CHAPTER 2

2010 Words
Kyra's P.O.V Asa'n na kaya ang babaeng yun, madaling araw na hindi pa namin nakikita si Falistine. Hindi rin namin siya matawagan kasi naiwan niya ang bag niya sa mesa, I'm doom pag nalaman to ni Tito Alfred. "Nakita niyo na?" pambungad ko kina Alex na kakarating lang at pahingal-hingal pa sila. "W-wala pa.... P-pumunta na kami sa.... Sa powder room, wala parin!" pahingal-hingal na sabi ni Heather. "Nagpapa-tulong na kami sa mga tao dito, at tiningnan din nila ang CCTV footage baka lumabas lang siya..." hingal ni Alex. "Hindi-hindi yun basta-bastang lalabas! Sinabihan ko na siya kanina na 'wag siyang lalabas at 'wag sasama sa mga taong hindi niya kilala! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko!" naiiyak na talaga ako, na-iimagine ko kasi ang mukha nilang lahat na galit na galit sa 'kin lalong-lalo na si Tito Alfred, iba yun kapag nagagalit lalo na pag ang unica ija niya ang pinag-usapan, para yung lion na bagong labas sa lungga na naging Wild. "Tahan na Kyra, ginagawan na nila ito ng paraan..." tahan sa 'kin ni Heather habang hinagod-hagod ang likod ko, hindi ko man lang magawang pakalmahin ang sarili ko dahil sa dami ng iniisip ko. Pa'no kong kinidnap siya? Pa'no kong tinanan siya ng boyfriend niya (Kahit wala naman) Pa'no kong pinatay siya at dinala sa liblib na lugar! Wag naman sana. "You know what guys, there's something inside my pretty brain na baka nasa mga VIP rooms si Istine, nangyari na rin kasi ang insedenting ito sa kaibigan ko last time, yun lang pala sumama siya sa nag imbita sa kaniya na mag one night stand kaya ayun, natagpuan namin siya sa isang VIP room" paliwanag ni Alex, tama nga siya. Pero hindi gano'ng klaseng babae ang pinsan ko, hinding-hindi niya basta-bastang isusuko ang p********e niya. "No! Nagkakamali ka, hindi gano'n si Istine!" pag tama ko. "Tingnan nga na tin diba? Why not, baka nando'n nga siya..." ani Heather "Sige, pero sana naman walang nangyari sa kanya..." Pumunta kaagad kami sa second floor kong saan nando'n ang mga VIP rooms, medyo kabado ako pag sakay namin sa Elevator. Kinakabahan ako baka kasi wala don si Istine, at kong nando'n man siya sigurado akong may nangyaring masama sa kaniya. "Yes ma'am may I help you?" pambungad sa min sa isa sa mga tauhan ng Bar namin. "Dianne nakita mo bang pumasok si Falistine dito?" tanong ko sa kaniya, kilala ko na kasi ang mga tauhan dito kasi minsan ako ang pinapabantay ni Daddy dito kapag umalis sila papuntang Italy. "Nako! Hindi po ako ang nagbantay dito kagabi, try niyo nalang ho tingnan isa-isa ang mga kwarto dito. Baka makita niyo ho siya..." paliwanag niya kaya mas lalo akong kinabahan, ngumiti lang ako at nagpasalamat tiyaka umalis. "Asa'n na kaya siya, kukurutin ko talaga ang singit no'n kapag nakita ko siya!" inis-inis na talaga ako. "Hello? Is anybody here?! Hello?" katok ni Alex sa unang kwartong pinuntahan namin, medyo kabado ako kasi may chance na nandito si Ilistine and I'm one-hundred percent sure na na-one night stand siya! At kapag nalaman ito ni Tito? Goodbye Philippines! Bumukas naman ang pinto at bumungad samin ang lalaking naka-topless habang kamot-kamot pa niya ang kaniyang ulo, halata talagang bagong gising pa siya. "May I help you?" tanong niya samin habang kinosot-kosot niya ang kaniyang mata and I found it cute. "Ah-eh, nandito ba si Istine?" tanong ko na medyo nahihiya at napansin kong medyo uminit ang pisngi ko ng makita ko ang bukol sa boxer shorts niya like what the fudge! It's huge! "Ha? Sino ba yan? Wala akong kakilalang Istine, at tiyaka kasama ko yung..... Uhm..  Friend ko, kaya impossible namang kasama ko yang kaibigan niyong si sino ba yun? Einstine?" ngek, gwapo sana makalimotin naman, sayang. "Uhm... Salamat na lang at err--- sorry nga pala, ginising kapa namin..." Ani ko sabay kamot sa batok, sh*t lang ha hindi parin mawawala sa paningin ko ang bukol sa boxer niya!  "No, no, it's okay... Gusto niyo pa nga samahan ko kayo sa paghahanap sa nawawala niyong kaibigan" ngiti niya. Medyo nag-aalinlangan ako, kasi kakakilala pa lang namin sa kaniya ay tutulongan na niya kami sa paghahanap sa pinsan ko. Hindi sa naman na ayaw naming mag patulong, eh nadidistract kasi ako sa mga mata niya. Para kasing tinatawag kang lumapit sa kaniya, tapos yung mga labi pa niya kahit naka tikom lang ay para kang nilalandi, alam niyo yung feeling na yun? Hayst. "Ah-eh wag na lang medyo nakaka--DHAJNDJSI" ah, not again ayan na naman ang patakip-takip ni Alex ng bibig, like it's so annoying! "Sure! Sure! Mas marami mas mabuti! Diba KYRA?" diniin pa talaga ang pangalan ko at pinandilatan pa ako ng mata ng bruhang to! I just rolled my eyes, and didn't mind her again kaya tinggal na niya ang pagkatakip sa bibig ko. "Good, just hold on a sec mag bibihis lang ako.. Mabilis lang to..." pamamaalam niya habang naka-tingin sa 'kin. "OMO! Guys, kilala niyo ba siya?" tanong sa 'min ni Alex kaya nag kibit balikat lang ako. "Hindi sino ba siya?" taas kilay na tanong ni Heather. "Hayst! Siya lang naman ang pinaka sikat na sa modeling industry! Kaya nong muntik mo ng masabing hindi ka papayag na sasama siya sa 'tin ay tinakpan ko kaagad ang bibig mo, sayang kaya!" sigaw ni Alex sa kin, sarap talaga sabonotin. "Ahah! Siya pala si Danian! Ang gwapo niya sa personal ah!" tili ni Heather, at mapapansin mo talagang kinikilig siya kasi hawak-hawak niya kasi ang magkabilang pisnge niya. "Danian? Danian Louise Hendrix?" takang tanong ko. "Oo siya nga!" sigaw ni Alex habang pumapalakpak. Bigla namang bumukas ang pinto at bumungad sa 'min si Danian na nakasoot na ng white v-neck t-shirt at tiyaka ripped black jeans. "Ano alis na tayo?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay niya. "Ah, Oo, Oo... Tara?" yaya sa min ni Heather kay tumango lang ako. Habang naglalakad kami ay napansin kong sumabay sa kin si Danian kaya medyo naiilang ako. Napansin ko din ang pag tingin niya sa kin at kapag tumingin naman ako sa kaniya ay iiwas naman siya kaagad. Weird. "Ah-uhm, I'm Danian by the way..." pakilala niya at inilahad niya ang kanyang kamay habang naglalakad kami. "Ah eh, Kyra Faith Envangelista..." nag shake hands kami kaya mas lalo akong nailang. "Ka ano-ano mo ba yung hinahanap na tin?" basag niya sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa kaya lumingon ako sa kaniya. "Pinsan ko siya" sagot ko na iniiwasang tumingin sa kaniyang mga mata. "Kyra ikaw na ang kakatok!" tawag sa 'kin ni Alex kaya tumakbo ako papunta du'n at iniwan na lang si Danian, naiilang kasi ako pag kasama siya. "Tao po?" katok ko sa pinto, nag hintay muna ako ng ilang segundo bago ko inulit ang pagkatok pero wa epek, di parin bumukas ang pinto namumula na nga ang kamay ko sa kakatok. "Ano ba naman yan it makes me inis- inis na ah!" sigaw ni Alexa, hayst conyo talaga ang babae to kahit papano. "Tabi nga ako na lang ang kakatok!" Sigaw ni Heather sa kaniya isa pa ang bruhang to! "Hello? Is anybody here?" Aniya habang kumakatok, idinikit rin niya yung tenga sa Pinto. "No one answered, walang tao ata" sabi niya habang napakamot sa ulo niya. Nako! Malintikan ko talaga ang pinsan kung to pag nalaman kung nandito siya sa loob ng kwartong to, hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko sa kaniya kapag nag kataon. "Hoy! Buksan niyo ang pinto!" Sigaw ko at kulang nalang masisira ang pinto ng dahil sa lakas ng katok ko. Kaagad namang bumukas ang pinto at bumungad sa min ang lalaking kakasuot lang ng damit. "What the f**k do you need?!" Sigaw niya sa min, aba-aba sinisigawan pako! "Wag mo kong ma the f**k, the f**k, nasayo ba yung pinsan ko ha?!" Sigaw ko rin pabalik sa kaniya, subukan lang niya talaga ako mali ata ang babaeng sinigawan niya. "What the hell are you talking about? Wala dito ang pinsan niyo!" Sigaw niya rin sa min, akmang isasara niya sana ang pinto ng may mapansin akong pamilyar na sneakers, aba kay Istine yan ah?! "Papasukin mo nga ako sa loob"  hindi ko na siya hinintay'ng mag salita kaya pumasok kaagad ako. "Istine!" Napatingin naman ako sa pintoan ng CR ng bigla itong bumukas at inilabas dito si Istine na kakaligo lang, aba nakuha niya pang maligo tapos kami nagkakarandarapa na kaming naghahanap sa kaniya. "Ikaw 'ng lalaki ka! Ba't mo pinagsamantalahan ang p********e ko ha?!" Nagulat na lang ako ng biglang pinagsasampal ni Istine ang lalaking nasa harap ko. "Sabi ko nga sayo, hindi ako ang gumalaw sa yo! Nagkataon lang na nalasing ako at napadpad sa kwarto mo?! Kaya wag mo kong pagbintangan kung wala ka namang sapat na ebidensya!" Sigaw niya rin sa Pinsan ko. Nagulat naman ako ng kaagad akong hinablot palabas ni Heather at ni Alex, ano na namang kalokohan to?! "Ano ba, bitawan niyo nga ako?!" Pag pupumiglas ko, ngunit dinala lang ako sa isang kwartong naka bukas ang pinto kahit walang tao. "Gaga, hindi mo ba kilala kung sino ang lalaking ka one night stand nung pinsan mo?" Nakangiting tanong ni Heather sa kin, nakuha pa talaga niyang ngumiti ah samantalang ako kabadong kabado na kung ano nalang ang gagawin ni Tito Alfred sa kin sa oras na malaman niya na ginalaw ang Prinsesa niya. "Bakit ko naman siya kikilalanin ha? Makakatulong ba yun sa pagyaman ko?" Sarkastikong tanong ko sa kaniya. "Yieeeee ang gwapo pala talaga niya sa Personal"  tili naman ni Alex, isa pa tong haliparot na to kasalanan niya to eh. "Eh sino ba siya ha? Kung makaasta kayo parang ang lalandi niyo na?" Nagkatinginan naman silang dalawa tas ngumiti ng napaka-weird. "Si Red Lennux! Kyah!" Si Red? Yung pinakasikat na artista dito sa Pilipinas pati narin sa buong Mundo? Why I didn't recognize him. "Ang swerte naman ni Istine, si Red ang nakauna sa kaniya" nakapout na sabi ni Alex, landi talaga "Anong swerte? Sigurado akong papatayin ni Tito si Red sa oras na malaman niyang ginalaw niya si Istine, kilala niyo naman si Tito diba? May pagka beast talaga yun" napatango-tango naman sina Alex at Heather, binalikan naman kaagad namin si Falistine na ngayo'y nag-iisa habang umiiyak, mga lalaki nga naman kapag nakuha na talaga ang gusto galing sa babae ay iiwan kaagad nila. "Insan, lagot ako nito kay Daddy kapag nalaman niyang hindi na ako Virgin! Huhuhuhu" Iyak niya, hinahagod namna siya nina Alex at Heather napansin ko ring nandito parin si Danian sinamahan kami pake ko sa kaniya. "Yan! Ang kitid-kitid kasi ng utak mo, hindi ka kasi nag-iisip, tatanga-tanga ka kasi eh!" Naiinis na talaga ako sa babaeng to, dinadamay pa talaga niya ako sa kalokohan niya. "Ang sadista mo talaga pinsan, nakuha mo pa talaga akong sigawan ako! Ang sakit-sakit nga nitong katawan ko eh! Huhuhuhu" sarap talaga kurutin sa singit ng babaeng to. "Ginusto mo yan! Gusto mong kurutin ko yang singit mo?!" Mas lalo naman siyang umiyak sa sinabi ko, hayst ang bata-bata pa niya para pumasok sa ganitong sitwasyon wala pa talaga siyang alam sa pinasokan niya. "Kailan mo to sasabihin sa Daddy mo?" Tanong ni Heather sa kaniya. "E-ewan ko, natatakot ako" sagot ni Istine habang humahagulhol. "Sana inisip mo yan bago niyo yun ginawa" problema talaga ang babaeng to kahit kailan. "Sorry pinsan" sincere na sabi niya kaya niyakap ko siya agad, concern lang naman ako sa kaniya ayoko kasing nagkakaganito siya. Siya kasi yung pinakapaborito nina Lolo't Lola nung buhay pa sila, kaya napaka-over protective namin sa kaniya, pero bukod dun siya lang kasi yung matuwid sa aming mag-pipinsan kaya nagulat talaga ako nung malaman kung na-One night stand siya at sa pinaka sikat na artista pa mismo. "Hayaan mo, tutulongan kitang masolusyonan ang problema mo. But promise me that we will tell your Dad about this okay? Masama ang magsinungaling at alam mo yun" tumango naman siya sa sinabi ko habang pinupunas ang mga luha sa kaniyang mga mata, parang bata talaga. "Thank you insan ah, the best ka talaga!" Niyakap naman niya uli ako kayo niyakap ko rin siya. Napansin ko namang nakangiti si Danian sa min habang pinagmamasdan kaming nagyakapan ng Pinsan ko, tss chismoso din pala itong lalaking to. Ang poproblemahin nalang namin ngayun, ay kung paano to namin sasabihin kay Tito Alfred, iniimagine ko palang kung ano ang maaaring gawin ni Tito kay Istine, either papalayasin siya, or papatayin siya. Hay ka stress.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD