ms Shiena sumalangit sana ang kanyang kaluluwa.
"Dito tayo Miss sa Reception tayo na at sila na ang mag guide sa yo saan ka pupunta sunod."
"Ms Irene nandito na po ang kapatid ni Ms Shiena po si Ms Annaliza..."
"Oh my God Annaliza, I am so sorry Darling we never knew na meron pala problema ang Ate mo.Hindi namin alam na meron pala siyang pinagdaanan kung alam lang namin natulungan namin siya, hindi kasi siya nagsasabi ng kanyang mga hinaing sa amin masyadong secretive."
Wala na hindi ko na mapigilan ang sarili ko ang aking tangis ay nakakahawa na sa lahat na andoon. Kaming lahat kasama ang kanyang mga katrabaho ni Ate ay kasama ko sa pag iyak at ibinuhos ko lahat ang sakit ng nawalan ng kapatid.
Nang medyo nakapagrelax na ako at sila naman ay medyo nahimasmasan na din dinala ako ni Ms Irene sa isang department para makuha ko ang insurance ng Ate ko.Binigay ko ang Voter's ID para sa identification ko na nagpatotoo na kapatid niya.
"Ms Annaliza ito po ang last salary ng Ate mo 35,000.00 pesos at meron siyang 13th month pay na another 35,000.00 pesos then death insurance na 90,000.00 pesos at ang CEO gusto ka niyang makita at meron din siyang personal na ibigay sayo. It concern of another financial assistance." sabi ng Head ng Finance na si Ma'am Haidee.
"Tara Ms punta tayo sa taas sa opisina ng CEO."
Nang marating namin ang floor kung nasaan ang CEO sinalubong kami ng Sekretarya nito at nakita ko na medyo tumingin siya ng matagal sa akin.
"Ano po kailangan natin Ms Irene?"
"Andyan si SIr Troy?"
"At bakit ano ang kailangan mo sa kanya, wala ka yata appointment ah."
"At bakit ako mangangailangan pa ng appointment eh just announce me that i am here to see him that is your work you know, di mo ba alam ang protocol dito ? Ilang taon ka na ba dito Ms Secretary na hindi mo alam na labas pasok ako ng opisina na yan na walang appointment...Bakit Ms Secretary takot ka ba na maagawan? ANNOUNCE ME NOW!
Hindi naka sagot ang sekretarya dumiretso siya sa pinto kumatok at pinihit ang siradura at pumasok.Sir Ms Irene is here to see you, is it okay Sir?
Without looking at her he answered, Yes let her in.
She stands their looking at him waiting pero wala kahit tingin man lang kaya lumabas na lang ito.
"Pwede na kayo pumasok Ms Irene."
Inirapan ni Ms Irene ang sekretarya ng CEO at dumeritsong pumasok at hindi nagpasalamat.
Sir Troy good afternoon po, andito na po ang kapatid ni Shiena pinapunta po kami ng finance dahil gusto mo raw makausap.
Nakuha ang attention ng CEO ng banggitin ang pangalan ng Ate ko at ng tumingin siya sa akin mas namangha pa ito sandali pero natauhan din.
Ms Irene pwede mo na kami iwanan.
“Okay Sir.Iiwan muna kita dito Annaliza at pagkatapos no dito balik ka sa office ko before ka mag out.”
“Okay po Ms Irene, salamat po.
All the time na nag uusap sila ay nakaytingin lang kay Annaliza ang CEO ng kumpanya na pinagtatrabahuan ng kapatid niya.
“Good afternoon po, ako po si Annaliza nag iisang kapatid ni Shiena po.”
“Naikwento ka sa akin ng kapatid mo, ilang taon ka na at anong year ka sa college?”
“Magcollege pa lang po ako Sir 19 years old po ako at katatapos lang po ng Senior High sa amin probinsya.”
“Alam ko Annaliza na dalawa lang kayo ng Ate mo saan ka ngayon titira dito sa Manila?”
“Hindi ko po alam Sir, siguro titingin po muna ako ng bedspacer para mapagkasya ko ang binigay na benifit ng finance department ng kumpanya sa akin at maghanap na rin ng mapasukan na work para naman di maubos ang pero na kay Ate pa pinagtrabahuan.”
“Kung ganun pala wala ka pang matuluyan ngayon, sige meron akong condo na hindi ko ginagamit na malapit rito pwede kita ipahatid doon at marami naman ditong mga restaurant or mall na pwede mo mapag aplayan pwede din na ikaw ang i replace sa ate mo dito sa posisyon niya pero dapat na maturuan ka ni Ms Irene.”
Namangha ako sa offer nya parang hulog siya ng langit sa akin at napakabait niya .
“Talaga po Sir tutulungan nyo po ako, salamat po sir! Hinawakan ko ang kamay nya sa sobra kung saya at sa paghawak ko ay na feel ko ang daang boltahe na pumasok sa kamay hanggang sa dibdib at buong katawan ko. Siya din alam ko na na feel niya iyo kayat kunuha niya kaagad ang kanyang kamay.
“Ay sorry po Mr CEO pero salamat po talaga sa offer nyo i grab ko po dahil wala talaga akong matuluyan at salamat sa offer na trabaho pagbutihin ko po.”
Kinuha niya ang phone at tinawagan si Ms Irene.
“Balik ka muna dito Irene meron tayo pag uusapan sandali.”
Dumating nga si Ms Irene.
“Yes Sir ano po yun?”
“Wala palang matutuluyan itong si Annaliza meron akong isang unit na condo doon sa building na tinutuluyan mo doon muna siya mag stay Irene at ikaw na bahala sa kanya at yun posisyon na iniwan ng kapatid niya ay ibigay mo sa kanya at i train mo ng mabuti.”
“Wow ganun po ba Sir? Sige po ako na po ang bahala sa kanya bigyan ko na po siya ng uniform na magagamit at sasamahan din kita na bumili ng sapatos mo para magamit mo bukas. Okay na pi Sir alis na pi kami.”
“Wait, here use my card Annaliza sayo na yan.”
“Naku wag na po meron na naman ako magamit dito Sir malaki na po ang tulong na binigay nyo wag na po.”
“Irene kunin mo ito gamitin mo sa pagbili ng mga gamit niya at pagkatapos ibigay mo na sa kanya.”
“Okay po Sir Troy, tara na Annaliza puntan muna tayo ng HR para mag fill up ka then shopping tayo at derecho na tayo sa condo mo.Alis na po kami Sir.”
“Okay.”
Pumunta kami ng HR para maka pirma aki ng kontrata at makuha ko ang 5 sets of uniforn na exactong-exacto sa akin. Dumiretso kami sa Mall at doon namili ng napakarami mula sapatos, sandals, rubbershoes at house slippers. Mga damit binilhan nya din ako at underwears.
Namangha ako sa sobrang daming pinamili namin.
“May cellphone ka ba Annaliza?”
“Naku keypad meron pero smartphone wala po ayaw ko maggasta dahil alam ko pinaghirapan ni Ate ang pinapadala sa akin.”
“Tara doon tayo sa may cellphone”
“Ha wag na Ms Irene andami na po ng binili natin kawawa po si Mr CEO ang laki na ata ang nabawas sa Card ni Sir.”
“Hay naku bata ka, habang hinawakan niya kamay ko at pumunta kami sa may kiost ng cellphone doon at nagpakuha siya ng isa, Oh ito ang sayo isang iphone 13 promax at isang ipad 10th Gen white.
“Naku Ms Irene baka sabihin ng CEO na inubus ko ang pera niya. Tama na po.”
“Itong bata na ito binigay nga ni Sir ang black card niya para gamitin mo wag ka na magreklamo. Doon tayo na naman sa mga pampabeauty para meron ka magamit bukas.”
To sum it all binili namin ang lahat meron si SM.