CHAPTER 3

2489 Words
Falistine's P.O.V 5 days had past simula nung araw na may nangyaring kabablaghan sa pagitan namin Red. Kahapon ko lang nalaman na isa pala siyang artista, hindi lang pala simpleng artista... Napaka sikat na artista. Imbes na matuwa ako dahil siya yung nakauna sa kin, maiiyak tuloy ako. Ipinangako ko kasi sa Dad ko na iingatan ko tong perlas ko at tiyaka ko na ipapakuha kapag kasal na ako. Ngayun ring gabi ang napag-usapan namin ng pinsan ko na sabihin ang totoo kina Dad at sa mga Tito't Tita ko isali niyo na rin ang mga pinsan ko. Nakakahiya man pero kinakailangan, ayoko kasing malaman ito ni Dad galing sa ibang tao at ayoko rin kasing pandirihan ako ng maraming tao. Ako kasi ang kinikilala nila bilang Dalagang Pilipina ng dahil sa hinhin ako't hindi malapit sa mga lalaki kahit sa mga pinsan ko hindi rin ako nakikipag-close sa kanila. Kilala ang pamilya namin here in whole Asia ng dahil sa negosyo naming mga Pabango at mga cosmetics. Minsan ginagawa nila akong model sa mga products namin dahil sa maganda daw ako kahit hindi naman masyado. Too much for that, andito pala si Kyra sa kwarto ko habang naghahanap ng mga damit na pwede kung maisuot mamayang gabi. Medyo kabado ako sa possibleng magiging reaksiyon ni Dad kapag sa oras na malaman niyang hindi na pala ako virgin, errrr nakakadiri mang pakinggan na kailangan talagang sabihin to sa Dad ko pero kinakailangan talaga at ng hindi naman siya mahiya kapag sinabi ng mapapangasawa ko in the future na hindi na pala ako virgin. Hayst laki talaga ng problema ko. "Hoy bruha, anong klaseng mga damit ba tong nasa loob ng walk in closet mo? Daig mo pa talaga ang kapatid ko no, wala ka talagang taste pag dating sa fashion tatanda ka talagang losyang!" Hay, ba't ba naman kasing kinakailangang maging presentable sa harap ng Pamilya namin, at isa pa hindi naman ito Party, family gathering lang to "Ayokong magsoot ng mga sexing damit kadiri kasi" ayoko kasing magsoot ng mga damit na kita yung braso't legs ko, para kasing kulang nalang hindi na ako magsosoot ng mga damit ng dahil sa expose masyado tong katawan ko. " Hala, ba't nasa kahon patong ibinigay ko sa yong damit nung 20th birthday mo? Pinagawa ko pa naman to sa pinaka sikat na designer sa Paris, tapos kung saan-saan mo lang nilagay? Kababae mong tao, akala mo naman lalaki kung umasta" pagpasensyahan niyo na talaga ang pinsan ko, may pagkabonga-ngera din kasing tong bruhang to. Pero kahit ganiyan siya thankful parin ako dahil binigyan ako ng pinsang kagaya niya, at least may pagsasabihan ako sa twing may problema ako at meron din akong karamay. "Insan naman eh, pwede naman na ito nalang yung susuotin ko" sabi ko sabay bigay sa kaniya ng isang Black Gucci T-shirt at ang favorite ripped jeans ko. "Boba ka ba? Eh palagi mo yang sinusuot eh! Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag nakita ka nilang outfit repeater ka? Ang yaman-yaman niyo tas pabalik-balik ang mga suot mong damit? Tatanda talaga ako sa yo ng maaga Insan hay nako..." Napakamot na lang ako sa batok sa sinabi ng babaeng to, hayst ba't naman kasi ang arte-arte ko pagdating sa damit, palagi na lang akong out of cast pagdating sa fashion. Kung buhay lang siguro si Mom napaka fashionable ko siguro, kwento kasi sa akin ni Dad na isa daw si Mom sa pinaka magandang artista, yeah she's and actress kaya nga sabi nila na bagay sa kin ang maging artista dahil namana ko daw ang kagandahan at kapogian ni Mom and Dad. "Oh pinsan ito ang suotin mo, para mag mukha ka namang tao kahit ngayun lang" aniya sabay bigay sa kin sa damit na ibinigay niya noong 20th birthday ko. Sinusuri ko naman ang damit na hawak ko ngayon, kulay red ito dress heart shape tube na may mga mga small gems around it kaya kung nasa mailaw akong lugar siguradong goglow ako nito. "Ayoko niyan insan, makikita lang tong cleavage ko!" Pag-iinaerte ko uli, mas gustohin ko pang magsuot ng oversized t-shirt kahit mag mukha akong tibo kesa sa magsuot ng ganyang damit na magmumukha akong pokpok "Ang arte mo naman, akala mo naman hindi nakipag s*x sa taong di naman nya kilala" sinamaan ko naman kaagad siya ng tingin ng dahil sa sinabi niya, aba its too personal kaya. "Grabe ka naman pinsan!" Sigaw ko sa kaniya, binelatan lang niya ako tapos tumawa ng napakawagas. "Oh diba? Nagalit ka? Kaya kung ako sayo kung ano ang gusto kong ipasuot sayo suotin mo na lang..." napairap na lang ako sa kawalan bago siya tinalikuran, dala-dala ang damit na ipapasusuot niya sa kin, kasi kapag sasabayan ko pa yung babaeng yun baka kung ano na naman ang lumabas sa bibig niya. "Bilisan mo ang pag bihis ah, lalagyan pa kita ng make up!" Habol pa niya. Lumabas kaagad akong suot-suot itong dress na to, bagay naman sa kin kaso hindi ako komportable kitang-kita kasi legs ko tyaka cleavage. Hay, kailangan ko na talagang sanayin 'tong sarili ko pagdating sa Fashion para hindi mag mukhang kahiya-hiya sa harap ng maraming tao. "Oh see, nagmukha ka ng tao umupo kana dito at ng mamake-up-an kita" sinunod ko naman kaagad ang sinabi ni Insan mahirap na kapag tututol uli ako sa sinabi niya. Ilang minuto din akong nakaupo dito sa upoan, hanggang sa natapos na  ang pag make up niya sa kin. I looked at my reflection in the mirror and gosh I'm so pretty "Oh ayan tapos na, ganda mo talaga manang mana ka talaga sa kin!" Niyakap naman kaagad niya ako ng napaka higpit, abnormal talaga ang babaeng to kanina galit na galit siya sa kin, ngayun? Parang natutuwa pa siya sa kin. Kung nagtataka kayo kung ba't pa kinakailangan naming maging presentable sa harap ng pamilya namin yun ay minsan lang kasi kaming nagtipon-tipon bilang isang pamilya, palagi kasi silang out of town ng dahil sa kaniya-kaniyang business nila kaya ganun. Bumaba kaagad kami sa grand staircase namin kasama ang pinsan kung wagas kung maka ngiti ng malapad habang nakatingin sa kin ng nakakaloko "Oh anong tingin-tingin? Naweweirdohan nako sayo insan ah!" Sigaw ko sabay hampas sa balikar niya. "Iniimagine ko lang kung ano ang magiging reaksyon ng Dad mo sa oras na malaman niya na hin——" tinakpan ko naman kaagad ang bibig niya, mahirap na no baka may makarinig sa kaniya. "Ano na naman ang problema niyong dalawa?" Napabitaw naman ako sa pagtakip sa bibig ni Kyra ng marinig ko ang boses ni Dad sa likuran.  "Ah-eh wala po Dad"Lumapit naman ako kaagad kay Dad at hinalikan siya sa pisnge. "Good evening po Tito" bati ni Kyra sabay mano sa Dad ko, kaagad ko naman siyang sinamaan ng tingin muntik na kaya niya yun masabi. "Good evening din Kyra, baba na tayo nandun na yung mga pinsan niyo sa garden" aniya ni Dad kaya tumango lang ako at kaagad hinablot si Kyra pababa. "Ikaw talaga Kyra muntik na tayong mapahamak no'n" nag-peace sign naman kaagad siya tas ngumiti "Hehehe, sorry insan" inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa paglakad papunta sa Garden namin. "Witwiw, bagong-bago ah! Anong nakain mo Tine ba't ka nakapangdamit babae ngayun?" Inirapan ko lang si Kristof ang kapatid ni Kyra na inaasar na naman ako, wala na talaga silang magawa sa buhay nila kundi ang asarin ako. "Shut up will you?" Sita ko sa kaniya pero humagalpak lang siya sa tawa. "Hey, cuz you look so stunning tonight" puri naman sa kin ni Kuya Dark anak ni Tito Drake kapatid ni Dad at Tita Marie.  "Thanks kuya, you too bagay na bagay sa yo ang suot mo'ng tuxedo" napaka gwapo niyang tingnan sa suot niyang gray tuxedo isali mo narin ang mga muscles na bumabakat sa tuxedo niya. "Nah, kakauwi ko lang nga galing opisina hindi ako nakapaghanda ng maayos" tawa niya "Oh my God, baby Istine! Why you look so gorgeous tonight!" Nagulat naman ako ng bigla akong niyakap ni Tita Karen Mommy ni Kyra. "U-uh Tita, I can't breath po" akala ko ba nag bago na si Tita, ba't ba ang higpit parin ng yakap niya sa kin. "Hehehe sorry hija, I just missed you so much!" Aniya sabay kurot sa king pisnge ko, aray ah nakakasakit na siya. "Hindi sa pagmamayabang Mom, pero ako ang nagpaganda sa kaniya ngayun" pagmamayabang ni Kyra sa kaniyang sarili, na may paturo-turo pa siyang nalalaman. "Yieee, manang-mana ka talaga sa kin baby Ky!" Tili ni Tita sabay yakap sa kaniyang anak na nasa tabi ko, well hindi naman siguro childish kung makaasta si Tita no? Slight lang. Iniwan ko lang silang mag-ina para naman magkaroon sila ng time sa isa't isa, minsan lang din kasi silang magkasamang mag-ina at isa pa na-iinggit ako kay Kyra dahil sa kompleto ang Pamilya niya ako kasi hindi. "Hey!" "Ay butiki!" Napahawak naman ako sa aking dib-dib ng may biglang ng gulat sa kin, si Gino lang pala anak ni Tito Greg at Tita Gina na bunsong kapatid nila Dad. "Ba't kaba kasi nanggulat!" Sigaw ko sabay hampas sa braso niya, s**t ang tigas "Wahaha, wala lang na-miss ko lang kasing gulatin ka. Ang tagal-tagal na kaya nating hindi nagkita maybe 2 weeks or a month na siguro" yeah matagal-tagal na rin yun, nasa Germany kasi ang iminanang kompanya ng Dad niya sa kaniya kaya do'n narin siya tumira for good. "Oo nga eh!" Balak ko sanang umalis ng hinablot niya kaagad ako papalapit sa kaniya, oh not again. "F*ck you" "F*ck you" Nagtawanan naman kaming dalawa nung magkasabay kaming sumigaw nung bad word na yun, ito na rin kasi ang nakasanayan namin noon pa man ang mag mura-murahan sa isa't isa. "Alis na ko cuz, pupuntahan ko pa sina kuya Dark at Kristof" tumango lang ako bilang pag sang-ayon tiyaka umalis. "Ate Gandaaaaaaa!" Napatigil naman ako at napalingon sa likuran ko, waah si Baby Drake bunsong kapatid ni Dark. I open my arms widely at isang mahigpit na yakap naman ang sumalobong sa akin galing kay Drake. " Ate Ganda namiss po kita ng subrang-subra" ang cute-cute talaga niya, 5 years old pa nga lang pero subrang dal-dal na. "Ako nga rin eh, oi binata na yung baby ko" asar ko sa kaniya sabay kiliti sa leeg niya, ang cute cute talaga niya lalo na pag tumawa siya. "Talaga ate Ganda? Binata nako? So pwede na po kitang ligawan?" Napangiwi naman ako sa sinabi nitong batang to. "Bawal kasi baby, kasi diba mag-pinsan tayo?" ngumuso naman kaagad siya ng dahil sa sinabi ko "Pwede pa rin naman yun ate eh, at least mag pinsan lang tayo hindi tayo magkapatid" nakatungo niyang sabi, napa hampas nalang ako sa aking noo ng dahil sa mga lumalabas sa bibig ng batang to, saan ba niya natutunan ang mga salitang yun " Kapag 20 years old kana" I lied kaya ngumiti uli siya ng malapad tas niyakap ako at hinalikan sa pisnge. "Talaga ate? Thank you ate Ganda!"  "Your welcome" pinat ko lang yung ulo niya tiyaka umalis Pumunta na lang ako sa pool side kung saan ginaganap ang malaking handaan, nagmano ako sa mga Tito't Tita ko na nandito sa malaking mesa nagtatawanan. "Himala ata Falistine nakapang damit babae ka na ngayun bagay na bagay sa yo, mas lalo ka pang gaganda kapag ang mga gawa kung damit ang sosoutin mo" matagal na akong pinilit ni Tita Gina ang Mommy ni Gino na maging model sa mga gawa niyang damit, pero tinatanggihan ko rin naman ng dahil sa ayaw kong pagtoonan ng atensyon ng mga tao, wala sa vocabularies ko ang maging isang sikat na tao mas prefer ko yung tahimik na buhay. "Hehehehe" tumawa lang ako sa sinabi ni Tita, hindi kasi ako makapag salita eh. "Pumayag kana kasi hija" pagpupumilit ni Tita sabay sundot-sundot sa tagiliran ko. "Ah-eh T-tita——" *Ting ting ting ting ting* "Can I pay your attention please?"  Kaagad naman akong nagpaalam kay Tita Gina para lumapit kay Daddy, haaay muntik na ko dun. "So my daughter Falistine, ang may ideya sa family gathering nato. Matagal-tagal na rin kasi tayong di nabuo bilang isang malaking Pamilya, dahil sa kaniya kaniya nating mga negosyo. So lets have a toss to celebrate na sa wakas buo ulit tayo" itinaas kaagad namin ang mga glass wine namin, nakaupo kaagad ako sa tabi ni Dad. "So lets eat!" Masayang sigaw ni Dad, kaya kumain kaagad kami at nagsimula ng kumain. Napansin ko namang nakatitig sa kin si Kyra with her 'Sabihin mo na look', kaya tumango lang ako at kumain uli. Gosh ngayun lang ako nakaramdam ng ganitong kaba, parang anytime kakapusan ako dito ng hangin sa lakas ng pintig ng puso ko! "Are you okay Istine?"nag-aalalang tanong ni Dad kaya tumango ako. "I'm okay Dad, medyo busog lang ako kasi kumain na ako kanina hehehe" I lied, nag kibit balikat lamang si Dad at kumain na lang.  Nag simula ng mag ingay ang hapag, habang pinag-uusapan nila ang kanilang kaniya-kaniyang mga negosyo, habang ako hindi ako maka concentrate ng dahil sa binibingi ako ng Konsensya ko. Nagulat naman ako ng may biglang humablot sa kin. "Ah Tito, will you excuse us for a while?" Paghihingi ng pahintulot ni Kyra kay Daddy na ngayo'y naweweirdohan na sa inasta naming dalawa. "Ano ba Kyra, ba't ka ba ng hahablot?" Tanong ko sa kaniya nasa likod kami ng bahay namin ngayun, ito ang pinaka tahimik na bahagi ng bahay namin. "Kailan kaba aamin sa Dad mo?" Bulong niya sa kin. "Hay, kaya ko nga sila inimbintahan ngayun ang buong Pamilya para aaminin sa kanila ang totoo" explain ko sa kaniya, tumango-tango naman siya. "Kinakabahan kasi ako pinsan eh, pa'no kung tatanungin ni Tito sa kin kung ba't hinayaan kitang magkaganyan? Tayo lang naman kasi ang magkasama no'n at ang worst pa, ako yung namimilit na isama kita mag bar hopping" niyakap ko naman siya at tinahan mukha kasi siyang naluluha. "Shh, tahan na malalagpasan din natin 'to basta ang gagawin na lang natin ngayun ay maging matapang sa pag-amin sa kanila ng totoo" sumang-ayon naman kaagad si Kyra sa sinabi ko. Napag-isipan naman naming bumalik sa hapag kung saan masayang kumakain ang aming mga pamilya. "May problema ba sa inyong dalawa ni Kyra anak?"tanong ni Daddy na may pagtataka sa kaniyang mukha, ayokong tumingin sa kaniyang mga mata baka kasi mahalata niyang kinakabahan ako. "Wala po Dad, may pinag-uusapan lang po kami" tumango lang si Daddy bilang pag sang-ayon sa sinabi ko. Nilingon ko naman kaagad si Kyra na ngayo'y pinandilatan ako ng mata. Hoo! Nandito na rin naman tayo, and I think its about time para umamin na ako. *Ting ting ting ting ting* Mas lalo naman akong kinabahan na sa kin na sila naka tingin ngayun, isabay niyo na rin ang kaninang maingay na hapag ay biglang tumahimik Laban lang self, kaya mo to I said at the back of my head. "U-uhm, may gusto lang po akong importanting sabihin sa inyo" napansin ko namang yumuko si Kyra. "Papayag ka na hija na maging model ko?" Maligayang tanong ni Tita Gina kaya agad akong umiling. "Ate Ganda, Girlfriend na kita?" Napatingin naman ako kay Drake ng bigla itong sumabat na kaagad naman pinitik sa noo ng kuya Dark niya. "Ano yun anak?" Nagtatakang tanong ni Daddy, kaya bumuntong hinga muna ako bago mag salita. "I-I'm not a Virgin anymore" "ANO?!" Sabay nilang tanong, oh gosh I'm doom
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD