MARIONE: NANGUNOTNOO ako na maramdaman ang pamamanhid ng buong katawan ko. Hirap akong kumilos at dama kong sobrang tuyot ng lalamunan ko. "Where am I?" piping usal ko. Naipilig ko ang ulo na inaalala ang mga nangyaring ikinangatal ng katawan ko. Para akong pinipiga sa puso ko na hindi makakilos nang luminaw sa memorya ko ang mga nangyari sa Abra! Kung saan kasama ko si Trisha na bumaba ng bayan at ako ang nagmaneho. Makipot at lubak-lubak ang kalsada kaya nang may nahulog na bato sa daraanan namin ay napakabig ako ng manibela dahilan para. . . mahulog ang kotseng minamaneho ko sa mataas na bangin! Pero ang ikinangatal lalo ng katawan ko ay ang pagsagi ng eksenang. . . pinukpok ako ni Trisha sa ulo gamit ang baril niya. Sa naghihingalo kong paningin ay nakita ko pa sa rear view mirr