Totoo nga sa Condo ako dinala ni Ms Irene at sabi niya ang kanyang unit daw ay nasa ibaba, bukas daw dapat nasa baba na ako at exactly 7:30AM. Di na daw magdala ng lunch dahil libre daw sa cafeteria at meron pa daw snack sa morning at sa hapon.
Pagpasok pa lang namin WOW ang ganda naman nito para akong buhay Prinsesa ako dito ang ref ay puno ng pagkain. Meron pang beer at ladies beer.
Dalawa ang kwarto ang Condo na ito at ang isa ay nakalock kaya sa pangalawa ako pumasok dahil maganda naman siya meron pang TV sa loob ng kwarto at iba din sa sala.
"Annaliza Dai balik muna ako ng company at ito ang black card ni Sir dapat hindi ito mawala at dapat if meron nangyari dito sabihin mo agad kay Sir Troy kung ano ang nangyari para maabisohan niya ang banko."
"Opo Ms Irene, salamat po sa pagtulong mo sa akin.Ipaabot mo din kay Sir Troy ang pasasalamat ko.”
Nakaalis na si Ms Irene at ako naman ay nakaupo lang sa sofa ng condo na ito, Ang aking isip ay nasa Ate ko pa rin. Maganda pa naman sana pala ang trabaho niya sana hindi pa siya sumakabilang buhay para naman na enjoy pa niya ang magandang pasweldo ng lanyang pinagtrabahuhan kumpanya.
Nang magtakip silim na pumunta na ako ng kitchen, magara din ang kitchen ngunit halata na hindi ito nagagamit masyado at tiningnan ko ang REf nakita ko na meron bagong inistock na pwede ko maluto pinabilhan siguro ito ng may ari. Ang bait naman niya at naisipan pa niyang punuin ito ng pwede ko lulutuin.
After ko magluto ay kumain na kaagad ako na palagi ko ginagawa sa probinsya namin para naman makapag part time ako sa isang Bar doon sa gabi.nakaugalian ko na doon na maaga talaga maghapunan kaya yun na rin ang ginawa ko dito. Pagkatapos pumunta na ako sa kwarto na alam ko pwede kong pagtulugan para mai arrange ang dala kung gamit at kasama na din ang mga bagong pinamili namin ni Ms Irene. Nang matapos lumabas ako muli para ma siguro ko na nakalocked ang dalawang pinto yun main door at saka yun sa Terrace sa may sala.
Pagkatapos ng checking ko sa buong bahay nagbanyo ako at pagpasok ko nakita ko na ang gara ng banyo na nasa loob ng kwarto ko,
Ang daming mapagpipilian na sabon meron bar at meron liquid ang shampoo din ang dami at meron pang skincare na nakalagay sa cabinet.Sino kaya ang unang tumira dito? Pwede ko kaya ito gamitin baka magalit yun.
Sa may mga skin care meron akong nakitang isang note.
Annaliza para sayo daw ito sabi ni Sir kaya pwede mo lahat gamitin arranged ko na lang para hindi magkalat.
Personal driver ni Sir Troy po Maam si Manong RUBEN nyo Mam.
Ganun naman pala so gagamitin ko ito pala pero di lang maging burara ey pera itong pinambili ng ibang tao baka naman sabihin namimihasa na ako siguro naawa lang sa akin ang may ari ng kumpanya dahil mag isa lang ako.
Pagkatapos kung magshower nag damit na ako ng dala kung pambahay at kunuha ko yun mga pamphlets ma bigay sa akin ni Ms Irene mga pictures yun ng jewelry na meron sila at dapat daw ma study ko bawat isa para naman kung meron client pwede ako mag recommend. Yun daw ang trabaho ng Ate ko noon ng buhay pa siya. San Sunday pwede ko bibisitahin ang puntod nia Ate ngayon dahil mag uumpisa pa ako dapat focus muna ako sa binigay nila na trabaho.
Then pagkatapos kung mahalungkat yun lahat at meron na akong knwledge sa mg jewelry naremember ko na about sa pera na nakuha ko sa kumpanya malaki din yun kailangan ko mag open ng bank account para maideposito ko yun at magamit ko sa future na andito ako sa Maynila at wag gastahin masyado.
Sa loob ng dressing room meron doon maliit na vault open ito at may nakalagay sa ilalim na papil na may vault lock combination, memorize ko yun at try ko muna kung tama ba....tsaka ko nilagay doon ang pera ko.Pangmayaman talaga ang condo na ito sa may ari talaga ito.
Para makatulog ako nagbukas muna ako ng TV at nanood sandali ng mag alas 9:00 nakatulog na ako at nagising ako ng mag ring ang bago namin binili ni Ms Irene na phone. wala pa naman naka phonebook kaya wala lumabas na name number lang.
'Hello sino po sila?"
HIndi sumagot ang nasa kabilang linyo ng medyo matagal. Sino po sila ? nagtanong ako ulit.
"Annaliza si Troy ito, kumusta ka na dyan okay lang ba ang condo mo?"
"Hala Sir ikaw pala yan,sorry po matagal ko nasagot nakatulog na ksi ako, salamat po pala Sir sa lahat po. Okay po ako dito Sir."
"Oh sige i just want to make sure, sige matulog ka na para di ka ma late bukas, Bye"
“Salamat po Sir, ang bait nyo po.Salamat po talaga.”
Punutol ni Sir Troy ang tawag niya. At ako naman bumalik na ng tulog.
Nakatulugan ko ang pag iisip na ang swerte pala sana ni Ate sa kanyang Boss mabait at gwapo pa hehe.
Nang magising ako kinaumagahan feeling ko isang bagong umaga ito ng buhay ko, salamat naman kay Ate kahit wala na siya tinulungan pa rin nya ako.Ngayon ang first day ng trabaho ko kaya kailangan pag igihan ko para hindi naman mapahiya si Ate.
Bumaba ako ng floor ko alas 7:00AM ng umaga nag wait na lang ako doon sa sofa sa may reception area at habang nandoon ako try ko open ang CP ko at ang data nito at search ko ang name ng CEO ng Ladfa Jewelry at nakita ko nga .Siya pala ay isang binata pa at womanizer daw pero hindi naman halata kahapon ang nakita ko sa kanya ay ang pagkaawa sa akin at meron pang iba yun guilt na parang meron siyang tinatago na sakit sa loob. Baka sa isip ko kahapon baka namatayan din si CEO ng kapatid at ngayon nabasa ko nga na ang kanyang kambal ay missing in action hanggang ngayon 9 years ago na ang nakalipas.
Na involve ito sa isang chopper bombing, ang piloto nakita pero ang katawang ng kambal niya ay hindi. Hmmmp kaya siguro may pain sa kanyang mga mata.
Magkapareho pala kami walang kapatid pero mabuti siya meron pang mga magulang at hindi siya masyado malungkot kasi kumpleto pa ang Parents niya meron pa nga siyang grandparents samantala ako wala na.
Haist ang buhay talaga hindi natin malaman na ngayon super ligaya natin pero ilang oras after ang ligayang iyo ay naging hinagpis.
Ilang minuto di ko namalayan na mag 7:30 na pala at lumabas na sa elevator si Ms Irene.
"Kanina ka pa naghintay sa akin Annaliza?"
"Good morning po Ms Irene hindi naman po at nalibang din ako mag browse sa CP ko po Ms Irene kaya di ko rin namalayan ang oras."
"Tara na Annaliza , Oo nga pala kamusta ang pagtulog mo?"
"Okay naman po Ms Irene medyo namahay lang po pero nakatulog naman ako sa kalaunan at nagising ng fresh, sana andito pa si Ate. Oo nga pala Ms Irene alam nyo po ba nasaan inilibing si Ate bibisita po sana ako sa Sunday po."
"Sige samahan kita ako kasi ang nag arrange ng lahat Annaliza."
"Salamat po Ms Irene kung hindi dahil sa inyo di po siguro ako mapasok sa trabaho."
"Annaliza be careful doon sa secretary ni Sir Troy binabakuran nya boss niya, meron kasi siya gusto kay Sir Troy eh si Sir walang plano mag girlfriends gusto lang nun ay playmate in bed yun walang string attach yun ang gusto niya.Kaya mag ingat ka sa bruhang secretary niya.Huwag kang pa bully sa kanya kailangan lumaban ka."
"Noted po Ms Irene"
_____________