"f**k!!! humanda ka talaga sa akin babae ka ! pag ako talaga nabaog sa ginawa mo sakin gagawin kong impyerno buhay mo!!!" mahinang usap niya sa knyang sarili...
Naalala niya ang kaganapan kanina sa may hallway ang babaeng malakas ang loob na sigawan siya at utusan,nainis siya sa paraan ng pagtawag sa knya nito na "TUKMOL" ,at ang pinaka lalong nagpainit sa knyang ulo nang tuhurin nito ang kanyang pagkal****i , sobrang pagtitimpi ang ginawa niya kahit na namimilipit na siya sa sobrang sakit ng ginawa sa knya ng babae na halos mabasag na ang itlog niya sa pagtuhod nito ,pasalamat lang ito dahil nasa public place cla at madaming nkakakilala sa kanya sa naturang lugar ,walang babae ang sumubok na lumapit at gustong kuma-usap sa knya , kaya first time niyang makaharap ng ganun babae na maamong mukha na akala mo di makabasag pinggan pero mala AMAZONA ang pag uugali nito , Ngunit nang mapalapit siya dahil sa pararaan ng paghatak niya sa babae ay natigilan siya at may mga ala-ala na bumalik sa knyang isipan..
na sa malalim siyang pag iisip kung kaya di na niya namalayan ang pagkatok at pagpasok ng isang imahe sa kanyang opisina ..
Nahimasmasan siya ng may biglang may nagsalita ,,,,,,,,,
"HI MAHAL KONG KAPATID "pagbati sa knya na may malawak na ngiti sa mga labi...na sinalubungan naman niya ito ng malamig na tingin at tinaasan pa ng kilay ....
"ganyan kaba talaga mag welcome sa bunso mong kapatid???" may pagmamaktol nito
"Susulpot ka dito basta basta na wala txt o tawag man lang tas gusto mo salubungin kita ng yakap at magtatalon ako dito sa tuwa????? galit na turan niya sa bunsong kapatid.
" kuya chill kalang !!!! SUPRESA NGA DIBA ? alangan naman sabihin ko na kuya uuwi ako isusupresa ko kayo !? natatawang pagpapaliwanag nito.
Napailing nalang siya sa kapilosopohan nito...akmang tatayo siya ng biglang yakapin siya nito,kaya mabilis ang kilos na iniwasan niya ito .at naglakad paika-paika papuntang cr , paglingon niya nakita niya itong natatawa
"kuya mukhang napalaban tayo ah ,parang di mo tigilan magdamag ah???" nakangising sabi nito
" manahimik ka NATHANIEL baka gusto mong ikaw din mabetlugan ko !! galit na sabi niya
" So ? hindi pala sa digmaan na palaban kuya ? kundi natadyakan ??"sabay halakhak ni Nathaniel
babatuhin na sana niya ito ng biglang nagmamadaling tumakbo palabas ....uupo na sana siya ng biglang lumabas ang ulo ni Nathaniel sa nakauwang na pinto .
" Kuya NATAHAN hintayin kita sa baba ,punta tayong BAR ,itry muna ibaril yan baka hindi kana makabuo niyan sabay tawa ,at sarado ng pinto ... napailing nalang siya ...
Wala talagang pinagbago ang kapatid niyang si NIEL simula bata palang may taglay na kakulitan...
malaki ang pagkakaiba nilang dalawang magkapatid masayahin at palakaibigan si NIEL na kinabaliktaran ng pag uugali niya ... bata palang sila wla na siyang inatupag kundi ang pag-aralan ang pagpapatakbo ng kumpanya nila ibang iba ang kinagisnan nabuhay niya sa buhay ni Niel, kung kaya naging striktong tao siya ....
"Nathan Lee Sucapco panganay na anak ng mag asawang Sucapco , kilalang taga pag mana ng SUCAPCO COMPANY , dalawa lang silang anak kung kaya siya ang magmamana ng kumpanya nila dahil siya ang panganay kaya siya ang inatasan magpalakad nito ,ilan beses na kinulit ng kanyang ama si Niel na tulungan siya nito magpalakad lagi nlang nito kinakatwiran na madami pa siya gusto gawin sa buhay kaya siya nalang umako mag isa pra sa kapatid niya..
Mabilis na inayos niya ang kanyang mesa at nagsimula ng umuwi ,nakita niya si Niel na nkikipag kwentuhan sa mga staff nila.. napailing nalang siya sa ugali ng kapatid "kahit kailan talaga napaka-isip bata nito" napapailing siya na lumapit dto.
ngunit hindi pa siya nkakalapit ,akala mo naman nakakita ng multo ang mga staff kanya-kanyang alis ang mga ksma nito... na-ipinagtaka ng kapatid niya kaya lumingon ito sa kinaroroonan niya.
" Kaya pala ang bibilis nilang nawala Dumating na pala ang HARI NA PINAGLIHI SA SAMA NG LOOB " natatawang sabi ni Niel
"mang aasar ka nalang ba dian ??uuwi nalang ako kasi inuubos mo oras ko" seryosong sabi ko
"eto naman di mabiro kaya walang nalapit sayong babae ,kasi para kang babaeng nireregla lagi mainit ulo hahaha" pag aasar ni Niel
nilagpasan nalang niya ito at nauna nang maglakad papuntang parking lot, maya maya sumunod narin ito sa knya ,hinagis niya ang susi na mabilis naman nasalo ni niel, hinayaan niya itong mag drive dahil mejo makirot parin ang be***g niya ....
Dirin nag-tagal narating nila ang "Z.D.G BAR "na pag mamay-ari ng kaibigan niyang si ZHIEZAR DACAN GERRERO ,mayayaman at mga sikat lang ang madalas nagpupunta sa naturang bar ,dahil hindi ka basta basta mkakapasok dito kung wla kang Z CARD na nagkakahalaga lang naman ito 1.5M , kahit sila hindi nakaligtas sa pambobogus nito siningil din sila at walng kaibigan kaibigan daw pagdating sa negosyo,na akala mo namumulubi ,nagbigay nga ng discount sa kanilang magkakaibigan kaso wla pa sa lilibuhin ang binawas ,daig pa nito ang may anak ng dosena kung manggipit at maningil sa knila.
nilapitan at sinabihan siya ng isang staff ng bar na ok na ang V.I.P room na gagamitin nila.
nauna nang pumunta si Niel sa room na inukupa nila,kaya napag pasyahan narin niyang sumod dito,saktong pagbukas niya ng pinto isa lata ng beer ang tumambad sa kanya buti nalang mabilis niya itong nailagan ngunit sa diinaasahan nasa likoran niya narin pala ang isa pang kaibigan..kung kaya eto ang natamaan sa mukha ng lata ng beer..
"Tang ina mo James !!!! kahit kailan talaga malas ka sa buhay ko!!! nanggigiliiting turan ng kaibigan
"Tang-ina morin Kier !! si Nathan ang sisihin mo dahil hindi niya sinalo yung pinukol kong beer !! sabay halagapak ng tawa , kaya binalingan siya ng tingin ni Kier . na pinakitaan niya lang ng gitnang daliri ..
isa isa siyang binati ng mga kaibigan,kaya wala na siyang nagawa kundi umupo sa isang bakanteng sofa,
walaaa ginawa ang mga ito kundi mag ingay ,ang balak na sana'y tahimik na inuman nilang dalawang magkapatid ay kabaliktaran dahil sa magugulo niyang kaibigan,, napailing nalang siya sa mga asal ng mga ito,tahimik siyang sumisimsim ng alak ng may magvibrate sa bulsa ng pantalon niya hinugot at tinignan niya kung sino ang natawag , ng makilala niya kung sino ang natawag ay sinagot niya to,
"hello Tan meron kana ba nakalap na impormasyon??"
" boss hinagilap na po namin ang lahat pero ni isa wala kame makuhang record ,mukha di lang basta-bastang tao ang pinapahanap mo ,kahit sa lugar ng pinanggalingan ay walang nakuha ang CCTV ,magagaling na inspector na ang hinired natin pero sadyang magaling ito magtago" pagbibigay alam ng kanang kamay niya.
" f**k ! ISANG TAO LANG PINAPAHANAP KO HINDI NILA MAHAGILAP ANONG SILBI NG BINABAYAD KO SA KAnila, humanap ka ng magaling at pulido magtrabaho ."
sa sobrang inis na ibato niya ang hawak na abeer ,kaya napunta ang atensyon ng lahat sa kanya,
" Bro 20M kapalit ng impormsyon na hinahanap mo" agaw pansin ng nagsalita ,tinaasan niya lang ito ng kilay at malamig na tinignan
" DAMN ELY ! kahit kailan talaga buraot kang hayop ka..sino ba nagyaya sainyong lahat dito? " galit na turan niya dito..nanginisihan naman ni ELy
"si NIEl " sabay sabay na sagot nilang laahat.sabay piece sign ni Niel...
"ikaw din bro mauubos lang ang kayamanan mo kakahanap sa taong yun " may kasiguruhan na sagot nito sa kanya.
tinitigan niya lang ang kaibigan, hindi sa wala siyang tiwala dito ayaw niya lang makaabal pa siya sa kaibigan para lang sa problemang kinakaharap niya. isang magaling at matinik na Detective
si ELYZIER Co ,lahat ng mission na binibigay sa kanya ay mabilis niya nalulutas , kaya hanga siya sa galing nito kahit na isa sa pinaka kurakot sa kanila magkakaibigan ,pero alam niya ang hinaharap nitong mga problema kahit di nito sabihin nirerespeto nilang magkakaibigan kung ano dahilan nito para sarilihin ang problema ,na katulad niya ayaw niya rin idamay pa ito sa kanyang inaalala.....sapat na sa kanya na may mga kaibigan siyang handang tumulong..
natauhan siya sa pagbabalik tanaw ng sabay-sabay nagsitauyuan ang mga kaibigan .......
"San kayo punta? " maypagtatakang tanong niya..
"To the moon,roadtrip,broom broom,skrrrt skrrrt ,zoom zoom sa fake no room " sabay-sabay na sagot ng mga ito sa knya at may pagsayaw pa ...
mabilis na hinugot niya ang baril at mabilis na kinasa sabay tingin sa mga kaibigan ,nakita niya ang biglang pamumutla ng nga mukha nito...akmang tatayo na siya biglang nagsitakbuhan ang mga ito na akala mo hinahabol ng kung sino ,halos magkada ngudngod ang iba niyang kaibigan sa pkikipag unahan lumabas ng pinto.. napailing nalang siya sa pagiging isip bata ng mga kaibigan ...sa mantala ang kapatid niya ay tawa lang ng tawa habang nakitingin sa kanila...ng makaalis na ng tuluyan ang mga kaibigan silang dalawa nalang ang naiwan kumuha siya ng isang beer at umupo sa tabi nito..
"hanggang kelan mo siya balak hanapin kuya?"
pag basag ni Niel sa katahimikan nila
tinignan niya ito at sabay lagok ng beer, napabuntong hininga nalang siya,dahil kahit siya hindi niya alam bakit niya hinahagilap ang taong iyon ,na kahit palaisipan sa kanya kung pinapahanap din ba siya nito...