Chapter 20: Na-miss kita

1502 Words

Parang itinulos sa kinatatayuan ang mga paa ni Rani at hindi iyon magawang maihakbang nang marinig niya ang huling sinabi ni Figuro. Napansin niya na iba ang tingin nito sa kanya kanina pa habang abala siya sa pag-aayos ng mga damit niya. Hindi niya mapigilan ang kabahan. Alam niyang ginagawa ni Figur iyon upang matiyagang obserbahan ang kanyang mga galaw. Nababasa niya sa mga mata nito na ang binata ay nakakahalata na sa malaking pagkakaiba nila ni Dani kahit na kambal. Mukhang puso ang pinapairal nito. Dismayadong naisip ni Rani na maloko man niya ito sa mukha, subalit ang laman ng puso nito at totoong mahal ay hinding-hindi niya pwedeng madaya. Kampante ang emosyong ipinakita niya ng humarap siya sa banda ni Figuro. “Bakit mo ako pinapalapit? Anong gagawin mo sa akin?” “Wala. Kailang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD