Lumipas ang ilang linggo,Maaga uamalis ang secretary niyang si Trisha para mag asikaso sa pagdedeliver ng mga cupcakes at cake sa venue ito ang inatasan niyang magbantay .. ...
si Trisha ang nag-iisang pinagkakatiwalaan niya matalino at magaling ito sa lahat ng bagay ,kaya tanga ang mga kompanyang pinag applyan nito at hindi tinanggap , Nakilala niya ito nung namimili siya sa may Divisoria nung insidenteng hinablot ang kanyang bag at nagkataon naroon si Trisha siya ang nagtisod sa magnanakaw kaya nabitawan nito ang bag na hinablot sa knya...laking pasasalamt niya sa babae ng mabalik ang bag niya binibigyan niya ito ng pera bilang pasasalamat pero tinanggihan lang niya ito kahit anong pamimilit niya dito ay tinatanggihan kaya inalok niya ito magtrabaho sa knya bilang Sekretarya niya natuwa naman si Trisha at agad na tinanggap halos mangiyak-ngiyak ito sa tuwa dahil ang tagal na daw niya nag aapply pero ni isa ay puro tatawagan at ittxt ang nakukuha niyang sagot ,naiintindihan naman niya daw kung bakit hindi siya matanggap dahil highschool lang natapos niya dahil maagang naulila sa magulang kaya napilitang tumigil sa pag aaral at naisipang maghanap buhay...
Napagpasyahan na niyang mag ayos, dahil nagtxt sa kanya si Niel na susunduin siya nito, Nalaman niyang si Niel pala ang anak na tinutukoy ni Mrs.Sucapco na magdiriwang ng kaarawan ,Nung nagpunta si Niel upang idala ang invitation sa kanya ,ayaw niya sanang pumunta ngunit mapilit talaga ang lalaki hindi siya nito tinigilan hanggang hindi siya napapapayag nito ,hindi talaga siya nagpupunta sa mga ganun okasyon madalas ang inuutusan niya ang kanyang secretary at isa pa gusto ni Niel na ipakilala siya sa mga magulang at kuya nito khit na nakilala na niya ang ina nito ay nhihiya parin siya, baka isipin pa ng mga bisita nito ay nililigawan siya hindi naman sa assumming siya pero alam niya kilala ang pamilya nila Niel sa buong mundo, Sinipat niya ang sarili sa salamin Nakasuot siya ng simpleng dress na kulay maroon na lalong bumagay sa kanya lumitaw lalo ang kaputian kahit na close ang damit nito bakat ang malulusog na dibdib nito pati ang hubog ng katawan,iniligay nalang niya ang magagandang buhok at naglagay ng manipis na make up na lalong nag palabas ng ganda niya,......
Biglang may bumusina na sasakyan ,muli sinipat ang sarili sa salamin at ng makuntento ay bumaba nasiya ,bumungad sa kanya ang gwapong mukha ni Niel nakasuot ito ng itim na tuxedo ,napatulala ito saglit sa kanya maya maya ay pinagbuksan na siya ng pinto ng sasakyan,tahimik lang silang dalawa sa buong byahe ,buti nalang hindi traffic kaya mabilis nila natungo ang lugar na pagdarausan ,bubuksan na sana niya ang pinto ng sasakyan ng biglang pigilan siya ni Niel sa kamay ,may pagtataka niya ito tinignan nailang siya dahil mejo malapit ang mukha nito sa knya
"C-la-i-re? nasabi ko ba sayo kanina na your so Gorgeous tonight " nahihiyang sabi nito ..sabay labas ng sasakyan naiwan siyang tulala at pinamulahan siya ng mukha sa pamamaran ng pagsabi nito sa knya,pinagbuksan siya ni Niel ng pinto at inalalayan sa paglabas,sari-saring ilaw ang bumungad sa kanilang dalawa....inaya siyang pumunta sa table ng mga magulang nito pinakilala siya isa isa sa mga magulang at kamag anak nito ,mababait ang buong pamilya ni Niel lalo ang mag asawang Sucapco kaya d na siya nagtaka bakit napakabait ni Niel...tuwang tuwa sa knya si Mrs.Sucapco hindi na siya nito pinaalis sa kanyang tabi gustong gusto daw kasi ni Mrs.Sucapco ng anak na babae pero d na siya pinalad magkaanak ng babae dahil delikado na sa kanya ang magbuntis pa ng pangatlo,kaya sabik na sabik ito sa babaeng anak, naikwento nito ang anak niyang panganay na kuya ni Niel lagi niya daw ito inuutusan na mag asawa na pra magkaron sila ng apo , pero mukhang pihikan kasi lagi daw nagsusungit sa tuwing may lalapit na babae o may ipapakilala sila,,,
Nacurious siya sa panganay na anak ni Mrs.Sucapco ,hindi niya alam pero parang nasasabik siyang makilala ito ,nag paalam muna siya na magpupunta ng restroom ,ilang minuto din ang tinagal niya sa restroom naglalakad na siya pabalik ng mayhumatak sa kanya ,napadaing siya ng biglang isandal siya sa may pader ,,,,,
" ouch!!! ikaw nanaman ???pede ba bitawan moko !!!! " nagpupumiglas na sabi ko.pero mas lalo nito hinigpitan .....
" aray sabing bitawan moko " pag uulit ko
"Who are you?" seryosong tanong nito..
"ako diba dapat ang magtanong sayo niyan ,kaya bitawan moko kung ayaw mo magsisigaw ako dito? ", bagbabanta niya pero nginisihan lang siya nito na akala mo nagbibiro siya,sisigaw na siya ng takpan nito ang bibig niya ...
"Subukan mong sumigaw Hahalikan kita diyan" pagbabanta nito ,pero di siya ntakot dito , kaya nagsumigaw siya para may makarinig , pero sa inis ng lalaki ay hinatak siya nito palapit sa kanya at walang pag-aalinlangan na hinalikan siya natigilan siya sa ginawa nang lalaki ,maya maya nararamdaman niyang unti-unti gumagalaw ang labi nito kaya nagpupumiglas siya pero sadyang malakas ang lalaki pilit na ibinubuka ang kanyang mga labi pero pilit niya tinitikom ito kaya kinagat nito ang ilalim ng labi niya at malayang pinasok ang dila sa nakauwang na labi niya lasa niya ang alak na nanggaling sa bibig ng lalaki ,pilit niya itong tinutulak pero sadyang nakorner na siya nito ,nanghihina narin siya kakapiglas ,sa pamamaraan ng halik nito hindi niya namamalayan na nadadala na siya sa halik nito na tumutugon narin siya sa lalaki...
natauhan lang siya ng tumunog ang cellphone niya kaya sa sobrang bigla ay naitulak niya ito, at nagmamadaling umalis ,ittxt nalang niya si Niel pra magpaalam na umuwi na siya at humingi ng pasensya sa mga mgulang nito kung bakit di siya nkapag paalam, halos patakbo na ang ginagawa niyang paglakad para lang makalayo, dahil hinahabol parin siya ng lalaki nakasalubong nia si Niel na may pag aalala sa mukha,......
"Claire??? san ka galing tagal mong bumalik pinag alala moko " nag aalang tanong ni Niel
" Nag restroom lang ,pasensya na kung pinag aalala kita ,Niel baka d kona matapos ung party kailangan kona kasi umuwi " pagdadahilan niya dito ,lalapitan na siya ni Niel ng biglang may tumawag ,napahinto siya sa boses na narinig niya
"Bro ??" pagtawag nito kay Niel ,